Agnes's pov.
Timehop!
Kakatapos lang ng rehearsal namin para sa gig namin bukas hindi pa kami uuwi dahil may sasabihin nga ako sa kanila
"Ano ba yun Agnes?" Tanong ni jam
"Bilis na, gutom na ko" dagdag ni Pao
"Ito na nga, mag papa tulong kase ako sa inyo" Sabi ko
"Oh?" Tanong ni migs
"Aware naman kayo na may nanliligaw sakin diba? Halos 4 months na siyang nanliligaw sakin" dagdag ko
"Ooh si Zach?" Tanong ni toni
"Oo" sagot ko
"Ano meron?" Tanong nila
"Sasagutin ko na siya" naka ngiti kong sabi, Kita kong nagulat silang lahat dahil hindi ko naman sinabi sa kanila dati na gusto ko din si Zach
"Tagal niya ng nanliligaw, gusto ko din naman siya eh, siguro ito na yung time para sagutin siya" dagdag ko
"Pero sure ka na ba diyan?" Tanong ni poch
"Sure na ako poch"
"Masaya ako para sa inyo ni Zach" naka ngiting sabi ni pat
"Thank you" Sabi ko at ngumiti pa balik
"So ito na nga, kailangan ko ng tulong niyo" sabi ko
Pat's pov.
"Yun lang guys, I know na matu tulungan niyo ako" Sabi ni Agnes pag tapos niyang ipaliwanag ang gagawin namin, palaging tumitingin sakin si Miguel at poch, pero ngiti lang ang isina sagot ko sa kanila.
"Bukas na talaga?" Tanong ni Andrew
"Oo drew" sagot ni Agnes
"So, Tara na? Samgyup?" Aya ni Paolo
"Pass" Sabi ko, Wala ako sa mood, Wala din akong gana kumain, gusto ko nalang matulog.
"Why?" Tanong ni Agnes
"Pagod na ako Agnes, kayo nalang, una na ako sa condo" Sabi ko
"Ako na mag hahatid kay Agnes" Sabi ni jam, ngumiti lang ako at nag wave na sa kanila.
Pumunta na ako sa parking lot at sumakay na sa kotse ko, nag drive na ako pauwi ng condo.
'di ko mapigilan ang sarili ko na lumuha, bukas pag ma may ari na siya ng iba, Mahal na mahal nila ang isa't isa, dun palang talo na ko.
Pag dating ko sa condo, kumuha ako ng beer at dumiretso sa balcony. tumingin ako sa buwan at naalala ko nanaman si Agnes.
Sana ako nalang.
Every time in my mind
I'm telling myself
Should I be?
Who will be?
The man who'll hold your hand
Whenever I close my eyes
I can see your lovely smile
And I open it again
And then I see the midnight sky
Wishing that I'll be
The man that you'll touch and see
I'll give my love that can't explain
We will be running in the rain
And I will hold your hand
Hold my hand
Hmmmm
Hmmmm
~*~
Agnes's pov.
"Thanks jam! Ingat ka pauwi" Sabi ko kay jam at nag wave na, umakyat na ako sa unit namin at kinatok ang pinto ng kwarto ni pat, Alam kong hindi pa to kumakain.
"Pat, tulog ka na ba? May dala akong pag kain, alam kong hindi ka pa kumakain, kaya kain ka na!" Sigaw ko sa pinto niya, baka tulog na nga talaga siya.
Inayos ko na ang sarili ko at pumunta na sa kwarto ko
•zach free ka bukas?• chat ko kay Zach
•may laro kami eh, what time ba? Tyaka saan?•
•may gig kami sa bgc bukas, 5:00 pm, kailangan nandun ka ha! Goodnight• reply ko
•manonood ako, hindi naman ako maka hindi sayo eh, goodnight din Agnes, tulog ka na, pagod ka ata eh, sleep well• reply niya, tinabi ko na ang phone ko at humiga na sa Kama
Ready ka na ba talaga self?
Sure ka na ba talaga sa kanya?
Baka tama nga sila migs, baka hindi pa ako handa?
Pero ang tagal ko ng pinag isipan to
Gusto pa kaya ako ni Zach? Pansin ko kase na mas nagiging busy siya eh, baka may iba na siyang gusto? Di na din niya kase ako kinu kulit haystt
Pero nasabi ko na sa band
Bahala na nga, Mahal ko naman si Zach kaya sasagutin ko na siya
Final na to
Final na final na talaga.
Pat's pov.
Nung naubos ko yung isang bote ng beer tumawag si poch kaya pumasok na ako sa kwarto ko
"Oh?" Tanong ko
"Pauwi na diyan si Agnes, hinatid na siya ni jam, ayos ka lang ba?" Tanong niya
"Ok lang ako poch" Sabi ko
"Bakit ganyan yung boses mo? Umiiyak ka no?" Tanong niya
"Ha? Hindi ah" Sabi ko
"Pat, wag ka ng mag sinungaling, best friend mo ko, Hindi ka ok eh, hindi ko din naman masisisi si Agnes dahil dito, parehas lang naman kayong nag mamahal" Sabi ni poch
"Mahal ka din naman ni Agnes pat" dagdag niya, Hindi na ako nag salita dahil hindi ko na napigilan yung luha ko
"Mahal ka niya pero sa ibang paraan, pat, madami pang iba diyan, oo walang katulad si Agnes, pero merong mag mamahal sayo ng higit pa sa pag mamahal mo sa kanya, mahahanap mo din yun" Sabi niya
"Kung hindi man kayo yung para sa isa't isa, baka may ibang nakalaan sayo, ok lang na masaktan ka, Tao ka eh. iiyak mo lang yan pat, magiging ok ka din, magiging ok din yung puso mo" Sabi ni poch
"Thank you sa advice mo poch, itutulog ko nalang muna to, see you tomorrow nalang, goodnight poch" Sabi ko at in-end na yung call
•good night patty magiging ok ka din• chat ni poch sakin, tinabi ko na ang phone ko at pumikit na
Magiging ok ka din self
Magiging ok ka din.