Kabanata 6 Ganti Puyos ng galit ang kalooban ko. Ramdam na ramdam ang siklab ng apoy sa kailaliman ng puso. Hinanakit sa lalaking paasa. Sa lalaking malandi. At sa lalaking hindi ko kayang abutin. Malamig kong tinignan ang cellphone ng tumunog iyon sa pang siyam na tawag. Nanguyom ang palad ko sa pangalan na naka rehistro. Tangina may ganang tumawag pa. Ano porket mahal ko siya, magiging ganito nalang ako. Magiging taga habol sa lalaking mahirap abutin. Masakit sa puso na malaman iyong lahat. Masakit lalo pat katotohanan iyon. Nahihirapan na nga akong lunukin ang agwat namin tapos ganito pa ang malalaman ko. Did he use me? Am I really a past time to him? Past time? Parausan? Tangina ni minsan hindi ako naging ganito sa lalaki. Hindi ako kailanman nasaktan sa ganitong lalaki. Pero sa

