Dalawa

1173 Words
"Papi," Celine's heart skipped a beat upon hearing his voice. Magmula nang nakita niya ito sa dilim ay hindi na ito maalis sa isip niya. How can she forget about him when every time she close her eyes, she saw him. She saw that he wants her. "Louie," Nakangiting bati ni Liam sa matalik na kaibigan. "Saan ka galing?" Tinapik nito ang balikat ni Liam atsaka siya tinitigan. His gaze consumes her, eating her alive. And boy, she wanted to be eaten alive. "Sinamahan si Stephen, hinahanap si Elena." Natatawang sabi pa nito. Isang linggo na ang nakakaraan matapos bigla na lang mawala si Elena and their friend Stephen is losing his mind. "Mukhang na-karma ang gag*." "Hindi n'yo na makikita si Lena dito. I heard, nasa US na siya." Hindi napigilang sagot ni Celine. Elena is her friend, magaan ang loob niya sa probinsyanang nakapagpagulo sa mundo ng playboy nilang kaibigan. "I'm still irritated at the fact na kailangan pang umalis ni Lena bago marealize ni Stephen yung feelings niya." "That's what I told Stephen. Kaso lang, matigas ang ulo nun e." Naupo si Louie sa tabi niya at inakbayan siya. It was a friendly gesture. Something she's immune to given na siya lang ang babae sa kanilang magkakaibigan. A rose surrounded by thorns. Pero iba na ngayon, Celine doesn't know if she likes or hates Louie touching her. "Nararamdam ko na, Si Elena ang karma ni Stephen." Natatawang sabi pa ni Liam. Hinawakan nito ang kamay ni Celine at ginawaran iyon ng halik. At hindi nagpatalo si Louie dahil habang hindi nakatingin ang kasintahan ay nagawa nitong pasimpleng halikan siya sa leeg, dahilan para mapasinghap siya. "Ano pa nga ba? Buti na lang tayo, hindi babaero." Kalmadong sabi pa nito habang hindi malaman ni Celine kung paano magre-react. Nag-apir pa ang dalawa na ikinasimangot niya. "Aba dapat lang, Liam ha, malaman-laman ko lang na nagpapa-impluwensya kanila Brad at Stephen, hihiwalayan talaga kita!" "Babe, kelan mo naman ako nakitang tumingin sa iba? Alam mo namang patay na patay ako sayo, 'di ba?" Kinindatan pa siya nito sabay halik sa noo niya. Naramdaman niyang biglang nanigas si Louie sa tabi niya. She can feel tension radiating from him. "Tangna! Nakakadiri kayong dalawa!" Biglang sabi ni Louie. "Makaalis na nga lang dito, baka mag-live show pa kayo d'yan!" Makahulugang sabi pa nito bago tumayo at naglakad palayo. Hindi na pinansin ni Liam ang sinabi ng kaibigan pero hindi si Celine. Alam niyang may laman ang sinabi nito, Afterall, nakita ni Louie na naglive show silang dalawa. "Bakit kase hindi ka pa maghanap ng girlfriend, para hindi ka naiinggit sa amin ni My love?" Tanong ni Liam sa kaibigan. "Hindi ka naman siguro bading, Papi, ano?" Pang aasar niya pa. Tumigil si Louie sa paglalakad saka nito itinaas ang pang gitnang daliri niya, dahilan para matawa ng malakas si Liam. "Pakyu ka Papi. Hahahaha! Kapag nakuha ko na yung gusto kong babae, ipapakilala ko siya sayo." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa kanya. Napalunok si Celine. The way he looks at her right now is how he look at her in her dreams. Those dreams kept her awake in the middle of the night, panting. "Ipakilala mo muna siya sa amin, bago ka magyabang." ****** Louie is in a sour mood. Magmula ng makita niya sila Celine at Liam na magkasama, iritable na siya. Siya dapat yun e, siya dapat ang boyfriend ni Celine at hindi si Liam. Siya ang unang nakakita at nakakilala sa babae, pero hindi siya ang gusto nito. First year college pa lang ay mahal niya na si Celine and he's been keeping his distance magmula nang maging girlfriend ito ng pinaka-matalik niyang kaibigan. Magkakaibigan sila Brad, Louie, Liam, Iñigo, Stephen and Toby. Pero pinakamalapit sa kanya si Liam dahil magkaibigan ang mga magulang nila. "Paps, nagmumukmok ka na naman." Inakbayan siya ni Iñigo. Sa kanilang anim na magkakaibigan, si Iñigo ang pinakamalakas makiramdam. Ito rin ang unang nakaalam ng nararamdaman niya para kay Celine. "Nakita mo na naman silang dalawa, 'noh?" Hindi na siya sumagot. Wala ng point para magdeny o magsinungaling pa siya dahil ultimo pag utot, alam ni Iñigo ang ibig sabihin. "Magkakaibigan tayo, Iñigo. Hindi pwedeng hindi ko sila makitang dalawa. Sanay na 'ko, pero hindi ibig sabihin non wala na akong intensyong pilipitin ang leeg ni Liam." Pabirong sabi niya but he knew Iñigo knows better. "Gets ko naman 'yang nararamdaman mo, pero hindi naman ibig sabihin non e kukunsintihin na kitang agawin si Celine kay Liam. Ipapaalala ko lang sayo ha, bestfriend mo 'yung tataluhin mo." Pagbabanta pa nito sa kanya. Wala naman siyang sinabi na aagawin niya si Celine pero naunahan na siya ni Iñigo. "Wala naman akong sinabi—" "Wala ka ngang sinabi, may balak ka namang gawin. I know you, Louie. Naghihintay ka lang ng tamang oportunidad para pumasok sa eksena." See? Kahit anong gawin nila, Iñigo is always one step ahead of them. "Gusto din naman ako ni Celine e. Nararamdam ko." Sa totoo lang, balak nang kalimutan ni Louie ang dalaga dahil sigurado siyang wala na siyang pag-asa. Pero pagkatapos niyang aksidenteng makita ang dalawa nung gabing 'yon, napatunayan niyang interesado sa kanya ang babae. Her eyes speaks what her mouth refuses to. "Andun na tayo, gusto mo siya, gusto ka niya. Pero gusto ko lang ipaalala sayo na may Liam Marcus Guevara pa sa buhay ninyo. Saka bakit ka magre-recycle? Basurero ka ba Paps?" Muntik niya nang masapak si Iñigo dahil sa sinabi nito. "Don't get me wrong. I'm not implying that Celine is a trash. I love Celine, all of us loves her. But you do realize even if, that's a big if— even if the two of them broke up, it is very unethical na maging girlfriend mo siya. A lot of girls hates her already because she's the apple of our eyes. She has our attention and love. Don't make them hate her more kapag nalaman nilang pagkatapos ni Liam ay sayo naman siya mapunta. "Papi, bakit ang advance mo mag isip? Nananahimik ako dito tapos le-lecturan mo ako kung bakit hindi dapat mapunta sa akin si Celine kung maghihiwalay sila ni Liam." "I'm not lecturing you, tukmol ka talaga. Sinasabi ko lang yung mga posibilidad na mangyari. And what I said is exactly what's gonna happen." "Mali ka, Mr. Fortune teller. Wala akong planong agawin si Celine —for now—" muntik niya nang maidagdag. "Hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong ikakasira ng pagkakaibigan natin. Bros before hoes, right?" Tinitigan siya ng matagal ni Iñigo bago ito bumuntong-hininga. "If you say so." Kibit-balikat pang saad nito. "Maiba ako, birthday na ni Toby sa isang linggo ah. Hanggang ngayon ba wala pa ring nakakakilala kung sino ang girlfriend nung kumag na 'yon?" "Papi, kung ikaw ngang maraming alam, hindi kilala ang babaeng tinatago ni Toby, kami pa kaya? Basta alam ko pupunta yun. She should be, kung ayaw niyang mag-ala Incredible hulk si Toby." ——————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD