Labing fifteen

2085 Words
Hindi nagtagal ay naging kasa-kasama na nila si Pearl. She became a part of their group, the 'unofficial girlfriend' of Louie. At nagiging close ang babae ultimo kay Toby na hindi naman kasing laki ni Brad pero kayang mang-intimidate ng ibang tao, estudyante man o members ng faculty. Kagaya ngayon, nagagawa na ng babaeng tumambay sa apartment ng magkakaibigan. Bukas naman sa lahat ang apartment na 'yon, pero Pearl frequently visits Louie na para bang pinapalitan na siya nito bilang 'rose among the thorns'. Hindi na din nagawang makapag usap nila Louie at Celine. Pride and ego is stopping them or her. Inisip na lang din ni Celine na baka nagsawa na si Louie sa paghihintay na magdesisyon siya at piliin ang lalaki kaya pinili na lang nito kung sino ang available. And it hurts her like hell. Seeing him with Pearl, laughing, doing thing they've done before. Ang lamang lang sa kanya ni Pearl ngayon, ginagawa nila 'yon nang hindi na nila kailangang magtago. Louie can touch her, hold her hands and kiss her in public. Samantalang si Celine, nasasaktan na, wala pang nakakaalam. She felt betrayed. But who's to blame? Para ngang nakakarma na siya sa ginagawa nila kay Liam pero bakit siya lang ang nagsu-suffer? Bakit hindi silang dalawa ni Louie gayung dalawa naman silang nagsimula nito? And as she's looking at Louie and Pearl playing cards on that sofa where Louie and her make up noong nasa States sila Liam, hindi niya magawang hindi magselos. Naaalala man lang ba ni Louie ang mga memories nilang dalawa habang nakaupo sila doon? O pilit niya 'yong iniisang tabi para gumawa ng mga bagong memories? She's selfish, she knew. She wanted him to be happy but she doesn't want him to be happier with someone new. "Celine," She's so caught up in the moment na hindi niya naramdamang tumabi sa kanya si Iñigo sa dining table. Nginitian niya si Iñigo saka niya ibinalik ang tingin sa dalawa. Iñigo took a deep breath, pinisil nito ang balikat niya saka siya inayang maglakad-lakad sa garden. "Okay ka lang?" Tanong nito matapos silang makaupo sa bench na natatakpan ng malalagong gumamela. Naalala ni Celine ang sinabi ni Brad dati na dito n'ya unang nakita si Lena, at dito n'ya rin naabutan si Stephen na tila ginahasa ng sampung kabayo dahil nakalabas pa ang pututoy nito sa pantalon niya. Iñigo's probably thinking about the same thing kaya sabay pa silang natawa at tumayo. "I don't know." Pabuntong-hiningang amin ni Celine. I mean, hindi ba dapat matuwa ako para kay Louie, atleast ngayon hindi na ako ang pinagtutuunan niya ng atensyon." Wala sa sariling sabi niya. "Pero bakit gan'on, hindi ko magawang maging masaya." Wala nang dahilan para maglihim pa siya kay Iñigo. Alam niyang alam na nito ang tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa ni Louie, ayaw niya lang na sa kanya manggaling kung sakaling dumating ang panahon na malaman 'yon ni Liam. "Bakit kase ang tanga-tanga ko! Bakit hindi ko pinigilan itong nararamdaman ko?" Iñigo pulled her for a hug at nagawa niyang ipulupot ang mga braso niya sa bewang ng lalaki. This is what she needed right now. Someone to talk to. Someone who she can pour her heart out. Palagi naman silang nag uusap ni Liam pero alangan namang i-confide niya dito na nasasaktan siya ng husto sa nakikitang closeness ni Louie kay Pearl. "Celine, pag-utot nga hindi mo pwedeng pigilan, feelings pa kaya? It's basic human instinct, syempre masasaktan at magseselos ka kahit walang kayo kase may nararamdaman ka and it's very normal." Pag aalo nito sa kanya. "Although hanggang ngayon, tutol pa rin ako d'yan sa kung ano mang ginawa n'yo ni Louie behind Liam's back. Magkakaibigan tayo e, kaibigan ko kayo. Kaya ayokong makialam. Hindi kase ako kasing daldal ni Brad." Iñigo pushed her a little bit at pinunasan nito ang luha sa mga mata n'ya. "I know how to cheer you up, ice cream." ---- Naglakad silang dalawa ni Iñigo papunta sa isang convenient store na malapit lamang sa apartment nila at nakaubos siya ng tatlong apa ng dirty ice cream bago sila pa man sila nakarating sa pupuntahan nila. Celine is just wearing a white top and a cotton boxer shorts na hindi niya alam kung sino sa anim ang may ari. Basta dinampot niya na lang ito para palitan ang suot niyang pantalon at maging kumportable. Bigla tuloy hiniling ni Celine na h'wag sanang umabot sa point na ganun na din ka-kumportable si Pearl. "Stressed ka masyado ses?" Natatawang tanong sa kanya ni Iñigo matapos niyang bumili ng isang tub pa ng rocky road ice cream. Naupo sila sa labas ng convenient store, sinabi niya kay Iñigo na kung babalik sila agad sa apartment ay hihingiin lang ni Brad ang ice cream niya pero sa totoo lang, ayaw niya lang talagang bumalik at makita ulit sila Louie. "Hindi naman, pero libre mo e." Gamit ang plastic spoon, sumandok ng kaunting ice cream si Iñigo at ipinahid 'yon sa ilong ni Celine. "Iñigo! Kadiri ka naman eh!" Natatawa siyang gumanti sa lalaki. Now she feels so much better. See, that's all she needed. A friend, someone who understands her and knows how to make her feel better. "At least tumatawa ka na ngayon. Kanina kulang na lang kumuha ka ng kutsilyo at kung hindi pa ako nakalapit sa'yo baka crime scene na 'yung apartment." Biro pa nito sa kanya. "Buang, hindi ko naman gagawin 'yon 'noh. Unica hija, solong tagapag-mana. Ano na lang ang gagawin nila Mommy kapag nakulong ako?" Dinilaan niya pa si Iñigo matapos niyang sabihin 'yon kahit sa totoo lang, gustong-gusto niya nang batuhan ng plato sila Louie. "If it will make you feel better, I don't like Pearl. She's seem so.. too good to be true, parang pakitang-tao lang lahat ng ginagawa niya. I caught her looking at you when you're not looking at her more than necessary." "I don't like her either, pero hindi naman ata tamang pagbintangan natin siya ng masama dahil lang nakatingin siya sa akin. Malay mo, nagagandahan lang siya sa akin. Tapos sa bandang huli, kami pala talaga ang magkakatuluyang dalawa." Nakangiting sabi niya kay Iñigo. Hindi na niya sinabi dito na nararamdaman niya nga minsan na parang may nakatingin sa kanya ng masama, yung tipong tumataas ang balahibo niya sa batok. "Wala naman akong sinasabing masama tungkol kay Pearl, ang sa akin lang, I feel like she's not what she wants us to see. Hindi ko maramdaman na genuine siyang tao. Ang plastic ng dating niya para sa akin. And I think hindi lang ako ang nakakahalata dito, but she's trying to get on everyone's pants." Pumapalatak na sabi ni Iñigo. "Kilala mo naman kami, gago lang pero hindi pumapatol kung kani-kanino. ------ "So, what's the deal between you and Celine?" Tanong ni Pearl sa kanya nung marealize nitong dalawa na lang sila sa sala pagkatapos lumabas nila Celine at Iñigo. He even stared at them, trying to see where the two of them are heading. "What deal? She's Liam's girlfriend," tiim-bagang niyang sagot. Kailangan niyang makausap si Celine. Kailangan nilang magkaliwanagang dalawa tungkol sa estado nila pero iniiwasan siya ng dalaga at tila mas naging malapit pa ito kay Liam." "Oh, come on." Pearl said, gasping. "Anong akala mo sa 'kin, bulag? I saw the way you look at her. Lalo na kapag walang ibang nakatingin. And I saw the way she looks at you too." You're both longing for each other." Walang prenong sabi nito. Nagpalinga-linga ng tingin si Louie. Baka kase may makarinig sa sinasabing 'yon ni Pearl. "What are you talking about?" "You know what I'm talking about." Natatawa pang sabi nito. Sumandal si Pearl sa sofa at itinaas ang mga paa niya. Nag iwas ng tingin si Louie sapagkat nakasuot lamang ang babae ng maikling palda at nakita niyang wala itong suot na panloob. "We've been flirting for the past few months pero hanggang ngayon habang halik pa lang sa pisngi ang ibinibigay mo sa akin. I'm not your mother. It's either hindi ka na interesado sa akin or may pinag-iinitan ka nang iba." Bigla itong nagseryoso at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "I also remember where I saw her. Kaya pala sobrang familiar ng mukha niya sa akin, I knew I saw her somewhere." Hinawi nito ang ilang pirasong buhok na napunta sa mukha niya. "That was her, right? The girl on the hallway? The one who made you stop and rethink about coming with me to my hotel room?" Hindi na nagawang makasagot ni Louie sa tanong na 'yon ni Pearl. Bakit pa, hindi naman nagtatanong ang babae, she's more like confirming it. And why would he deny it? "Alam mo Louie, I'm interested in you. I think it's quite obvious seeing na nag effort pa ako para lang mapalapit ng todo sa'yo. I've invested so much time and effort in you and I'm not gonna let you get away from me para lang mapunta ka sa kanya." Nakangiti pang sabi nito ngunit natakot siya sa nakita niya sa mga mata nito. "Alam ba ni Liam na inaahas mo ang girlfriend niya?" Inosenteng tanong nito. Hindi na nakapagtimpi si Louie, tinulak niya ang babae saka ito dinaganan. "What do you want?" Nanggigigil na tanong niya. "You. I want you. I need to have you. Kung hindi kita makukuha, hindi mo din dapat makuha si--" Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil wala sa sariling nailagay ni Louie ang kamay niya sa leeg ng dalaga, choking her. Ngunit imbes na matakot sa kanya ay nginitian lang siya nito ng matamis. "Harder, choke me harder, Louie. I like that. Siguro naman may idea ka na that I like it hard nung nasa Vegas tayo. You choked me with your shaft, did that even scare me?" Hinawakan pa nito ang kamay niya para bahagyang pisilin ang lalamunan nito. "I know what I want, Louie. And when I wanted something, I need to get that something." Ngumiti ito ng nakakaloko saka siya hinila palapit. "I get crazy when I don't." sabi nito saya siya masiil na hinalikan sa labi. Hindi alam ni Louie kung anong gagawin niya. The sudden turn of event made him numb. Naglilikot ang labi ng babae sa ibabaw ng labi niya ngunit hindi siya makagalaw. He even felt Pearl's leg wrapping around his waist. Ang malakas na pagsinghap ni Celine ang nakapagpabalik ng ulirat niya. He immediately pushed Pearl and pulled away from her. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya kay Iñigo, Celine at Perlita. "Its.. Its not what you think," Sabi niya sa dalawa pero kay Celine siya nakatingin. He was pleading with his eyes, begging her to talk to him pero nakita niya na nag uunahang pumatak ang luha sa mga mata ni Celine na agad din naman nitong pinunasan. "Babe naman, sa kanila ka pa ba mahihiya? It is what it is," sabat ni Pearl na kunwari pang inaayos ang damit niya bago humarap sa mga bagong dating. "Hi guys, sorry.. Hindi na kase kami nakapag pigil e." Matamis na ngiti ang isinalubong nito kay Iñigo at tinitigan niya ng husto si Celine. "Kung hindi kayo dumating, baka may nangyayari na sa amin." sabi pa nito sabay kindat. Nakita ni Louie ang malalim na buntong hiningang binitawan ni Celine bago ito ngumiti kay Pearl. Kay Pearl lang. Ayaw siyang tignan ng dalaga. "Okay lang, kami nga dapat ni Iñigo ang manghingi ng sorry, nabitin tuloy kayo." kagat labing sabi niya pa. "Uhh, Iñigo, magpapalit lang ako ng damit, hatid mo na ako sa bahay," "Hindi mo na hihintayin si Liam?" Tanong ni Iñigo sa babae. "Hindi na, naalala ko, may kailangan nga pala akong gawin sa bahay. Itetext ko na lang siya." Wala nga pala sila Liam at Stephen sa apartment. Nasa Celestine sila at may mga inaayos para sa gaganaping Founding anniversary ng nasabing eskwelahan. At bilang Presidente si Stephen at Vice President si Liam ng student council, required silang naiwan para makipag usap sa mga faculty members para sa budget. Celine walked pass Louie. Hinawakan pa niya ang braso ni Celine para pigilin siya sa tangkang pag alis but she look him straight in his eyes. Wala itong sinabi ngunit sapat na 'yon para bitiwan niya ang braso ni Celine at hayaan itong maglakad palayo. Palayo sa kanya. "Next time, kung gagawa kayo ng kalokohan, dalhin n'yo sa kwarto ha. H'wag sa sala. Huwag n'yong gawing motel itong apartment." Mariing sabi ni Iñigo habang nakatitig sa kanya. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD