Anim

2077 Words
"What are you thinking." She must've been staring at the field for a while now kaya't hindi niya naramdaman ang pag upo ni Liam sa tabi niya. He's sweaty but he still smells good. The same exact reason why she liked him before. Tipong kahit anong gawin at kahit gaano man kapawis, tila palaging amoy-gwapo ang lalaki. "Nothing love. I was just worried about our friends." Napabuntong hininga si Liam sabay akbay sa kanya. "Halata kay Stephen na namimiss niya si Elena, same as Brad. I can always feel the tension between them, kahit pareho lang silang chill at akala mo nagpaparamihan pa rin ng babae, I know, they're both ready to knock each other's teeth out. Si Toby hanggang ngayon wala pa rin, si Iñigo na akala mo palaging may alam na pasabog. — And here I am, torn between my feelings for you and for Louie." "Huwag mo na silang intindihin, Love. Matatanda na sila, alam naman na nila kung anong tama at mali." "So ano ako? Baby kase hindi ko mapaghiwalay kung ano ang tama at mali?" Celine asked herself. "Or baka naman alam ko kung anong tama at mali, pero mas masarap yung mali?" Ipinilig niya na lang ang kanyang ulo. Oo naman, alam ni Celine na mali ang ginagawa niya. She's playing fire from both sides. At malapit na siyang magpatukso at magpadarang ng husto sa apoy ni Louie pero natatakot din siya sa kung anong mangyayari pagkatapos n'un. "Isa pa, sila nga hindi nila iniisip ang mga problema nila e, there's no need for you to be stressed because of it." Niyakap siya ni Liam at hinalikan ang balikat niya. Nasa ganoong posisyon sila nang abutan ng ibang kaibigan nila. "Papi, uuwi ako sa amin mamaya ha," Naupo si Stephen sa kabilang side niya at hinalikan siya sa pisngi. Gan'un din ang ginawa nila Brad at Iñigo nang makalapit ang mga ito sa kanila. Hinalikan din ng dalawa ang pisngi niya. Napailing na lang si Celine. See, ito yung dahilan kung bakit inggit na inggit sa kanya ang mga babae sa St. Celestine, no one, as in no one can replace her status as this group's queen. Not even close. "Bakit?" "Ewan, pinapauwi ako ni Erpat e. Alam mo na, baka ipapakilala na naman sa akin yung pakakasalan ko daw." Naiiling na natatawa na lang na sabi ni Stephen. "Kung hindi ako tinakbuhan ni Elena, kesehodang mwalan ako ng mana, hindi ko susundin si Papa." "Elena ka na naman, ayaw mo namang hanapin!" Galit na sabi ni Brad. Napatingin si Celine sa kaibigan. Alam niyang may alam ito kung nasaan si Lena, kung bakit ayaw nitong ipaalam kay Stephen, 'yon ang hindi niya alam. "Mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita." Napabuntong hininga na lang si Stephen bago ito tumayo. Nakita ni Celine ang lungkot sa mga mata nito pero agad din iyong nawala. Alam niyang ayaw ni Stephen ipakita sa mga kaibigan na nalulungkot siya, nanghihinayang at nagsisisi sa pag alis ni Lena pero ayaw nitong kaawaan siya ng mga kaibigan so he's trying to act and look tough. "Shower muna ako, see you guyts tomorrow." Sabi nito at naglakad na ito palayo sa kanila. "Nga pala, si Louie?" Biglang tanong ni Liam nang makalayo si Stephen. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ni Celine ng marinig ang pangalan ng lalaking dahilan kung bakit nanakbo siya palayo sa infirmary. "Masama daw ang pakiramdam nun ah." "Ah.. Eh, Oo. Iniwan ko siya sa infirmary, nagpapahinga." Iniwasan niya ang mapanuring tingin ni Iñigo. Nahihiya siyang alam nito ang ginagawa nila ni Louie, mabuti na lang talaga, hinahayaan nitong siya mismo ang maka-figure out sa kung ano mang nararamdaman niya at hindi ito nagsusumbong kay Liam. "Napagod siguro." Inosenteng sabi ni Liam. "Hahaha.. Siguro," She said. 'Saka nabitin,' muntik niya pang idagdag. Celine bit her lower lip and mentally slapped herself. "May gagawin ka pa ba?" "Wala na love. Nagtapos lang ako ng inventories." "Hintayin mo na lang kami. Ligo lang para makauwi na tayong lahat." Liam gave her a peck on her lips bago ito tumayo at naglakad kasama si Brad at Iñigo. Naalala niyang nasa infirmary pa yung gamit niya and there's no way na babalik siya doon knowing na baka nandun pa si Louie kaya pinakiusapan niya na lang si Liam na daanan ang gamit niya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng uniporme niya at agad niya iyong kinuha. At hindi na siya nagulat nang makita na nagsend na naman sa kanya ng picture si Louie. Hindi napigilan ni Celine ang pagtawa. She's laughing like a lunatic. Sooner or later, she'll either get in so much trouble or rot in hell. ————— "What the f**k Papi! Sira na ba talaga utak mo?!" Kanina pa nila ginigisa si Stephen pagkatapos nilang malaman na si Samantha ang sinasabi ng Daddy ni Stephen na napiling nitong ipakasal sa kaibigan. At gulat na gulat din silang pumayag itong magpakasal kay Sam. Schoolmate nila ang babae at occasional fubu ni Stephen, at kung hindi nga naman mapaglaro ang tadhana, eto pa ang naging dahilan kung bakit umalis si Elena at iniwan si Stephen. "Wala namang mawawala sakin e, nag usap na kami ni Sam. Magpapakasal kami, then we can go our separate ways. After 5 years magfile ng annulment. We both have our money and our life back." "Ang bilis n'yo naman nakabuo ng plano. Kagabi n'yo lang nalaman na plano kayong ipakasal ng mga magulang n'yo, tapos ngayon may plano na kayo for the next five years ng buhay n'yo?" Tanong ni Brad. Nakikinig lang si Louie sa usapan nilang magkakaibigan. His thoughts were somewhere, with someone. "Ipagpapalit mo ang bachelor status mo para sa pera?" Tanong ni Brad sa kaibigan. "Can you live without money?" Balik tanong nito sa kan'ya. "Mawalan man ako ng mana, alam kong tatanggapin ako sa Adonis." Ani Brad na bigla nag-agogo dancer sa harapan nila. "I can't live without money but I sure know how to use available resources." "Raulo! H'wag mong pansinin 'yan si Brad, abnormal 'yan. So kailan daw ang kasal?" Narinig niyang may nagtanong pero hindi niya iyon pinansin. "And are you really willing to face the consequences of your actions?" "What other consequences?" Kibit-balikat na tanong nito. "My only consequence is not here. Who knows where she is and what she's been up to?" Ininom nito ang natirang alak sa baso niya saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Anyways, the wedding will be three months from now, sa Las Vegas." That caught Louie's attention. Alam niyang nasa Las Vegas si Lena. He saw a photo of her from a post somewhere where she's rehearsing for her part in a Broadway musical. Alam niyang hindi lang siya sa kanilang nagkakaibigan ang may alam kung nasaan si Lena at kung bakit hinahayaan ng iba na manatiling blangko si Stephen sa kinaroroonan ng babae, iyon ang hindi alam ni Louie. He already has a lot on his plate and it's not his story to tell. Isa pa, ayaw niya nang nakisawsaw pa sa problema ng iba. Napansin niya ring biglang nanigas si Brad. So ibig sabihin, hindi lang talaga siya ang may alam kung nasaan si Lena, marami sila. Pero kagaya niya, ayaw ng mga ito na ipaalam kay Stephen kung nasaan ang babae. Kagaya nga ng laging sinasabi ni Lena. 'Manigas siya.' "I'll still be living a single life, Sam and I may be married, but it's just on the papers. We'll be living separately until it's time to call everything off." ––––— Naiwan si Louie na malalim ang iniisip. At ang dami niyang iniisip. He wanted, really wanted to talk to Liam, pero ano nga naman ang sasabihin niya sa kaibigan? "Hey, Papi, naglalandian kami ng girlfriend mo. Alam ko namang alam mo na mahal ko siya simula pa lang, I hope you don't mind but can you please stay the f**k away from us?" Ni hindi nga niya alam kung anong feelings ni Celine para sa kanya. She's probably just playing with him, trying out new and dangerous stuff because it's exciting. He's exciting. Napasimangot si Louie sa pangit na direksyong kinapupuntahan ng isip niya. He's only making himself miserable. Nakikiagaw na nga lang siya ng atensyon sa babae, iniisip niya pang nakikiagaw lang siya. "But I'm not a toy. I'm not something she can play with, not something she can dispose off kapag nagsawa na siya. I'm someone worth loving. Someone worth taking the risk. Papatunayan ko kay Celine na there's more to me than just a guy who can give her so much pleasure." He really wanted Celine. Love her, infact. Since first year. He wanted her like crazy. She was making him crazy. She's occupying his mind and thoughts and it's driving him crazy. May kumatok sa pintuan ng kwarto niya na naging dahilan para matigilan siya sa pag iisip. Naglakad siya para buksan ang pintuan at tumambad doon ang nakasandal na si Iñigo. Hindi pa siya nakakapagsalita at hindi niya pa ito inaanyayahang pumasok sa kwarto niya ay nakapasok na ito at humiga sa kama niya. "Uy, ikaw pala Papi. Pasok ka, inaantok ka ba? higa ka muna d'yan." Sarkastikong sabi niya. "Oh, baka nagugutom ka, ikukuha kita ng pagkain sa baba." "Pakyu!" Sagot ni Iñigo sabay taas ng kamay nito para makita ni Louie. Natatawa na lang siyang isinara ang pintuan at nahiga sa tabi ni Iñigo. Tahimik lang silang dalawa. Ilang beses niyang narinig ang pagbuntong hininga ni Iñigo pero ayaw niya itong tanungin. Gusto niyang sa lalaki mismo unang manggaling kung anong pakay nito. May ideya naman siya kung bakit nandito si Iñigo. Pag uusapan na naman nila si Celine, kukumbinsihin na naman siya nitong pag isipan ng husto ang mga ginagawa niya. "I can still smell Celine. Hindi ka ba naglilinis ng kwarto mo?" Hindi. Ayaw niya kaseng mawala yung amoy ni Celine sa kwarto niya. He wanted her scent to envelop him. It helps him fall asleep and dream faster. "At buti hindi nagagawi dito si Liam." Tanong nito ulit sa kanya. Kibit balikat lang ang isinagot niya sa kaibigan. Gusto niya ngang pumasok si Liam sa kwarto niya at maamoy si Celine sa loob e. Gusto niyang magduda sa kanya ang lalaki para madali na lang umamin kapag nagtanong ito. "You know, Stephen getting married is really a bad idea." Pag iiba ni Iñigo sa topic. "Getting married is a bad idea. Period." natatawang sabi ni Louie. "Hindi ko pa rin magets kung bakit kailangang gawin ni Stephen 'yon. We knew how much he hates his Mom and his family upon knowing na arranged and loveless marriage ang nangyari sa parents niya at kung paano siya nasaktan ng todo nung iniwan sila ng mom niya para sumama sa hardinero nila. Tapos ngayon magpapatali pa siya?" "Para namang hindi mo kilala si Stephen, wala na tayong magagawa, nakapagdesisyon na 'yung mokong na 'yon e." Pabuntong-hiningang saad ni Iñigo. "I just hope, hindi niya pagsisihan yung desisyon n'yang 'yan. Lalo na kapag nakita niya ulit si Lana." Umayos ng higa si Louie paharap kay Iñigo. "Speaking of Lana, alam mo bang nasa--" "Las Vegas siya?" "Oo paps, nagre-rehearse siya para sa--" "Isang musical kung saan siya ang bida?" Natahimik na lang si Louie. Ano pa nga bang aasahan niya, tila may sa manghuhula ata si Iñigo na halos lahat ng bagay alam nito. "That's what I'm trying to say, paano na lang kung magkita silang dalawa sa Las Vegas. Ika-cancel ba yung kasal o hindi?" "Who knows?" Kibit balikat na saad ni Iñigo. "We both know Stephen is not the kind of person that backs down when he wanted something. Hindi ko lang alam kung alin sa dalawa ang mas gusto niya." makahulugang sagot ni Iñigo. "That goes with you, too. Ano bang mas mahalaga sa'yo, si Celine o ang pagkakaibigan natin?" Napaupo ng wala sa oras si Louie. Ine-expect niya na naman na hindi magtatagal kakausapin na naman siya ng kaibigan sa kung anong balak niyang gawin. Ano nga bang balak niyang gawin? "Importante sila pareho sa akin. Si Celine at ang pagkakaibigan natin. At kagaya nga ng sinabi ko sayo, I'm not making a move unless alam kong hindi lang ako ang gumagalaw sa larong ito. Celine must play this game with me, or else I won't gamble. I'm not gonna risk losing everything dahil lang sa isang babae. Bros before hoes, remember?" ————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD