Walo

2034 Words
'God! It looked like a circus!' Iyon ang nasa isip ni Celine habang pinagmamasdan sila Stephen at Samatha na nagpapalitan ng wedding vows sa harap ng altar. They both looked uninterested, both looked like they wanted to be anywhere else except here. Gets niya naman yung dahilan ng dalawa para magpakasal, kung siya man ang mapunta sa posisyon ni Sam, baka mapilitan din siyang magpakasal sa taong hindi niya naman mahal, wag lang siyang mawalan ng mana. Pero hindi naman 'yon magiging problema dahil boto naman kay Liam ang pamilya niya. Hinihintay na nga lang ng mga ito na maka graduate sila para magpakasal. 'Pero hindi na si Liam ang laman ng puso ko.' Kastigo niya sa sarili. She's torn between two lovers. That "mahal ko o mahal ako" sentiment. Oh no, hindi siya mahal ni Louie. Gusto lang naman nito na matikman siya. He just wanted to know what she tastes like. Kaya siguro ayaw niya ring mag-give in kay Louie dahil natatakot siyang kapag nakuha na nito ang gusto ay bigla na lang itong mawalan ng interes sa kanya. Nakita niya sila Liam at Iñigo na lumabas ng simbahan kaya nabaling ang tingin niya kay Louie, na nakangiti pa habang abalang-abala sa telepono nito. She checked her phone at ganun na lamang ang pagtataka niya ng walang nakitang mensahe para sa kanya ang lalaki na ipinagtataka niya ng sobra. Dati-rati ay maya't maya ito magpadala ng mensahe sa kanya kaya nilagay na lamang niya sa vibrate ang settings ng telepono niya. "You may now kiss the bride," Bumalik ang tingin ni Celine sa dalawang taong nasa altar at nakita niya ng itinaas ni Stephen ang veil ni Samantha saka ito siniil ng halik. Wala namang masaya sa mga bisita, maliban na lang sa Mommy ni Samantha at sa Daddy ni Stephen na siyang may pakana sa mga pangyayaring ito. Matapos ang wedding ceremony at pictorial, lumabas si Celine ng simbahan. Napansin niya kase na pabalik-balik sa labas ang magkakaibigan na para bang meron silang binabantayan by schedule para walang makahalata. Sa gilid ng simbahan nakita niyang nakaupo si Louie katabi ang isang babaeng nakatalikod sa kanya. She doesn't know why, pero biglang sumakit ang dibdib niya at halos ayaw niya nang tumuloy sa balak sanang paglapit kay Louie. "Don't leave, my love. I was about to call you." Pigil sa kanya ni Liam. Nakaakbay sa kanya ang lalaki habang naglalakad sila papalapit kay Louie. At habang papalapit sila ay patuloy ang eratikong pagbilis ng t***k mg puso niya. "You'll be surprised who we just saw. I know you really missed her." "H-huh?" Takang tanong ni Celine. Inalalayan siya ni Liam na makaharap sa babaeng kausap ni Louie at ganoon na lang ang saya niya nang makita ang nag iisang kaibigan na babae niya. "Lena!" Tuwang-tuwa siyang humiwalay kay Liam at sinugod ng yakap si Lena. Ilang buwan nga ba niyang hindi nakita ang kaibigan mula nang takbuhan nito si Stephen? Marami siyang gustong ikwento sa babae at marami din siyang gustong malaman tungkol dito. "Kumusta ka na, gaga ka! Di ka man lang nakaalala!" Sabi niya sabay yakap ulit sa kaibigan. "Okay lang naman mare, nahimasmasan na kahit papaano." Pilit ang ngiting tugon nito sa kanya. Saglit na napaisip si Celine kung saan nahimasmasan ang kaibigan. "Ohhh.." pinisil niya ang mga kamay ni Lena at pilit na ngumiti. "Isipin mo na lang, this is God's way of saving you from a stupid guy like him." "Hindi ko alam kung paano kami nito," inalalayan niya si Lena para makaupo ulit sila sa bench habang tuluyan nang lumayo sila Liam at Louie para bigyan sila ng pagkakataong mag usap ng maayos. "Lena, you're a strong woman. You moved on from him, you can still do it." Pagpapalakas niya sa loob nito. "At saka, mare, isipin mo na lang na hindi si Stephen kawalan, siya ang nawalan. One of this days, makikita niya na lang ang pangalan mo dahil sikat ka nang broadway singer! Then who you na siya kapag nagkataon." Ngumiti si Lena sabay yuko. "I'm all alone, Celine. Hindi pa ako sigurado kung anong mangyayari sa amin dito, baka nga tanggalin nila ako sa cast kapag nalaman nila yung sitwasyon ko." "Teka, anong sitwasyon ba? Akala ko depressed ka lang dahil nakita mong kinasal ni Stephen ngayon. At saka, sa amin? What do you mean 'sa amin'?" Saglit na natigilan si Celine. She gasped, looked at Lena with her eyes wide open saka lumipat ang tingin niya sa medyo impis pa nitong tiyan. "Don't tell me.." "Almost four months," pagtatapos ni Lena sa gustong sabihin ni Celine. "I have no f*****g idea what to do." Naiiyak na sabi nito. Umusog si Celine para yakapin ang umiiyak na si Lena. Now she's mad at Stephen for being careless. "He needs to kno--" "'Yan din ang sinabi sa akin nila Liam, pero hindi na niya kailangang malaman 'to. Para saan pa? Kasal na siya, masaya na siya. Dati pa naman alam ko nang may something sila Samantha at Stephen. Ayoko na silang guluhin at lalong ayokong ipaako sa kanya ang isang responsibilidad na umpisa pa lang naman, kasalanan ko rin naman. I'm going to raise this kid without him knowing. After all, he's not the father. Just a sperm donor." -------- "Anong gagawin natin kay Lena?" Nag angat ng tingin si Louie mula sa screen ng cellphone niya nang biglang magsalita si Iñigo. Nasa reception sila ng kasal ni Stephen sa function hall ng hotel na tinutuluyan nila sa Las Vegas. At nasa suite nila si Lena, kasama si Celine. 'Small, small world,' sa isip niya. Halos wala naman siyang pakialam sa paligid. Kanina niya pa ka-text si Pearl at nag eenjoy siyang kausap ang dalagang nagbabalak mag aral sa Pilipinas. She's fun. Witty, and she never runs out of topics to talk about. He wanted to see her again. In fact, may plano silang magkita sa bar mamayang gabi. Mabuti na rin 'yon. If he can't have Celine, atleast he can have fun with Pearl. "Ayaw naman niyang ipaalam kay Stephen yung tungkol dito 'di ba? Edi tayo na lang ang tutulong sa kanya, this is too much for her to handle on her own. Lalo na't wala naman siyang kakilala dito na mag aasikaso sa kanya." Ani Toby. "Edi mga paps, daddy tayong lahat nung baby ni Lena, tingin nyo ba, magiging kami na?" Tanong naman ni Brad. Hindi naman lingid sa kaalaman nilang lahat na malakas din ang tama ni Brad sa ex ni Stephen, mas malakas nga lang ang appeal ng huli kaya sa kanya bumagsak si Lena. "I can make her my queen. Pramis, Boss Brad malatek kay Lena lang kakalampag." Sabi pa nito sabay tapik sa dibdib niya. "Libre namang mangarap e, sige lang suportahan ka namin." Sagot naman ni Iñigo na inakbayan pa siya. "Sino na namang babae 'yang pinag uusapan n'yo?" Biglang nasamid si Brad nung biglang sumulpot si Stephen sa tabi nila. Halatang lasing na ito, kitang-kita sa pungay ng kanyang mga mata. "Baby ko." Wala sa sariling sagot ni Brad. "Teka bakit ka nandito, hindi ba dapat andun ka sa kandungan ni Samantha?" "Namiss ko kayo e," nakaingos na sagot ni Stephen. "Saka bakit para namang napaka seryoso ng pinag uusapan n'yo, kasal ko ito, hindi ba dapat masaya kayo para sa akin, eh, bat para naman kayong namatayan n'yan?" "Ikaw nga itong ikinasal pero parang nasentensyahan ng sampung taon e, kami pa kaya?" Naiiling na tanong ni Louie. "Papi, init na init na 'ko, gusto ko nang maghubo, anong oras ba matatapos 'to?" Gusto niya nang makita si Pearl at alam niyang interesado din sa kanya ang babae. He knew, she can't be this invested to him if not. "Init na init daw, baka ibang init 'yan Papi." Nakangising lumipat ng pwesto si Brad at naupo sa tabi niya. "Yiiih, Louie, sinong kasama mo maghubo, ha? Hahahaha!" Pang aasar pa ni Brad na hindi niya na napansin dahil muling tumunog ang telepono niya. "Buti hindi pa sumasabog yang telepono mo, kanina ka pa pindot ng pindot d'yan. Bold ba 'yan? Kung hindi salamat na lang sa lahat." Siniko ni Louie si Brad sa dibdib na naging dahilan para umungol ang kaibigan. "I have places to go and people to see." Makahulugang sagot niya. "And river to dive, and mountains to climb." Pang aasar pa nito na umarte pang may pinipisil na tinapay sa hangin. "Sana all, makaka-iskor ng poreyner!" "Gago!" Binatukan niya ang kaibigan na agad namang lumayo sa kanya. "Excuse me, mukha lang siyang foreigner pero pinay." Nakita ni Louie na tinitigan siya ng masama ni Iñigo kaya tinignan niya din ito. "Kung ano man 'yang iniisip mo, mali ka d'yan kapatid. You're wrong. You're very, very wrong." ------ "You what?" Hindi na ikinagulat ni Celine ang naging reaksyon ni Lena matapos niyang aminin na naguguluhan na siya sa nararamdaman niya para kina Liam at Louie. "Mare, mahal na mahal ka ni Liam! Kung hindi nga lang nauna si Stephen baka kay Liam ako na-inlove eh." "You think I didn't know that?" Tanong ni Celine, "I keep on thinking about it, Lena. Kaya nga hindi ako gumagawa ng move e. Kase naman, kapag bumigay ako kay Louie at good time lang ang gusto niya sa akin, do you even think kaya ko pang harapin si Liam na parang walang nangyari?" Naiinis niyang sabi. Nagawa tuloy n'yang uminom ng alak na hindi naman niya madalas na ginagawa. "Baka titikman ka lang n'yan mare. Alam mo na, akala free sample." Pang aasar pa sa kanya nito. Kung hindi lang talaga buntis ang kaibigan, baka nasakal niya na ito ng wala sa oras. "Pero alam mo, okay na rin 'yon. At least alam mo kung ano lang talaga 'yong gusto n'ya sa 'yo. At least hindi ka na niya papaikot-ikutin at bobolahin para lang makuha ang gusto n'ya. Nasa sa 'yo na nga lang kung papatulan mo o hindi ang ino-offer n'ya." Napabuntong-hininga na lang si Celine habang pinaglalaruan ang alak sa baso n'ya. Nasa baba lahat ng kaibigan nila. Hindi n'ya alam kung anong palusot ang sinabi nila kay Stephen kung bakit absent siya sa reception pero kaya na nila 'yon. Malalaki na naman sila. Isa pa, hindi na naman sa suite nila matutulog si Stephen mamaya kaya pwedeng dito na muna nila patulugin si Lena ngayong gabi at isabay na lang nila bukas pag check out nila. "Ang cute sana lahat may option. Hahahaha!" Natatawang sabi ni Lena kahit halatang-halata dito na galit siya kay Stephen pero hindi niya pinapakita. "Aba eh, mas malaki pa ang problema mo kaysa sa akin ah. Partida, hindi ka pa gumagalaw n'yan ah." Hinimas ni Lena ang tiyan niyang biglang nanigas. "Langya ka mare, wala pa atang paa itong anak ko pero gusto ka nang sipain." "Sigurado ka bang ako ang gustong sipain n'yang inaanak ko at hindi ang nanay n'ya dahil matalino ka naman pero pagdating kay Stephen naging shunga ka?" Ganting asar nito sa kaibigan. Binato siya ni Lena ng candy pero kinuha ulit 'yon ng kaibigan saka binalatan at kinain. "Alam ng inaanak mo na mas makakabuti sa aming dalawa kung itatago ko siya sa walanghiyang ama n'ya." Ilang beses itong kumurap para pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo galing sa mga mata n'ya. "Hahabulin mo pa ba naman ang lalaking nagsabi na mahal ka pero never kang hinanap? Tapos malalaman mo na lang, ikakasal na pala sa iba?" Pinisil ni Celine ang kamay ni Lena. Ano pa nga bang magagawa n'ya kundi makisimpatya sa kaibigan. She's her only girl friend. The real one, hindi n'ya man naiintindihan ang nararamdaman nito but she understands betrayal. And betrayal is what she's good at. "Kaya ikaw, huwag mo na lang munang masyadong isipin 'yon, Celine. Magkaka wringkles ka lang n'yan. Kung ayaw mo talaga, edi say no. Kung gusto mo edi go. Sooner or later you have to make up your mind, sino ba talagang gusto mo, si Liam o si Louie. Kung si Liam, ibuntong hininga mo na lang 'yang nararamdaman mo kay Louie, iligo mo, libog lang 'yan. Kung si Louie, ihanda mo ang sarili mo sa mga consequences ng desisyon na gagawin mo." -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD