Chapter 7 New House

1449 Words
Pagdating doon ay nakahinga ako ng maluwag, kanina kasi sa sasakyan ay hindi ako mapakali sa loob, habang siya naka tingin sa kaliwang bintana ng sasakyan ako naman sa kanan mas lalo yata siyang na galit dahil natuloy ang kasal naming dalawa kaya hindi ito nagsalita. Dalawa ang kwartong nakita ko, sa guest room ako dumeritso hatak ang mga gamit ko papasok. Wala namang kibo si Matthew mula sa sasakyan ay deritso rin itong pumasok sa kanyang kwarto bumaling bigla ang ulo ko sa lakas ng pag sara niya sa pinto. Subra talagang nakaka lungkot ang kasal na ito dapat sana isang honey moon ang magiging ending ng kasal pero ngayon parang magkukulong ako sa kwarto ng magisa. Habang nag yuyupi ng mga damit ay nagulat ako sa narinig kung ingay sa loob ng kwarto niya. Lumabas ako pero sinilip ko lang hindi ito naka bukas patuloy parin ang ingay na naririnig ko para itong mga gamit na hinahampas sa sahig. Pabalik-balik ako sa labas ng kanyang kwarto ano kayang ingay yon, baka inubos niya nang ihampas ang mga gamit sa loob anong gagawin ko nangigninig ang mga tuhod ko pati ang kamay habang pa lakad-lakad sa labas ng kwarto nag dadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Ganoon naba talaga siya, subrang galit talaga ang naramdaman niya sa pangyayari kaya siya nag kakaganyan. Mga ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto. Diretso ang tingin ko sa pinto sa hatak palang niya sa door knob ay sumalubong na ang kanyang mukang halos pumula na sa galit. "Kunin mo ang mga basura sa loob ng kwarto ko. Sinabi niya sa akin alam kung sa tuno nang pananalita niya ay mag galit sa loob nito na pinipigilan niyang e labas, dumeritso ito sa labas at uminom ng alak. Pag labas niya sa pinto ay tumungo ako agad sa kwarto pag pasok ko nag kalat ang mga rosas at bote ng wine ito siguro ang mga narinig kung ingay kanina, may dalawang tuwalya ring ginawang heart sa kama kasama ang mga rosas nag kalat sa ibat-ibang bahagi ng kwarto. Kinuha ko narin ang mga candle na nag kalat may iba pang may sindi, hindi na yata niya kinayang ihampas sa dami na naka palibot sa loob ng kwarto. Tiniis ko ang sakit ng kamay ko dahil may mga bubog kasi sa sahig kaya na galusan ang kamay ko sa pag lilinis. Habang naglilinis pinigilan ko ang luha ko sa mata iwan ko ba sa sarili ko habang nag lilinis ay parang may biglang luhang lalabas sa aking dalawang mata. Nilibot ko pa ang buong bahay para makita nag mga gamit na kailangan ko nakita ko ang isang map sa isang maliit na kwarto stock room ata nandoon narin lahat ng mga gamit pang kusina at lahat ay bago, kaya kinuha at nag simula akong mag map sa kanyang kwarto para mawala ang mga pulang wine dumikit sa sahig. Habang nakatayo at kaliwa kanan ang pag hatak sa stick ng map naisip ko si Matthew nakita ko kasi siya kanina pag akyat ko dala ang map. Seryuso siyang naka upo at tumitingin sa kanyang loptop napaisip ako siguro ay ito ang kabayaran ng pagbabago sa pangit kung muka kahit na maganda na ako ay hindi parin ako mahal ng lalakeng pinakasalan ko. Binilisan ko ang kilos ko dahil nakita ko kase ang watch sa kwarto niya malapit ng mag 10 baka mas lalong magalit yun kung hindi ko to bibilisan. Pagkatapos kung maglinis ay lumabas ako para sabihin sa kanyang tapos na ang ginagawa ko. Gusto ko din sanang magkasundo kami kahit respito lang sa isat-isa. "Brient baka gusto mo nang matulog tapos ko nang nilinis ang kwarto mo. Mahinahon kung sabi sa kanya sa labas ngunit wala itong reaction tumayo at pumasok lang sa kwarto niya kahit salamat ay wala akong natangap dinaanan lang ako na parang wala sa kanyang harapan. Kung gaano ka gusto ng ibang tao na makita ako at kunan ako ng litrato kabaliktaran naman kay Matthew subrang ayaw niya na makita ang pagmumuka ko. Mabuti pa yung hindi pa kami kasal ay kinakausap niya pa ako kahit na puro inis ang dulot noon sa akin ay okay lang hindi tulad ngayon ay kahit tango ay hindi man lang niya nagawa sa harapan ko. Pumatungo ako sa kwarto at tinapos ang aking pag aayus sa aking mga gamit. Pagkatapos ay natulog ako kung ano-ano ang nasa isip ko dalawang oras din akong pa ikot-ikot sa aking kama. Nagising ako akala ko ay malalim pa ang gabi pero pagtingin ko sa cellphone ko ay 5:30 na ng umaga. Habang nag hihilamos, tumitig ako sa aking buong muka, ngayon ay araw-araw na akung tumitingin sa salamin pero noong una ay kahit na lampasan lang ang salamin ay ayaw ko dahil sa pagmumuka ko kapag nakikita ko kasi ang muka ko noon ay parang naririnig ko ang sigaw ng mga bata sa kalye kapag naglalakad ako ay sinusundan ako ng mga bata sa amin at sinisigawan ng, Amorhie Pangit...Amorhie Pangit Paulit ulit yan sa taynga ko kapag nakikita ko sa salamin ang muka ko. Mula noong nasa akin na ang mukang to halos mag kumpulan ang mga tao kapag nakikita ako sa labas o sa taping dahil gusto nilang kumuha ng litrato at sinisigawan pa ako, Subrang ganda mo..miss cassandra i love you.. Parang gumagaan ang loob ko kapag nakakarinig ako sa mga sigaw nila. Naputol ang pagiisip ko nang bigla kung naiisipan ang pangalan ni Matthew, kailangan ko na palang maghanda ng almusal isa na pala akong wife ngayon. Dale-dale akong lumabas sa kwarto naka suot lang ng simpleng damit na comportable sa katawan. Nagluto ako ng masarap na pagkain, mahilig kase akong magluto noong ako pa si amorhie ako lang kase ang gumagawa lahat ng trabaho sa bahay noon, dahil ang dalawa kung kapatid ay nag aaral at hindi naman sanay ang mga yon sa lahat ng gawain sa bahay. Baka sa ganitong paraan ay maaayus ang pakikitungo niya sa akin. Pagkatapos kung magluto ng Beefsteak, at fishfilley ay nilinis ko agad mga ginamit ko sa pagluluto at inayus ang lamesa. Kalahating oras din bago ito lumabas. Pagkalabas niya ay kaagad ko siyang niyaya mag almusal. "Brient kumain kana meron na akong hinandang pagkain sa lamesa. Kahit ayaw ko itong sabihin ay binaba ko nalang ang pride ko para kahit papaano ay maisip niyang maayus rin akong asawa. Wala na akong pakialam kung anong pakikitungo ni Cassandra sa kanya. Siguro naman kahit na masungit iyon ay ganito din ang kanyang gagawin kay Matthew dahil alam kung mahal niya ito. Umupo siya sa lamesa, nakahinga ako ng maluwag at least kahit na hindi siya nag salita ay gusto parin niyang tikman ang luto ko. "Are you sure..? ikaw ang nag luto nito? Tanong nito sa akin kaya umupo nalang ako para sabayan siya kumain, nagtaka ako sa tanong at itsura niya, parang na bigla ito ng matikman ang pagkain. " Ohoh Bakit ? Hindi ba masarap? Sagot ko sa kanya. "Ngayon ko lang nalaman na marunong kana palang magluto ng ganitong mga pagkain. May pagtatakang tanong niya sa akin. "Pasensya kana kung hindi masarap mga pang probinsya lang kasi ang alam kung lutuin. Sa pangangatog ng tuhod ko ay hindi ko namalayang nasagot ko pala siya ng totoo lumaki nalang ang mata ko sa reaction nito. "HAHAHA... Alam kung arte mo lang ito lahat para magustuhan kita, hindi ka nga siguro naka apak ng probinsya, ngayon sasabihin mong marunong kang magluto. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanyang sinabi para akong mahihimlay sa kanyang tawa nakaka inis na tawa sa aking taynga pinigilan ko ang aking sarili halos ma yupi na ang tinidor dahil doon ko lahat na labas ang lakas ko. Hindi pa nga ako naka pag salita ay sinundan niya naman ito. "Sino na namang sikat na chief ang binayaran mo para turuan kang magluto ginamit mo na naman ba ang kapangyarihan mo? Magpaka totoo ka nga alam kung bumabalot ng kasamaan ang katawan mo kung maka arte ka sa aming lahat, para kang isang mabait at napaka sunuring anak. Para akung nalusaw sa kanyang sinabi tumayo ito habang sinambit ang lahat nang yan,hindi ko na nagawang pigilan ang luna ko kahit linisin ang muka ko ay hindi ko nalang ginawa sa takot na aking naramdaman sa kanya. Umiktad ako sa gulat ng malakas niyang nilagay ang kutsarita sa lamesa parang mababasag ang platong nilagyan niya ng kutsarita. Iniyak ko ang pagkakagulat ko sa nangyari masama nga siguro ang totoong Cassandra kaya ganoon nalang ang galit ni Matthew sa akin. Dumiritso ito sa labas pagkatapos niyang sirain ang araw ko naka pang jogging wear kasi ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD