CHAPTER 10 PAST Ilang minuto rin kaming bumyahe papunta sa food park. ‘Di tulad ng ibang food park ay malaki ang space nito at may garden pa sa likod. Madalas, couples ang mga nagpupunta rito. Noong bago pa lang ‘to ay pumunta kami rito nin Shana at Astrid at na-bitter lang sa mga tao. Pinagbuksan ako ni Kaleo ng pinto at inalalayan makababa ng kotse. Sinigurado niyang naka-lock ‘yon bago kami maglakad papuntang food park. Para siyang modelo sa suot niya. Peach shorts at white na sweater. Walang uniform and university namin kaya pabonggahan na lang sa isusuot. Iyong iba ay branded pa ang suot dahil kesa mag-private ay mas ginusto nila sa free tuition na school. Samantalang ako ay mga sale sa department store o kaya ay bili sa diviisoria ang mga isinusuot. Iilan lang ang full price dahil

