CHAPTER 34 PAST Tinanggap ng pamilya ni Astrid si Kuya Nathan. Binalaan lang siya nang maraming babala. ‘Wag lolokohin si Astrid, ‘wag i-disrespect, at ‘wag agad mag-asawa’t mag-anak. Marami ‘yon pero kahit naman ‘di nila sabihin kay Kuya ay alam kong ginagawa niya Pumasa ng board si Kuya. Officially, Engineer na siya. Ilang buwan lang ang lumipas ay natanggap na agad siya sa isang mall at doble ng suweldo niya noon at kikitain niya ngayon. Gusto ko rin maging gaya niya sa future kung saan makakapagtrabaho ako na may malaking kita. Ngayon, monthsary naming dalawa ni Kaleo. Hindi ko alam ang ire-regalo sa kanya. Mamayang hapon pagkatapos naman ng klase ay pupunta kami sa mall ng kabilang siyudad ng bayan namin. Maganda sana kung mag-resort kami gaya ng dagat kaya lang ay kakapusin lang

