CHAPTER 24 PAST Ang gwapong pagmasdan ni Kaleo habang nagsasagot siya ng assignment namin sa library. Nagpasama siya sa’kin para raw mag-aral at napilit naman niya ako. Ako naman ‘tong ‘di makapag-aral dahil panay titig lang ang ginagawa ko sa kanya. May tatlong salita akong kayang gamitin para ilarawan siya. Gorgeous. Attractive. Handsome. Iyon din siguro ang rason kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Walang kayang tumanggi na ‘di siya isang sining na ginawa ng Diyos. Nag-angat siya ng ulo sa’kin. Napaiwas ako ng kaunti. Ayokong isipin niya na kesa mag-aral o gumawa ng assignment ay pinapanoodk o siya. Nagpokus ako sa textbook na nakabukas sa table at nagbasa ng ilang salita hanggang sa mawala ang tingin sa’kin ni Kaleo. “Time na. Five minutes bago magklase,” aniya

