Chapter 3

1076 Words
"Grabe makapagsabing pangit ako ha. Tiningnan ba nila ang itsura nila sa reflection ng tubig o sa salaming bato? Excuse me po ha, napakalandi pala ng halimaw na ito, talagang dinamay pa ko sa kalandian ng mga ito. Ano bang sinasabi nitong enerhiya? Sigurado akong ang Moon Qi iyon. Talagang hindi ko pa lubos na makontrol ang enerhiyang ito, tiyak akong binabalak nilang pwersahang kunin ang enerhiyang ito sa loob ng aking katawan. Hindi ko maaaring gawin ito." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang hindi nito mapigilang mangamba sa sinabi ng halimaw sa huli. Hindi naman sa kaniya big deal ang sinabi nito sa unang pangungusap nito pero halos matatawa lang siya habang iniisip ito. "Kung gayon ay alam niyo pala ang enerhiyang nagmumula sa loob ng aking katawan. Tulad ng inaasahan ngunit nangangamba akong hindi ko maaaring ibigay ito kahit kaninuman lalo na sa mga masasamang nilalang na katulad niyo hehehe...!" Sarkastikong sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang kalmadong boses nito habang hindi nito mapigilang mapangisi sa huling sinabi nito. Halos umusok naman ang ilong ng walong halimaw na Hunger Dark Wolves sa sinabing ito ng binatang si Van Grego. Kaya hindi mapigilan ng mga halimaw na magsalita laban sa sinabing ito ng binatang nagngangalang Van Grego. "How bold! Hindi ko aakalaing mayroon kang lakas ng loob na sabihin ang bagay na ito sa aking ama binatang tao! Hindi ako makapaniwalang binastos mo ang sariling kong ama!" Galit na galit na sambit ng lalaking tono ng boses ng halimaw na Hunger Dark Wolves. Kitang-kita kung paano nanlilisik ang mata nitong tiningnan ang binatang si Van Grego. "Ayusin mo ang tabas ng dila mo binata! Hindi ko aakalaing may mas matalas pa pala ang dila mo kaysa sa anyo at lahi mong napakahina!" Galit na sambit ng isang babaeng boses na halimaw na Hunger Dark Wolves. Tila nainsulto siya sa sinabi ng binatang si Van Grego. "Napakakapal ng pagmumukha mo binatang tao. Talagang napakasarkastiko mo. Puro ka lang naman salita, wala ka namang magagawa hahaha...!" Sambit ng isa pang halimaw na Hunger Dark Wolves habang makikita ang panghahamak niya sa binatang si Van Grego. Nagsalita pa ang tatlo pang mga halimaw na Hunger Dark Wolves na puro panunuya sa binatang si Van Grego. Tila ba hindi rin sila nasiyahan sa sinabi ng binatang mula sa lahi ng tao. Hindi nila mapigilang kumulo ang kanilang dugo. "Hahaha... Tunay na nagawa mo pang magbiro ng ganyan binatang mula sa lahi ng mga tayo. Hindi ko aakalaing napakalakas ng loob mong insultuhin mo ako at kami. Alalahanin mong walang masama o mabuti sa mundong ito maging ng lakas. Kung hindi mo siguro ako ininsulto ay maaaring patayin kita ng madalian ngunit sa inaasal mo ay mas gusto kong pahirapan ka bago ka patayin hehehe!!!!" Sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves. "Tama ka sa sinabi mo honey, ang pesteng binatang ito ay dapat maturuan ng leksyon bago sumakabilang-buhay ito. Hindi naman masaya kung hahayaan lamang itong makatakas. Gusto kong itulad siya sa ibang mga nilalang na brutal nating pinaslang hehehe...!" Sambit ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves habang ipinakita nito ang naghahabaan at nag-iitimang kuko nito bago nagpakawala ng malademonyong tawa sa huli na tila parang baliw. "Sugudin niyo siya at hulihin. Gusto kong kunin ang enerhiyang nasa loob ng katawan ng binatang iyan. Tiyak akong malaki ang maidadagdag na lakas sa akin ito hehehe...!" Sambit muli ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves na siyang tinatawag ng mga anak nitong tatay o amain ng mga ito. Tila isang napakalakas at napakamakapangyarihang boses naman ang dating ng mga salita ng ama ng mga halimaw na Hunger Dark Wolves. Tila ba biglang nabuhay ang dugo at loob ng mga ito habang nakatitig sa kanilang target na walang iba kundi ang binatang si Van Grego. "Yun lang ba ama, siguradong hindi na ko papalpak nito! Sinuwerte lang ang binatang tao kanina!" Sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves. Hindi nito lubos aakalaing papalpak siyang galusan at pinsalain ang binatang mula sa lahi ng tao. Hindi niya aakalaing darating sa puntong magtatanim siya ng sama ng loob sa binatang tao na ito na hindi niya mapaslang-paslang man lang. "Hindi ko hahayaang matalo ulit ako ng binatang mula sa lahi ng tao. Nakakasuka ang lahi nila!" Sambit ng babaeng anak ng mag-asawang halimaw na Hunger Dark Wolves. Tila ba hindi nito nagustuhan ang katangian ng binatang ito. Naniniwala pa rin siyang malalakas ang lahi ng Martial Beasts kaysa sa mga tao. Ayaw na ayaw niya sa mga ito dahil napakahina nilang nilalang. "Sinabi mo pa, napakahinang nilalang nila. Ipapakita ko sa ating ama kung sino talaga ang magaling sa ating magkakapatid!" Sambit naman ng lalaking anak ng mag-asawang halimaw na Hunger Dark Wolves. Sa kanilang anim na magkakapatid ay siya ang pinaka-competitive, sa madaling salita ay hindi basta-bastang nagpapatalo sa mga kapatid niya. Isa lamang binatang tao ang kalaban at bibiktimahin nila kaya hindi siya nangangamba rito. Isa lamang 1-Star Martial Ancestor Realm Expert ang binatang tao na nasa harapan nila, marami na silang napaslang na mas mataas pa ang lebel ng Cultivation dito at mas malakas na nilalang kaya madali lamang nilang mapapaslang ang binatang ito. "Game ako diyan! Hindi ko hahayaang madungisan ang pangalan ng ating lahi! Sambit ng babaeng anak ng halimaw na Hunger Dark Wolves. Hindi siya papayag na maungusan naman siya ng mga kapatid niya. Porket siya ang bunso ay magpapatlao siya sa mga ito? Hindi maaari iyon noh. Naniniwala siyang isa lamang ang maaaring maging pinuno kung sakaling mamatay ang kanilang ina at ama kundi siya lamang. Ang mga kapatid niya ay magiging sunod-sunuran na lamang sa kaniyang ipag-uutos. Kapag naiisip niya ang senaryong iyon ay nasisiyahan siya, sino'ng gustong maging sunod-sunuran? Hindi siya papayag na mangyari ito noh! "Mapamuksa ang mga tao at napakasama nila. Dapat lamang na mamatay sila katulad ng binatang ito. Ako mismo ang dudukot sa laman-loob nito at kakainin ko mismo hehehe!" Sambit naman ng lalaking anak ng halimaw na Hunger Dark Wolves habang lumilipad na ang isip kung saan ay na-iimagine na nito na kakainin nito ang mga laman-loob ng binata kagaya ng mga nabiktima nilang mga tao at mga nilalang ay nasisiyahan siyang isipin ito. Hindi lamang iyon dahil matutuwa sa kanila ang kanilang mga magulang na isa ring halimaw na Hunger Dark Wolves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD