Chapter 40

2038 Words
"Ikaw?! Bakit parang aligaga ka diyan? Mukhang may tinatago ka ng di namin alam ah?!" Sambit ng isang Martial Artist na nakapansin rito. masyadong kakaiba ang kinikilos nito kaya napansin kaagad niya ito. Tila napalingon naman ang lahat sa kanilang sariling nasaksihan lalo na sa kung paano kumilos nag lalaking martial artists ay tila kasuspe-suspetsa. Tila namumutla pa ito at pinagpapawisan ng malapot ang noo nito. "A-ako ba?! Wa-wala ah. Gusto ko lang lumipat ng hahanapan ko na lugar na maaaaring nakatanim ang nasabing Recording disc ng message hunter na nanabutahe sa atin." Sambit ng lalaking martial Artist habang pautal-utal pa ito. Makikitang mas pinagpawisan pa ito lalo at makikitang tila namutla pa ang mukha nito sa sobrang kaba. "Hmmm... Sigurado ka?! Masyado ka naman atang umiiwas sa amin at ang mga galaw mo ay tila kasuspe-suspetsa talaga. Paano mo naman masasabing wala kang tinatago?!" Sambit ng isang martial artists na masasabing nasa late forties na rin ang edad nito pero hindi naman ganoon katanda kung titingnan liban na lamang sa nag uumpisa ng gumuhit ang kulu-kulubot na linya sa noo nito. "Ah eh, wala naman talaga akong tinatago. Masyado ka lang atang praning kaya napagdiskitahan mo ako haha..." Sambit ng lalaking martial artist habang pagak pa itong napatawa. Tila masasabing binabaliktad niya ata ang nasabing sitwasyong ito. Mula sa grupo ng mga Martial Artist na nanonood sa mainit na argumento ng dalawang martial artists ay hindi nila mapigilang mag-usap-usap sa kanilang mga sariling divine sense. "Walang kwentang martial artists, talagang sinong niloloko nito. Wala daw tinatago pero ang kinikilos nito ay kahina-hinala." "Sinabi mo pa. Walang hiyang martial artist na ito. Sinubukan pa nitong magsinungaling eh kita namang may tinatago ito." "Tama ka, masyado ngang kahina-hinala ang kupal na martial artists na iyan. Ginawa ba naman tayong tanga." "Naku naku, mukha atang may hindi nagsasabi ng totoo." "Tsk! Masyado atang labas sa ilong ang sinasabi nito. Talagang nakakatangang isipin ang ganitong klaseng martial artist." "Hay naku, mukhang tatakas pa ang pesting sinungaling na martial artists na ito. Mukha ba tayong tanga para maniwala sa walang kwenta nitong pananalita." "Malamang gusto talaga nitong bilugin ang utak natin. Kitang-kita naman kasing masyado itong defensive. Kita mo yung ginagawa niya ngayon?!" "Oo, namamawis lang naman buong katawan nito lalo na ang mukha nito. Nanginginig din ang mga tuhod nito maging ang kamay nito, sinong hinayupak ang maniniwala sa sinasabi nito na salungat sa kinikilos nito!" "Presumptuous! Mukha ba tayong uto-uto para gawin niyang katawa-tawa ang sitwasyong ito. Wala tayong napala sa pagpunta natin rito dahil sa message hunter na pumunta rito at kinuha ang buong atensyon natin at pinagtawan o nagmukha tayong katawa-tawa rito tapos ganon-ganon lang? Hmmmp!" "Sinabi mo pa, naloko na tayo kanina ay tingin ba nito ay maloloko niya tayo sa pangalawang pagkakataon? Hmmp! In your dreams!" Tila ang grupong nakakalat sa paligid ng lugar na ito na malapit sa pinangyarihan ng labanan ay masasabing tila naglalabas ng kakakibang atmospera sa lugar na ito. Ang kaninang tila abalang-abala sa paghahanap ng nasabing recording disc na tinanim ng nasabing message hunter sa lugar na ito ay nakatuon ngayon ang atensyon sa isang nilalang na nasa harapan nila mismo. Yung tipong ang isang Martial artist na ito ay hindi nila aakalaing mayroong tinatagong bagay. "Sinasabi mo pang praning ako? Eh ano ang gusto mong itawag ko sa'yo? Sinungaling, Magnanakaw o wlaang hiya? Ibigay mo sa amin ang recording disc na tinatago mo kung hindi ay hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa iyo. Nang marinig ito ng karamihan rito ay hindi na nakapagpigil ang ibang sumali sa nasabing argumento. Masasabing maging sila ay maraming oras ang nagugol at naaksaya sa araw na ito na sana ay malaking benepisyo sa kanila. "Napakasinungaling mo! Ibigay mo na ang Recording disc sa amin!" "Gusto namin ng hustisya rito, hand over the recording disc or else ay ako mismo ang papaslang sa'yo!" "Walang hiya ka, all this time ay ikaw lang palang pesteng nilalang na nakahanap ng Recording disc! Pinagmumukha mo ba kaming tanga?!" "Kumu-quota ka na ginoo, gusto mo atang ipalasap ko sa'yo ang aking inis at pagkagalit na nararamdaman sayo!" "Ibigay mo na sa amin yan!" "Balak mo pa kaming isahan ha?! Mukhang gusto mo atang maturuan ng leksyon peste ka!" Tila hindi na nakapagtimpi ang mga nanonood na mga Martial Artist dahil sa labis na pagkagalit sa nasabing pangyayaring ito lalo na at all this time ay nakatago lamang pala sa pangangalaga ng lalaking Martial Artist na nasa thirties ang nasabing hinahanap nila kanina pa na Recording disc na itinanim mismo ng mga message hunter sa grupong ito na hindi pa tukoy kung sino. Tila ba ang recording disc lamang ang tanging magiging solusyon nila upang malaman ang mga bagay na nalalaman nila sa mismong recording disc. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang muntik ng mauwi at maitakas ito ng lalaking martial artist na nasa thirties ag edad nito. Kapwa nagkatinginan naman ang apat na message hunter sa iba't ibang direksyon. Masasabing walang nakapansin sa kanila lalo na sa kung paano mag-usap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata lamang. "Hay naku, nasayang lamang ang oras natin dito, bakit hindi natin parusahan ng malala ang nilalang na ito. Mukhang ginagawa lamang tayo nito na isang kalokohan sa pagmumukha nito!" Sambit ng lalaking message hunter na si Number 344 habang makikitang hindi ito nasiyahan sa pangyayaring ito. Kapwa kasing naging vigilant ang mga nilalang na naririto at walang gustong magsimulang hulihin ang nasabing lalaking martial artists na nasa thirties nito. Masyado ng mahaba ang oras na ginugol nila rito at nakikita niyang kating-kati na ang pares ng mga kamay nito na malaman ang lahat ng pangyayari sa kaniyang sariling recording disc. Tiyak siyang hindi Basta-basta ang nairecord nilang kaganapan. Malaki ang sinakripisyo nila kaya lahat ng inis na nararamdaman nito ay ibubunton niya sa mga ito. "Oo nga, kailangang makuha natin ang hustisya sa bagay na ito kung hindi ay maituturing lamang tayong mga mahihinang martial artists!" Tila naiinis na sambit ng isa pang message hunter na si Number 341 upang mas painitin pa ang tensyong nangyayari sa lugar na ito. Masasabi niyang kahit siya ay nababagalan sa takbo ng pangyayaring ito. Masyado ng matagal ang nailalaan nilang oras rito. Hindi pa ito ang oras upang umalis sila dahil malamang sa malamang ay pag-iinitan sila ng sinuman na naririto. Masasabing siya ang nakaisip ng ideya na ito upang sa pangalawang pagkakataon ay manabutahe naman siya pero sa pagkakataong ito ay mas malala at brutal na pamamaraan. Kailangan nila ng nilalang na pagbubuntunan ng sisi sa mga pangyayaring ito, hindi sila makakapayag na sila ang sasalo ng galit ng mga ito o worst ay mamatay sa lugar na ito. "Dapat tayong magkaisa laban sa mga nilalang na sinusubukan tayong lokohin. Masyado tayong nagiging mabait, dapat ay maging mabagsik tayo sa sinumang nilalang na binibilog lamang ang ating isipan." Matigas na sambit ng isa pang message hunter na si Number 343 Kung saan ay masasabi niyang nakakainip na ang pangyayari na ito. Masyadong mahirap ang paggalaw at pagtakas sa lugar na ito. Pagkakataon na nila ang iligtas ang mga sarili nila laban sa mainit na pagkagalit o pagkapoot ng mga nilalang na naririto. Sino ba ang gustong sumalo ng galit o poot ng mga ito? Diba wala. Makikitang hindi maaaring baliwalain ang mga bagay na maaaring magresulta sa pangyayaring ito. Maya-maya pa ay bigla na lamang nagsalita ang isa pang message hunter. Hindi rin ito makapagtimpi na magsalita. "Baka nga siya ang Message Hunter na nanabutahe sa atin at sinubukan nitong i-retrieve ang kaniyang sariling recording disc kaya ganon na lamang kakapal ang apog nitong tumakas. Dapat siyang patayin at maging magandang halimbawa ito sa mga Martial Artist na ginawang biro ang lahat ng mga bagay na nangyayari dito!" Seryosong sambit ng message hunter na si Number 342 kung saan ay masasabing gagatungan niya ang pangyayaring ito kung saan ay mas iinit pa ang atmospera sa lugar na ito. Masasabing kailangan nilang makaalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. "Oo nga, kailangan nating paslangin ang nilalang na iyan. Masyado ng malaki ang nasayang natin rito!" "Tama, hindi na maaaring walang magbayad ng lahat ng nangyayari na ito!" "Lahat ng bagay na ito ay hindi lamang simpleng bagay lamang. Dahil sa kasinungalingan mo ay talagang walang kapatawaran." "Hmmp! Talagang hindi ka nararapat na mabuhay pa!" Lahat ng sama ng loob ng mga nilalang na naririto ay tila sinalo lahat at napasaring ang lahat ng mga ito sa lalaking martial artist na ito. Mas lalong namutla naman ang mukha ng nasabing lalaking martial artist na naipit sa sitwasyong ito. Tila ba lahat ng mga pagkagalit at poot ng mga ito ay binato sa kaniya ang mga ito. Maya-maya pa ay biglang nagngalit ang mga ngipin ng lalaking martial artist na kung saan ay tila nakaramdam ito ng matinding galit. "Hmmp! As if naman na may nagawa akong mabigat na kasalanan. Ako ba ang Message Hunter? Pwes inyo na ang pesteng Recording disc na ito." Sambit ng lalaking martial artist sabay pakita ng Recording disc sa mga taong naririto. Tila nanlaki naman ang pares ng mga mata ng mga Martial Artists na naririto. Tila dumikit ang lahat ng mga mata ng mga ito sa ipinakitang bagay ng nasabing martial artist na lalaking nasa edad trenta. "Isang recording disc ba yan? Tial nakakamangha naman ng bagay na iyan!" "Isang recording disc nga, hindi ako nagkakamali!" "Masasabi kong kakaiba nga ang bagay na ito na siyang gamit ng mga message hunters!" "Sinabi mo pa, masyadong kakaiba ang gamit ng mga ito. Kaya nitong magrecord ng mga detalye ng labanan kahit napakabilis pa nito!" "Siyang tunay, kaya nga ang kanilang impormasyong nakakalap. Binibigay nilang impormasyon ay sobrang detalyado at maaasahan ang mga ito sa pagbibigay ng mga nakakapangilabot na kaganapan na gusto mong malaman kung saan ay halimbawa na lamang nito ay matinding sagupaan ng mga martial artists at iba pa!" Tila puro mga paghanga at positibong mga bagay ang biglang umalingawngaw sa buong lugar na ito lalo na sa kung paano i-describe ng mga grupo ng mga martial artists na naririto ang nasabing pambihirang instrumentong gamit ng mga message hunter at ito ay ang mga pangunahing bagay na gamit ng mga ito sa pangangalap ng impormasyon, ang Recording discs. Halos lahat ng mga kaganapan at pangyayari ay maaaring maitala o mai-record ng nasabing recording discs na ito. Masasabing tila isa itong pagkakakilanlan ng mga Message Hunter lalo na sa propesyon ng mga ito upang maglakbay at humanap ng nagbabagang mga impormasyon at mga kaganap na hindi pangkaraniwan kundi mga ekstraordinaryong mga pangyayari na maaari nilang i-record. Natuwa naman sa kanilang kaloob-looban ang mga message hunter nang marinig nila kung gaano hangaan ng mga ito ang kanilang instrumentong gamit sa pagrecord ng nasabing mga event. "Naku naku, masyado naman atang exaggerated ang sinasabi ng mga ito. Hindi naman gaanong kalakas ang instrumentong gamit natin." "Oo nga, pero natutuwa ako dahil marami ang humahanga sa ating instrumentong gamit." "Kaya nga eh, tingnan kaya natin kung sakaling alam nilang isa tayong message hunter." Salungat sa reaksyon ng lahat ay napairap naman ang lahat sa sinabing ito ang isang message hunter na si number 342 at mabilis na nagwika. "Hay naku puro kayo kalokohan, masyado kayong nagpapadala ng sinasabi ng mga ito. Mga mangmang ang mga iyan at hindi nila alam ang kanilang sinasabi. Mahirap magset-up ng ating instrumentong ginagamit na Recoding disc. Kailangan ay nakaanggulo angm ga ito sa nasabing pangyayaring gusto nating irecord. Sa Set up palang ay masyado na tayong lugi sa oras. Mabuti sana ang kanilang sinasabi ngunit maraming mga kulang na detalye hmmp! Kapag nalaman nilang isa tayong Message Hunter ay siguradong hindi na tayo makakaalis ng buhay rito, mag-isip nga kayo!" Ma-awtoridad na sambit ng message hunter na si Number 342 gamit ang kaniyang sariling divine sense habang nakakonekta ito sa apat niyang kasamahan. Tila ba ang mga kasamahan niyang mga ito ay nagpapadala sa sabi-sabi ng mgai ito. Tila napatahimik naman ang tatlo sa mga message hunter na mga ito. Tila ba inaanalisa pa nila ang mga bagay na ito. Ngunit natigilan ang mga ito nang magsalitang muli ang ilan sa mga martial artists na naririto sa susunod na sinasabi ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD