Gamit ang natitirang lakas ng binatang si Van Grego ay mabilis siyang pumunta sa napakalaking nagbabagang bato na siyang hindi masukat ang laki nito. Masasabing ang sinuman o anumang bagay na matatamaan nito ay siguradong mamamatay o di kaya ay mawawasak. Tila ba nagrerepresenta ang nasabing bulalakaw na ito sa kawakasan. kamatayan lamang ang naghihintay sa kaniya kung magpapatama siya rito. "Hindi ako magpapatalo laamang sa dambuhalang bagay na ito. Gagawin ko ang lahat upang hindi ito makapaminsala sa lupaing aking pinagmulan." Sambit ng binatang si Van Grego habang mabilis nitong hinawakan ang tipak ng bato na nakakapasp ang init nito. Psshhh! Psshhh! Pshhh! ...! Kahit na nakabalanse ang binatang si Van Grego sa ere na kaniyang kinaroroonan ay napapaatras siya maging ang kaniyang sar

