"Wag kang magpapaloko sa itsura o anyo lamang ng mga nilalang. Palagi kong sinasabi na wag kang mangmaliit at manlait sa mga nilalang na di mo pa ganoong kilala at nakita. Kahit sabihin ko sayo ang bagay na iyan ay palagi mo na lamang pinapairal yang pagiging stereotype mo o pagiging self-centered. Hindi kasi lahat ng mga henyong mga nilalang ay nasa mga malalaking Sect o mga malalaking mga Akademya o Paaralan, minsan nasa mismong kagubatan at mga daan lamang na hindi mo alam. Ipasok mo sa kokote mo yan Pevil dahil ayokong iyan ang maging dahilan ng pagbagsak at kamatsyan mo!" Panenermon naman ng nakarobang ginto na may edad na lalaki habang bakas sa boses nito na hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng kaniyang sariling disipulo.
Nagulat naman at napayuko na lamang si Pevil, minsan lang kasi magalit ang kaniyang sariling Master at ayaw naman niyang magkagalit rito. Though his act disgusted about something or someone but he really know that his Master care for him a lot. Hindi niya kasi ginagawang katatawanan lamang ang sinasabi nito kundi isinasabuhay niya ito ngunit alam niyang ganon siya eh, di niya mapigilang humusga agad lalo na kung natutuwa o pumapabor sa ibang mga kaedaran niya lamang na mga nilalang dahil baka gawing disipulo nito.
"Pasensya po Master, alam ko pong mali ang aking ginawa. Takot lamang akong baka palitan mo ako sa nilalang na iyan at maetsapwera ako." Tapat na sambit ng binatang nakasuot ng robang puti. Ayaw kasi nitong malamangan o mapalitan ng kung sino-sino lamang lalo na at matagal na niyang master ito at iwan lamang siya nito sa ere lalo pa't bibihira lamang itong pumuri sa ibang nilalang lalo na sa katulad niya na mismong disipulo nito.
"Hahahaha... Paano mo nasabi iyan? Gusto mo bang mapalitan ha? Tsaka hindi naman ako naghahanap pa ng disipulo dahil marami akong ginagawa at minsan nga ay di kita natuturuan eh. Hindi rin ako kukuha ng disipulong mahilig sa g**o lalo na at may kinalaman sa mga Dark Lords." Sambit ng may edad na lalaking nakasuot ng ginintuang roba na bakas ang pagiging matapat nito sa kaniyang sariling salita.
" Mabuti naman master ayt hindi mo ako papalitan o ipagpapalit sa nilalang na iyan bilang disipulo mo. Okay lang po sakin yun Master, malaking responsibilidad ang nakaatang sa iyong mga balikat. So Ibig sabihin ba nito Master ay lilikha ang binatang iyan ng g**o sa lugar na ito?" Sambit ng binatang nakasuot ng puting roba na tila ba ay nagtataka ito sa sinabi ng kaniyang sariling Master. He is not quite liking ang binatang lalaking si Van Grego upang makipagkaibigan rito but something in him that caught the attention of his own master so he might be a powerful one or talented one, isn't he?!
"Hindi ko alam pero ang buhayin ang mga Dark Lords ay nangangahulugan lamang na lilikha ng g**o ang nasabing binatang nilalang na ito. Hindi lamang sa lugar na ito kundi isang malawakang kaguluhan at digmaan ang mangyayaring muli pero iyon ay kung magtatagumpay ito. Sa ginagawa nito ngsyon ay sigurado akong bubuhayin na nitong muli ang isa pang Dark Lords. Si Dark 2 na kilala sa mapamuksang ibon na nagtataglay ng malakas na Dark Attribute Element. Isang Two Legged Dark Neo Bird." Kalmadong sambit ng may edad na lalaking nakasuot ng ginintuang roba habang bakas sa mukha nito na hindi ito namomroblema dito kundi ibayong kasiyahan lamang.
"Master, isang Dark Neo Bird? Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong Saint Beasts na naninirahan sa pambihirang Ancient Neo Tree hindi ba?! Dito din nagmula ang lahi ng mga Black Neo Bird na isang direct descendants ng nagdadala ng bloodline nito hindi ba?" Sambit ng binatang nakasuot ng kulay puting roba kung saan ay bakas ang kuryusidad at pagtataka rito lalo pa't imposible namang hindi totoo yung pinag aralan niyang heritage book na bigay ng kaniyang sariling Master.
"Tama ka sa iyong sinabi Pevil, si Dark 2 ay isang mapamuksang Ibon na nahahanay sa Saint Beasts. Sa oras na bumalik ang tunay na lakas nito at ng iba pang mga Dark Lords ay siguradong sisiklab naman ang kaguluhan at malawakang digmaan. Ang Dark Neo Bird ay katunggali ng nasabing isang Saint Beasts na ibon na mortal nitong kaaway na walang iba kundi ang Vermillion Bird." Sambit naman ng may edad na lalaking nakasuot ng ginintuang kulay na roba. Tila ba nito pinoproblema ang mangyayaring kaguluhan o digmaan.
"Master, masyado akong nako-curious sa Dark 1 na ito dahil Wala naman akong nabasang halimaw na oso sa mga Dark Lords tsaka di ko aakalaing napaslang na ito kanina pa. Sayang lamang ang pinunta nila rito. Imposible na nilang mabuhay pa ang iba pang Dark Lords kapag nangyari ito." Sambit naman ng binatang nakasuot ng kulay puting roba na tila hindi nito inaasahang lahat ng pinaghirapan ng binatang halis kaedaran niya lamang ay mauuwi lamang sa walang katuturang pangyayari na ito.
"Hahahaha... Hindi mo naintindihan ang pangyayaring iyonm tsaka si Dark 1 ay isang Dark Blue Luan na osang uri ng Evil Beasts na mahahanay sa Saint Beasts. Walang binatbat sa kaniya ang Guardian Beasts na Blue Luan na Saint Beast na pinaslang niya, muntik na nga nitong mapaslang ang Vermillion Bird ngunit mabilis na napigilan ito ng Five Stripe Golden Lion kaya siya pa ang napaslang nito hahaha." Sambit ng may edad na lalaking nakasuot ng kulay ginintuang roba habang hindi nito mapigilang mapatawa.
"Huh?! Isang Dark Blue Luan? Talagang walang laban sa kaniya ang Blue Luan kung gayon. Nakakamangha naman iyon. Ngunit bakit sa katawan ng nakakadiring oso ito mismo nagreside ang kaluluwa nito at Paano niyo po nalaman Master ang mga pangyayaring ito? andun po ba kayo sa mismong digmaan?!" Tila labis na nagtataka na sambit ng binatang nagngangalang Pevil na nakasuot ng kulay puting roba. Medyo naguguluhan talaga siya sa pangyayari noon at talaga namang wala naman siyang nabasa patungkol sa mga mahahalagang pangyayari at impormasyon patungkol sa digmaang iyon. Hindi naman sa nagiging pakialamero o tsismoso siya kung maituturing ngunit wala talaga siyang kaalam-alam roon.wala naman siyang matandaang nakaligtaang basahing libro na pinag-aralan niya noon.
"Tsaka muna malalaman ang mga pangyayari noon kapag naging opisyales ka na ng angkan natin. Hindi maaaring malaman mo pa iyon sa ngayon dahil marami ka pang pagdaraanan at dapat matutunan pero sa ngayon ay konting impormasyon lamang ang maaari kong sabihin sa'yo. Ang patungkol naman sa Dark Blue Luan na kilala sa tawag na Dark 1 ay napakalakas nito at medyo naging careless lamang siya sa naging kilos nito sa pakikipaglaban. Ang matagumpay na pagbabalik nito ay siguradong may kinalaman ito sa Mutated Giant Black Bear na nakakuha ng fortuitous encounter ng nasabing Dark Blue Luan o baka ito mismo ang nakatuklas sa remains ng nasabing halimaw na Dark Blue Luan. Di ko masabi basta mabubuhay lamang ang mga ito at hindi mapapaslang ng sinuman ang mga Dark Lords dahil sa hindi malamang dahilan." Sambit ng may edad na lalaking nakasuot ng ginintuang kulay na roba. Maging siya ay nagtataka pa rin dahil patuloy pa rin ang pag-exist ng mga nilalang na ito ngunit di siya nangangamba dahil alam niyang hindi sila mapipinsala ng sinuman lalo na ng malalakas na pwersa ng mga nilalang na katulad ng mga Dark Lords. Ang kanilang pundasyon ng kanilang angkan mismo ay hindi masusukat lamang sa simpleng salita lamang at matagal na silang nag-eexist sa mundo ng Cultivation kaya hindi sila maaaring maapektuhan lamang ng mga ito.
"Ganon po pala yun Master?! Salamat at medyo naliwanagan ako kahit papaano, asahan niyo ping hindi ko ito ipagsasabi sa kahit na sinuman hehe" masayang sambit ng binatang si Pevil na nakasuot ng kulay puting roba na bakas ang tuwa sa mata nito.
Ngunit nagulat sila nang biglang tumingin sa kanilang direksyon ang binatang nakikipaglaban sa nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird.
"Master, nakita niya tayo?!" Sambit muli ng binatang nakasuot ng kulay puting roba na nagngangalang Pevil habang bakas ang labis na gulat sa kaniyang sariling mukha.
"Parang ganon nga, kahanga-hanga talaga ang talentadong binatang martial artist na ito ngunit hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng laban nito maging ng kung ano mang klaseng plano nito. Tunay ngang nagsilitawan na ngayon ang malalakas at talentadong mga batang henerasyon ngayon na nangangahulugang mas malawak ang magiging kaguluhan at digmaan sa mundong ito. Tsaka kailangan na nating umalis ngayon dahil masyado ng matagal ang ginugol nating oras dito. Wala ng excitement kapag nakita ka na ng mga naglalabang nilalang." Kalmadong sambit ng may edad na lalaking nakasuot ng ginintuang kulay na roba habang tila nawalan na ito ng interes na manood pa ng labanang ito.
Mabilis na lamang naglaho ng sabay ang nakaputing robang lalaking nagngangalang Pivel at ang nakasuot ng ginintuang kulay na roba sa makapal na kaulapang pinagkukublian ng mga ito maging ang pabilog na bagay ay nawala rin na parang bula. Tila ba ang bakas ng pagpunta ng mga ito ay naglaho na lamang na walang ebidensyang naging saksi sila sa labanan ng binatang si Valc Grego at ng agresibong halimaw na ibon na Black Neo Bird.
...
Tila tumalim lamang ang tingin ng binatang si Valc Grego sa dalawang malabong pigura ng nilalang na nakita niyang nanonood sa kaniyang pag-iwas sa mga mapaminsalang atake ng halimaw na ibon na Black Neo Bird. Hindi niya aakalaing mayroong mga walang hiyang nilalang ang gusto pang manood sa labanang ito. Pakiramdam ng binatang si Valc Grego ay tila minamaliit siya ng mga ito at tila ba insekto lamang siya rito.
"Humanda kayo sakin mga pesteng nilalang kayo, hmmmp!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang bakas ang labis na inis at galit rito. Pakiramdam niya kasi ay ito pa ang dahilan kung bakit naging ganito ang labanang ito dahil baka sila pa ang nagkuntiyaba sa nasabing pesteng halimaw na ibon na Black Neo Bird na ito para mag-all out war sa kaniya.
Todo iwas pa rin ang nakamaskarang binatang si Valc Grego sa mga random attack ng nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird dahil wala pa rin itong tigil sa kakaatake ng nag-iitimang bolang apoy nito.
Namangha talaga siya sa kakayahan ng halimaw na ito kaya hindi niya mapigilang mag-isip.
"Karapat-dapat nga ang halimaw na ibon na ito bilang isa sa direct descendants ng halimaw na ibon na Dark Neo Bird. Ngunit kailangan kong pinsalain ito ng mabilis upang hindi na ito manglaban pa hehehe... Dapat nga ay ikatuwa pa nito dahil magiging daan siya upang muling mabuhay ang Saint Beasts na pinagmulan nila na walang iba kundi ang Dark Neo Bird!" Sambit ng nakamaskarang itim na binatang si Valc Grego habang bakas sa tono ng pananalita nito ang labis na confidence. Tsaka para sa kaniya ay hindi naman masasawalang kabuluhan lamang ang mga ito kundi ay malaki pa ang merits nito at dapat ay ikarangal din ito ng pesteng ibon na ito na sa katawan nito sasanib ang Dark Neo Bird na Saint Beasts hanggang sa ito na mismo ang magmay-ari ng katawan na ito. Hindi ito isang kalugihan sa panig ng Black Neo Bird kundi isang napakagandang oportunidad upang hayaang ang malakas na nilalang ang kumontrol sa katawan nito at mamatay itong malaki ang contribution na ito. That is too generous at sa mundong ito ay naniniwala ang nakasuot ng itim na maskara na si Valc Grego na malalakas lamang ang dapat manaig at ang mga mahihina ay dapat na manilbihan sa kanila maging ang binatang si Van Grego ay itinuturing niyang napakalampa at napakahina kaya ganon lamang ang galit niya rito. Ang arte pa kasi nito at gusto pa siysng kalabanin kaya ganon na lamang ang pag-uugali niya rito.
Nagulat naman ang binatang nakasuot ng itim na maskarang si Valc Grego nang mapansing wala na ang dalawang nilalang na nanonood sa kaniyang laban na ito.
"Hmmp! Sa oras na makita ko kayong muli ay sisiguraduhin kong papaslangin ko kayong dalawang pesteng nilalang kayo!" Paggalit na sambit ng binatang si Valc Grego. Ang ayaw na ayaw siya ay obserbahan ang kaniyang sariling kakayahan at labanang nangyayari habang hindi ito nagpapakita. Para sa kanya ay gawain lamang iyon ng mga duwag at nanghahamak sa kaniya na talagang ayaw na ayaw niya.