Isang masayang lunch date ang pinagsaluhan naming apat ng araw na ‘yon kasama ang cute at napakagandang anak ni Jibi. We really bonded a lot, we play together, nakipagkulitan sa mga Papa niya, naglaro sa pool. Now, we are really close at mommy na ang tawag niya sa akin. Okay naman ako doon, dahil lumaki na walang ina ang bata, iniwan na sila ng asawa ni Jibi noong baby pa lamang ito. Naaawa ako para rito pero masayang-masaya naman si Carissa na kasama ang kanyang ama. Inaalagaan siya ng mabuti ni Jibi at hindi ito lumaki na spoil kahit pa binibigay nito ang lahat sa anak. Isa pa, maganda ang relasyon niya sa dati niyang in-laws. Sana nga lang okay lang sa kanila na maging parte ako ng buhay ng kanilang apo at sa buhay ni Jibi. Magana na kumain ang bata at nasarapan siya sa lahat ng niluto

