Kinabukasan, maaga kaming nagising para makapag-empake na kami ng lahat ng mga gamit namin. Bumalik si Jibi sa kanyang site para kunin ang sa kanya at ako naman ay nilalagay lahat ng damit ko sa aking trolley bag. Masaya ako at gagawin namin ito dahil awkward na rin ang nararamdaman ko dito sa ship dahil sa mga guest na super pakialamero. Nasa balcony si daddy at busy siya sa kausap niya sa phone. I don’t know who is he talking to at hindi rin ako interesado. Basta excited na ako na bumaba ng ship at i-explore ang Japan. Nakapag-empake na ako nang pumasok si Jibi at hinalikan niya ako sa pisngi habang nakaupo ako sa sofa. Nasa phone pa rin si Kloss at medyo naiirita ako dahil kanina pa siya sa kanyang tawag. Tumingin ako kay Jibi, he was wearing a black sunglasses kaya hindi ko alam kung n

