Ilang araw na rin ang nakalipas after ng accident ng mga magulang ko at pag-alis ko sa aming bahay. Maraming nangyari, I shed so many tears, I was hurt, I was betrayed, halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa mga nalaman ko. Right now, I am trying my best to heal pero nakatira naman ako sa penthouse kasama ang lalakeng sinungaling sa akin at sinaktan ako dahil hindi niya sinabi na may asawa na pala siya. Feeling ko tuloy, pinaglaruan niya lang ako habang nasa cruise ship kami. Pero habang magkasama kami rito sa penthouse, we are doing good. Nag-uusap naman kami, pero madalas na ako lang mag-isa buong araw dahil pumapasok na rin siya sa kanyang office. Minsan, late na rin siyang umuuwi at tulog na ko kaya hindi ko na siya nakikita. Nilulutuan ko naman siya ng pagkain at masaya naman ako da

