BLAZE “Anak, pwede ka na bang umuwi ngayon?” sabi sa akin ni mama sa kabilang linya habang nasa mini mart ako at kasama sila Claire at ang kapatid niyang si Blair. “Opo Ma, pauwi na po talaga ako bumili lang ako ng ice cream sa daan. Umiiyak po ba kayo?” pagtataka ko sa boses ni mama dahil hindi normal ang pagsasalita niya na para bang nagmamakaawa na umuwi na ako sa bahay. “Hindi, namimiss lang kita,” pagsisinungaling ni mama dahil alam kong umiiyak talaga siya at hindi ko alam kung bakit, kaya kailangan ko na talaga umuwi, hintayin ko lang sila Claire sabi naman nila ay mabilis lang sila. “Opo Ma pauwi na ako, ito na. Hintayin niyo ako riyan,” pagmamadali ko at binaba ko na kaagad pero narinig ko ang naputol niyang salita na. “Sige anak…” pero hindi ko na tinawagan uli dahil nagmam

