CHAPTER 7

1154 Words
ASHLY  Inabot na ako ng umaga at hindi pa rin ako makatulog sa kwarto kaya lumabas na ako ng pinto para kumain ng makakain sa kusina pero pag silip ko sa sala ay nakita ko ang bwiset kong asawa na nanonood ng paborito niyang tape. Sinigaw-sigawan niya ang mga anak niya pati ako pagkatapos, manonood siya niyan?  Bumaba na ako ng hagdan at saktong nagising na rin ang katulong namin, gusto ko sanang sabihin na magluto na siya ng makakain pero wala akong ganang magsalita at alam niya na dapat ang gagawin niya kaya tuloy-tuloy lang ako sa pagkababa. “Ma’am magluluto na ba ako?” ang sabi ng katulong namin kahit alam niya na dapat ang gagawin niya tuwing umaga.  “Dapat mo pa bang sabihin sakin ‘yan?” ang sabi ko sa kaniya at napalingon ako sa kwarto ng aking anak na si Claire. Napansin kong may nakasilip dito dahil hinaharangan nito ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto niya pero nang pumikit ako ay nawala ito kaya inisip kong guni-guni ko lang ang nakita ko.  “Sige na pumunta ka na sa kusina,” ang sabi ko katulong kaya nagmadaling pumunta na sa kusina. Bago ko makababa sa hagdan ay narinig ni Frank ang boses namin kaya napatigil siya sa panonood at napalingon sa amin. Nagkatitigan kami pero inuna ko munang pumunta sa kwarto ni Claire para silipin siya kung anong nangyari na ba sa kaniya pag tapos ng pangyayari kagabi.  Binuksan ko ang pinto sa kwarto niya at nakita kong tulog siya kaya alam kong guni-guni nga ang nakita ko kanina habang nasa hagdan ako. Pagkatapos kong makita na okay lang si Claire at mahimbing na natutulog ay sinara ko na ang pinto niya dahil hindi ito nakasara kanina.  Lumingon ako sa asawa ko na nakatingin sa akin. Tinapatan ako na nag-aamong mukha pero tinarayan ko lang ito at dinaanan. Dire-diretso ako sa kusina para maghanap o hintayin na lang ang lulutuin ng katulong namin. Ano siya, pagkatapos niya akong sigawan nang malakas tatapatan niya ako nun? Imbis na manghingi ng tawad para maayos namin ang problema? Pagkapasok ko ng kusina umupo ako kaagad sa upuan ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa bar table. “Ate, may pwede bang kainin diyan habang nag-aantay ng luto mo?” tanong ko habang nag sasaing siya ng kanin. “Opo, Ma’am. May sandwich po sa ref, gusto niyo po bang kuhanin ko para sa inyo?” aniya kaya tumango ako. “Sige nga pakikuha, nakakagutom eh,” sabi ko at kinuha niya naman agad para i-abot sa akin tsaka siya bumalik sa pagluluto.  “May problema po ba kayo ni Sir? Ma’am?” biglaan sambit niya kaya napatigil ako sa pagkain at binaba ko ang sandwich na bigay niya. “Pakagatin mo muna kaya ako?” kunwaring inis na sabi ko habang nakatingin sa kaniya kaya natahimik siya at nag-focus na lang muna sa pagluluto kaya bumalik ako sa pagkain ng sandwich at paunti-unti kong inaalis ang mataray kong tingin sa kaniya. Inubos ko muna ang pagkain ko ng sandwich bago ko siya sagutin sa tanong niya pero ng maaubos ko ito at uminom ng tubig imbis na sagutin ko ang tanong niya ay isa pang tanong ang sinambit niya sa akin. “Tapos ka na ba Ma’am?” kanina pa pala ako hinihintay nito matapos? Muntikan ko nang ilabas ang mga kinain ko sa bunganga ko dahil akala ko naka-focus siya sa pagluluto, naghihintay pala siya sa sasabihin ko. “Bakit mo ba tinatanong ‘yan ng ganitong oras?” sabi ko pagkatabi ko ng basong hawak ko habang nabubulunan pa. “Kanina pa po kasing gabi nanonood ‘yan si Sir Frank, bago pa man ako uminom ng tubig kagabi hanggang ngayon ay nanonood pa rin,” paliwanag niya habang nagluluto. “Tsaka bakit pati po kayo parang puyat?” pahabol niyang sabi. Hindi siguro niya narinig ang malakas na boses kagabi ng asawa ko kaya wala siyang alam sa nangyari kagabi. “Na-miss niya lang siguro ang mga bata kaya pinanood niya uli,” sagot ko sa kaniya habang sinisilip si Frank sa sala dahil akala ko ngayon oras niya lang pinanood ‘yan at natulog siya kagabi pagkababa niya sa ganoong oras din. “Nagpuyat siya para doon? ‘Di ba may trabaho pa si Sir mamaya? Kayo nga rin eh, pero parang puyat rin kayo.” Sa sinabi niyang ‘yun bigla kong naalala na weekday pala ngayon at simula ng trabaho na pero ganito kami, puyat, paano kami makakapasok nito ng ganito?  Agad akong umalis sa kusina at pumunta sa sala. Nakita ko ang aking asawa na walang tigil pa rin sa panonood ng tape imbis na matulog. “Anong ginagawa mo?” ang tanong ko sa kaniya habang nakapamewang.  “Nanonood?” tugon niya na ikinainis ko pa lalo. “Ang ibig kong sabihin, ‘di ba may trabaho ka? Hindi mo ba iniisip ‘yun?” inis na tanong ko at lumapit na ako ng tuluyan sa kaniya. “Nag…” putol na sabi niya dahil pinagpapalo ko na ang braso niya at ang tanging nagagawa niya lang ay umilag at salagin niya ang kaniyang mukha dahil baka dumulas sa mukha niya. “‘Wag ka nang magpaliwanag pa ha,” mabilis kong sabi habang pinapalo siya. “Hindi ka pala natulog, mas inuna mo pa ‘yang panonood mo,” sunod kong sinabi sa kaniya. “Honey? Pwede mo ba muna akong pagpaliwanagin? Puro ka palo sa akin eh.” Nakapagsalita siya kahit pa pinapalo ko na siya ng sunod-sunod kaya binilisanan ko pa ang pagpalo sa kaniya hanggang sa hindi na siya makapagsalita talaga at puro aray na lang ang lumalabas sa bibig niya. Sa tuluyang pagpapalo ko sa kaniya ng sunod-sunod ay hindi ko na namamalayan na napagod na pala ako kaya huminto na ako. Hiningal ako sa ginawa ko kaya nagsisi akong ginawa ko pa ‘yun. Napagod lang tuloy ako, bwiset.   Pagkahinto ko ay unti-unti niyang inalis ang takip niya sa mukha. “Pwede na ba ako magpaliwanag bago mo ko paluin uli pagkatapos mong magpahinga riyan?” nairita ako lalo sa kaniya kaya papaluin ko na sana siya ng biglang may tumawag sa akin. “Mommy?” boses ni Blair ang narinig ko kaya napalingon ako sa likod at napalingon din ang aking asawa. Nakita namin ang dalawa naming anak na nangingitim na rin ang baba ng mata nila. Puyat din sila? Syempre, ano bang inaakala ko? Pagkatapos silang sigawan ng tatay nila na hindi pa nagagawa kahit kailan sa kanila ng tatay nila, makakatulog ba sila sa ganung sitwasyon? Syempre hindi. Doon ko lang napagtanto na hindi pala guni-guni ang nakita ko kanina sa hagdan. Gising pala talaga si Claire at hindi lang basta gising, kundi puyat kagaya namin ng daddy at kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD