CHAPTER 2

1062 Words
BLAIR Kasalukuyan akong inaayusan ng aking katulong para sa seremonyas ko mamaya. Halos matadtad na ng makeup ang pagmumukha ko dahil sa patuloy nilang paglalagay ng mga 'yon. Ang buhok ko ay straight na rin, plinantsa lang para mag mistulang bagong rebond. Simpleng damit lang ang sinuot ko dahil papalitan din naman ito mamaya. "Okay na, Ma'am B," sabi ng katulong namin, habang sinusuklay suklay pa ang mahabang buhok ko sa likod na nakalugay. Tinitigan ko ang aking sarili sa malaking salamin na nasa tapat ng aparador ko. Unat na unat ang buhok kong kulay itim. Samantala, ang pisngi ko naman ay pulang pula, para bang hindi nakontrol nung katulong kung gaano karami ang ilalagay niyang blush on sa’kin. Ang manipis at kumikintab kong labi ay may nude light brown matte, na pinaibabawan ng mumunting glitters. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali kong sinabit sa balikat ko ang maliit kong blush pink handbag. Maraming eksena ang naganap sa bahay bago ako nakapunta rito sa graduation hall namin sa Aurelio. Maaga naman ako kahit papaano, advance pa nga ako ng tatlong oras pero ang dami na agad ng bilang ng mga tao. "Bebe!" Nilingon ko ang tumawag sa'kin at nakita sila Chandria at iba pa naming kaibigan. Shandi ang palayaw ko sa kanya. Magkasingtangkad lang kami, hazelnut ang kulay ng medyo makulot niyang nakalugay na buhok pati na ang kanyang mata, bagay na bagay sa maputi at makinis niyang balat. Tumakbo si Chandria at yumakap sa akin. "Congrats bebe, malapit mo nang matupad lahat ng pangarap mo. Jowa na lang kulang," pagbibiro niya pagkakalas ng yakap sa'kin. "Jusko Shandi, mas mahalaga makapagtrabaho muna ako bago maghanap ng jojowain. Akala mo naman ikaw, meron na," iritableng tugon ko. Ngumiti si Shandi na para bang nakakaloko. May lumapit na lalaki sa kanan niya at hinawakan ang kanyang kamay. "I'm Lowell,” inabot niya ang isa niya pang kamay sa akin, “Nash Lowell, 24 years old and already 3 years in a relationship with your friend Chandria,” pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ako makapaniwala, naitago niya sa akin na may karelasyon na pala siya. Nakipag kamay na lang ako para hindi ako pag isipan na wala akong respeto sa relasyon nila. Kahit naman ganito ay suportado naman ako sa kanila, nakakalungkot lang na parang wala akong nalalaman sa kaibigan ko. Nagkamustahan lang kami saglit bago kami sabay sabay na nag check in dun sa registry staff. Ilang minuto ang kinain ng pagchecheck ng attendance kung lahat ba ay narito na at nasa tamang arrangement. Binigyan kami isa isa ng card kung saan naroon ang pangalan namin at kung pang ilan kami tatawagin para umakyat sa stage. Nag opening or entrance ceremony na kami, nanumpa sa watawat at nanalangin sa Kanya. Nasa pinakaharap na hilera ng upuan ako nakapwesto pero pang #412 pa ako. Hindi kakayanin ng sistema kong maghintay ng ganun katagal ah! “Congratulations, Miss Hepburn,” rinig kong bulong ng isang lalaki sa likuran ko. Masyadong maingay ang palakpakan at sigawan kaya hindi ko gaano marinig ang kapaligiran. Hindi pa man ako nakatingin sa likuran ko ay narinig ko na ang pangalan ko mula sa speaker. “Let us welcome and congratulate student number four hundred twelve, a Bachelor in Performing Arts, the pride of their course and lastly, our university’s valedictorian, Miss Blair Hepburn! May I invite you to please stand in front and be the representative of this graduation ceremony?” Ang ilaw ay biglang namatay at sumindi ang isang spotlight na nakatutok sa akin. ‘Di ko inaasahan ito kasi halos hindi naman ako nakapakinig sa mga iba niyang sinabi, oh to the em to the gee! Sa gulat ko ay napatayo ako bigla nang nanlalaki ang mata. Ibinaba ko ang mga hawak kong gamit sa upuan ko at nagmamadaling naglalakad patungo sa stage. Tumikhim ako at pinagmasdan ang mga nanonood sa akin. Hindi ko man nakikita sila mommy, daddy at ate ay sigurado akong nagugulat din sila sa mga oras na ito. “Ehem. Greetings to each and every one of you, I’m Blair Hepburn, a senior graduate and a Bachelor in Performing Arts. I am not that confident with regards to my achievements as I see and treat everyone equally. I am delighted to witness most of us are present in this ceremony,” panimulang bati ko, “I wouldn’t be accomplishing my college years without the help of my professors and blockmates. So deep in my heart, I thank all of you. To my parents and my sister who fully supports me through ups and downs, thank you. To our God who has been truthfully guiding and protecting us, thank You. I won’t eat much of your time so I wish you all the best towards your journey after this day. This is just the beginning of our a******y stage, strive and work harder,” maikling dugtong ko, “Once again, I’m Blair Hepburn, your Valedictorian and representative. Congratulations to us, dear graduates!” Malakas na sigaw ko bilang pagtatapos sa aking speech. Nakaramdam ako ng matinding kaginhawaan sa aking pakiramdam. Parang maiiyak na ako sa labis na tuwa, hindi ko pa man nahahawakan ang diploma na matatanggap ko. Siniguro kong kahit maikli lang ang talumpati ko ay tatagos naman ito sa kalooban ng karamihan sa amin. Lumipas ang mahigit isang oras ay natapos din ang pagbibigay ng diploma sa aming lahat pati na rin ang iba pang award. “To officially end and call this a day, I would like to invite our dear valedictorian to stand in front alongside with your mother,” ani speaker. Bakit pati si mama kailangan pa? Ako lang naman ‘yung graduate, nakakahiya! Baka isipin nilang mama’s girl ako, pero true naman. Bumalik ako sa stage at pinapwesto ako sa gitna. Isa nanamang nakakagulat na pangyayari ang naganap. Lumapit si mommy sa akin at ang chancellor, may dala dala silang mga kumikinang na mga medalya. “Mommy’s so proud of you, bunso…” naluluhang sabi ni mommy kasabay ng pagyakap sa akin. Isa isang inabot ng chancellor ang mga medalya kay mommy hanggang sa isabit niya ang mga ito sa akin. Puro sa mga sinalihan kong patimpalak sa pagsayaw, pagkanta at pag-arte ang napanalunan ko, kasama na rin ang mga high honor certificates. "Congratulations, Miss Blair Hepburn for all of these achievements you've brought upon our university's name, but that's not all," bitin na sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD