Sam’s POV “Sam, kakain na! Dinner’s ready!” tawag ng mommy ni Clyde mula kusina. Napatingin ako bigla sa notes ko. Tsk, gabi na pala… hindi ko namalayan sa kakareview. Pagdating ko sa dining room, nandoon na si Clyde. Bago pa ako makaupo, iniabot niya agad ang phone ko—pero halata sa mukha niyang badtrip siya. Ano na naman ang problema nito? “By the way, mga anak,” ani Mommy habang nakangiti, “bukas aalis na ako, ha? Magpakabait kayo dito. Pinapauwi na kasi ako ng daddy nitong si Clyde.” Nanlaki ang mata ko. Naku, aalis na si Mommy? Wala na akong kakampi dito sa bahay! “I’ll miss you, Mom,” sabi ni Clyde, medyo seryoso ang tono. Wow. Mamimiss daw niya? Ewan ko lang. “Sam, hindi ka man lang magpapaalam sa mommy mo?” tanong ni Mommy sabay pout. “Sorry po, Mom. Nabigla lang kasi ako

