ENDLESS LOVE- CHAPTER TWO

2499 Words
"Grae,sigurado kana ba talaga na ipakikilala mo 'ko sa parents mo? kabadong tanong ni Andrea habang mahigpit naman ang pagkakahawak ni Grae sa kamay niya. Binabaktas nila ang daan sakay sa kotse ng binata patungo na tirahan ng mga magulang nito. Mas lalong hinigpitan ni Grae ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Yeah of course wag kang mag'alala dahil kasama mo ako Andrea" anito sa kanya. kayat ipinatag niya ang kalooban kahit na sobrang kabado siya dahil ito ang unang beses niyang makatuntong sa tahanan ng mga magulang nito. Ano kayang maging reaksyon ng pamilya ni Grae kapag nakita siya ng mga ito? tatanggapin kaya siya? o aayawan siya ng mayamang pamilya lalo na at wala pa syang naalala sa tunay na pinagmulan niya. "Come on, andito na tayo" wari sa kanya ng binata ipinasok nito sa malawak na garahi ang sasakyan. namangha siya sa paligid. Napaka laking bahay na halos salamin ang makikita mula sa labas. At sari-saring sasakyan ang nakaparada sa garahi na malamang ay pagmamay-ari din ng pamilya ni Grae. Iginiya sa nito sa loob. Hindi lingid sa binatang kasama niya ang kaba na kanyang nararamdaman. Ang kakaibang kabog ng kanyang dibdib na tila tinatambol sa lakas at maging ang kanyang paghakbang ay tila bumibigat na. Parang gusto niyang umatras , subalit wala na siyang magagawa pa. Hawak ni Grae ang kamay niya habang hinihila sya nito papasok sa napakalaking bahay. "Grae..you're almost late" untag sa kanila ng isang Ginang na puno ng mamahaling alahas ang katawan. napaka sopistikada nito tigann kahit na sa tantiya niya'y nasa 50's pa lamang. humalik si Grae sa Ginang at niyakap din nito ang binata. Sa malaking sala palang ay sinalubong na sila ng mga titig ng mga ito. alam niyang normal lamang iyon dahil bagong mukha siya sa naturang tahanan kaya napalunok siya ng laway ng bumaling ang mama ni Grae sa kanya. "And who is she? Grae,i guess meron kang dapat sabihin sa akin?" tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. halos mahimatay siya sa pagkakatitig ng mama ni Grae sa kanya. mas lalong kumabog ang dibdib niya ng maramdam ang dis-gusto ng ina nito sa isang katulad niya. "Ma,siya si Andrea, Girlfriend ko." komportableng wika nito. "Ohh really Son, di'mo naman sinabi sa'min sa wala na pala kayo ni marga." ngumiti ang ginang sa kanya,kaya gumanti narin sya ng ngiti kahit na napipilitan lamang sya. "Look, the dinner is ready. halika na kayo sa komedor Let's celebrate our 30th wedding anniversarry." Masiglang wika ng ginang. Humantong sila sa napakalaking mesa at naroon ang mga kapatid ni Grae. maging ang mga asawa ng mga ito na halatang may kaya rin sa buhay. at siya? Sya lang lang naman yata ang kakaiba sa lahat ng naroon. mala royalting pamilya na mayroon ang binata at siya isang babaeng napaka simple lamang niya ni wala siyang maipagmamalaki maski ang sarili na lamang niya. Nakaramdam siya ng pangmamaliit sa kanyang sarili. Ngunit ininda niya iyon alang-alang sa binata. pagkatapos nilang kumain ay agad siyang ipinasyal ni Grae sa loob ng malaking bahay, maging sa halamanan sa hardin ay dinala siya ng binata upang libangin ang kanyang sarili. kasalukuyang kausap ni Grae ang ama nito. At dalawang kapatid na lalaki. Napag-alaman niyang si Grae ang bunso sa apat na magkakapatid kaya pala malapit ang ina nito kay Grae. Inaliw na lamang niya ang sarili sa pagmamasid sa buong hardin. Habang nakaupo sa isang bench na naroon. "This place is so beautiful. right? ito ang paborito kong parte ng lugar sa bahay na 'to." Agad siyang napalingon sa babaeng nagsalita mula sa kanyang likuran. Ang mama iyon ni Grae. "Ah O-opo Ma'am..Sobrang ganda po ng hardin ninyo." Magalang niyang sagot, halos napako siya sa kinatatayuan dahil sa kaba. "You're right, at sa lahat ng anak ko ay si Grae ang pinakamalapit sa akin. kagaya ng mga imported na mga bulaklak na ito ang halaga ni Grae, kaya ayokong masayang at mapunta lang sa mga pipitsuging babae ang anak ko." diritsong wika nito sa kanya. Agad siyang nakaramdam ng pag iinsulto nito sa kanya. kahit hindi pa nito sabihin na sya ang tinutukoy nitong pipitsugin ay alam na niya. memorya lamang ng nakaraan ang nawala sa kanya at hindi ang t***k ng puso at pag iisip niya. Alam niyang minamata siya ng ginang subalit hindi na lamang sya umimik pa. "To tell you the truth miss-what's your name again?" baling nito sa kanya. "A-andrea po ma'am." Tipid niyang sagot kahit na kinakabahan siya. "Andrea",ulit nito at ngumiti pa sa kanya. "maganda ka at ang pangalan mo iha, pero mas maganda pag ngayon palang ay layuan mo na si Grae . May girlfriend na siya, sa katunayan niyan malapit ng ikasal yong dalawa, kaya kong ayaw mong masaktan ng tuluyan mas mabuti ng hiwalayan mo na ang anak ko." Mahabang litanya ng mama nito na mas lalong nagpanginig ng dalawang palad niya. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Subalit may bahid ng kirot sa kanyang dibdib ang bawat salita ng ginang para sa kanya. napayuko na lamang siya dahil medyo namamasa-masa na rin ang kanyang mga mata. Walang binanggit si Grae sa kanya tungkol sa babaeng pakakasalan ng binata. Agad rin namang umalis ang mama ni Grae ng makitang nitong pabalik na ang binata sa hardin. inaya na niya itong umuwi na sa condo kaya pumayag naman si Grae sa gusto niya. Pagkarating nila sa condo ay matamlay siyang napaupo sa sofa. Napa'isip siya na hindi na dapat pa na naririto siya sa unit ng binata. Kong may mapupuntahan lang sana siya ay matagal na siyang umalis sa piling ni Grae. Noong hindi pa niya isinuko ang pagkababae niya sa binatang hindi niya alam kong pananagutan siya. Lalaki si Grae at babae siya. Lalo nat nasa iisang condo sila malabong hindi siya ma attract sa binatang tumulong sa kanya. Likas na mabait si Grae at ramdam niya na mabuting tao ito. Subalit ngayon ay napatunayan na niya na langit ito na hindi niya kayang abutin. At siya ay maituturing na lupang tinatapakan lamang ni Grae. Nasa malalim na pag-iisip siya ng bigla siyang tabihan ni Grae at mahigpit siyang niyakap nito. Kasabay ng paghawak nito sa isang kamay niya. "napagod ka'ba?" baling nito sa kanya at marahan siyang tinitigan sa mga mata. "Grae, balak ko ng umalis sa dito." Wala sa sariling tugon niya sa binata nag-aalangan pa sya kong paano niya sasabihin iyon dahil malaki rin ang utang na loob niya sa binata. "Wait, What!? A-aalis ka? I-iiwan mo ako?" Agad itong sumeryuso at umupo paharap sa kanya. "Siguro sapat na ang dalawang buwan na pananaliti ko dito. mas lalo ka lang mahihirapan sa'kin pag andito ako." sambit niya ngunit niya makuhang titigan si Grae ng diritso. "Andrea No! hindi ako papayag na aalis ka, dito kalang!" Maawtoridad na saad nito. Mahigpit siya nitong niyakap. at sa pagkakataong ito ay ayaw na syang pakawalan pa ni Grae. Tulong lang ba talaga ang papel ni Grae sa kanya o napamahal na rin ito sa kanya kaya ayaw na siya nitong pakawalan pa?. Kanina lamang ay Girlfriend ang pakilala nito sa kanya. Wala sa usapan nila iyon. At hindi rin pormal na nanligaw ang binata sa kanya. Subalit ilang beses na ring me nangyari sa kanila. sa tuwing nakainom ito ay nakakalimutan ni Grae na wala silang relasyon subalit nahahantong parin sila sa kama. "Grae sapat na ang tulong na binigay mo sa'kin,kelangan ko ng hanapin ang sarili ko at hanapin ang pamilya ko. Ang totoong ako." aniya sa iritableng boses. Gusto niyang makilala kong sino sya at sino ang mga magulang niya. Dinig niya ang pagbuntong hininga ni Grae at sinubsob nito ang mukha sa dalawang palad nito. "I can't lived without you Andrea. ngayon ka'pa ba aalis kong kelan mahal na kita?" Iiwan mo ako dahil gusto mong maibalik ang mga alaala ng nakaraan mo". "A-andrea, pwedi naman tayong bumuo ng panibagong alaala mo na kasama ako. Wag mo lang akong iwan, di'ko kaya" sambit ni Grae sa kanya, hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mga luhang pilit nitong tinatago. Kusa itong dumadaloy mula sa mga mata ng binata at nakaramdam siya ng awa para dito. Lalo na ng sabihin ni Grae na mahal na sya nito. mahal rin naman niya si Grae. At ayaw rin niyang iwan ang binata subalit paano? alam niyang nyayon palang ay kontra na ang ina ni Grae sa kanya. Hinagkan niya at ito niyakap ganun din ito sa kaniya. mahal na mahal na niya ang binatang naging dahilan sana ng kamatayan niya subalit ito rin ang nagligtas sa buhay niya.subalit si Grae rin ang dahilan kong bakit hanggang ngayon ay wala parin siyang naaalala. Nagising siya isang Umaga na tila umuungol si Grae mula sa kama. agad niyang dinaluhong ang binatang namimilipit sa sakit habang hawak ang dibdib nito. "Grae! Grae!... anong nangyari sa'yo?" Taranta siyang nayakap sa binata at tinatanong ito. "Y-yong m-medicine kit paki-kuha Andrea" utal na sambit nito.agad naman niyang kinuha iyon mula sa drawer at binigay kay Grae ang gamot na hindi niya mawari kong ano ito. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang naging maayos na ang paghinga nito. Hinahaplos niya ang mukha ang binata at hindi niya napigil na mapaluha dahil sa tinatagong karamdaman ng binata. Isang Linggo pa ang nakalipas at nanatili parin siya sa piling ni Grae. Wala na siyang makitang dahilan upang iwan ito dahil takot siyang iwan ang binatang madalas ay sinusumpong ng kakaibang karamdaman nito. Subalit ngayon ay dalawang araw ng hindi umuuwi si Grae sa condo. Sinusubukan niyang tawagan ang binata subalit hindi iyon sinasagot ni Grae. Nagkaroon rin kasi sila ng tampuhan noong umalis ito dahil gusto niyang dalhin sa ospital si Grae subalit nagalit ito sa kanya at umalis papuntang opisina. kahapon ay nag-aalala siya ng husto kong bakit hindi umuuwi si Grae sa condo. At napag alaman niyang nasa bahay pala nila si Grae kasama ang pamilya nito. Ni hindi man lang sya tinawagan ni Grae upang makapag-usap sila ng maayos. maliit na bagay lang ang naging simula subalit ayaw siyang kausapin ng binata. napahikbi siya ng maalala ang bawat gabi na kasama niya si Grae. Mga gabing katabi niya ito sa pagtulog habang yakap-yakap siya nito. Isang dial pa uli ang ginawa niya habang hinahimas ang higaan ng binatang naging Laman ng isip at puso niya. "Please Grae, sagutin mo. Mahinang sambit niya sa sarili" Miss na miss na niya ito at kong maari lamang na puntahan niya si Grae sa bahay nito ay gagawin niya subalit nag-aalangan siya dahil sa ina nito. Nakailang dial uli siya subalit nagri-ring lamang iyon. hindi sinasagot ni Grae ang mga tawag niya. Wala siyang nagawa kondi ang ilapag ang hawak na telepono at humiga sa kama. iniisip niya na baka ayaw na ni Grae sa kanya kaya hindi na nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi na rin siya inuuwian ni Grae sa unit nito at mag-isa na lamang syang nakatira dito. nagdadalawang isip sya kong aalis ba siya o hindi. Paano kapag bumalik si Grae? Paano kapag kelangan pa pala siya ng binata at nagpapalamig lamang ito dahil sa tampuhan nilang dalawa. Naninibago siya kay Grae itong mga nakaraang araw. Ni ayaw sya nitong kausapin at lumalayo na rin ang loob nito sa kanya. Napagdesisyonan niyang hintayin na lamang ang pagbabalik ni Grae. Saka na lamang siya magpapaalam na aalis siya sa poder nito kapag kusa ng babalik ang binata sa sarili nitong condo. Dalawang araw pa uli ang nakalipas, ngunit hindi parin bumabalik si Grae. beses narin s'yang pabalik-balik sa opisina nito subalit walang Grae na humaharap sa kanya. nadesisyon siyang bumalik na lamang sa condo.mabibigat ang mga hakbang niya dulot ng pag'iwas sa kanya ni Grae. hindi niya alintana ang biglang pag rumagasa ng sasakyan na papalapit sa kinaroonan niya. Ang kaninang Lutang niyang isip dahil kay Grae ay biglang nanumbalik dahil sa sunod-sunod na pag busina ng kotseng nasa harapan niya. kasabay ng matinding pagsakit ng kanyang sentido kaya napaupo nalang.siya sa gitna ng daan habang ang dalawa niyang kamay ay nakahawak sa kanyang ulo. Kasalukuyang nag sisink'in sa utak niya ang mga nakaraan,hanggang sa naramdaman niya ang biglang pag ikot ng paningin niya. at bumalik sa isipan niya ang huling nangyari bago pa siya nabundol at nagkaroon ng amnesia. "Andrea! Stop it! bumalik ka dito hindi pa tayo tapos mag usap!" Matigas na sambit sa kanyang Ama. "No Dad! kong pipilitin mo akong ipakasal sa lalaking iyon, i'd better to leave this house!" Walang lingon siyang napatakbo sa labas ng malaking bahay nila. dinala sya ng kanyang mga paa sa isang madilim na lugar. malayo na iyon na bahay nila at hindi niya alam kong saan siya pupunta. Ang mahalaga ay mahihimasmasan siya sa tampong nararamdam para sa kanyang ama. "I hate you dad! i hate you! sambit niya habang tumutulo ang kanyang mga luha. parang naulit lamang ang kanina'y kirot sa dibdib na naramdaman niya. hindi nga siya nahagip ng kotseng bubundol sana sa kanya sa pangalawang pagkakataon subalit ang sama ng loob niya sa dibdib ay muling nabuhay ng bumalik sa ala-ala niya ang lahat at ang huling sagutan nila ng kanyang ama. gaya noon,lutang rin siyang tumawid sa daan habang nagpupunas ng mga luha. Galit siya sa ama niya dahil ipapakasal siya sa taong hindi pa niya nakikilala. subalit nong nasa kalagitnaan na siya ay biglang napadako ang isang silaw ng liwanag sa kanya. Isang kotse na napakabilis sa pagtakbo ang biglang bumundol sa kanya. Nakaramdam siya ng paghapdi sa kanyang noo at ang mainit na likidong tumatagas mula sa kanyang ulo ang s'yang dahilan upang mawalan siya ng malay. hanggang sa wala na siyang naalala. Tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman at hindi niya alam ang susunod na mga nangyayari. "Miss ano ba?! Hindi ka ba aalis dyan? O sasagasaan na kita!" iritabling sigaw ng lalaking nagmamaneho sa kotse. Agad siyang nahihimasmasan at tumabi sa daan pagkatapos siyang sigawan ng lalaking iyon. Ngayong malinaw na sa kanya ang lahat. at bumalik na ang lahat ng alaala niya ay kelangan na nga niyang lisanin ang condo ni Grae at bumalik sa tunay niyang tirahan kasama ang ama niya. Sa loob ng mahigit limang buwan niyang pananatili sa condo ni Grae ay alam niyang labis na niyang pinag-alala ang ama niya sa pag-aakalang naglayas siya at hindi na magpapakita. totoong masama ang loob niya sa kanyang ama. Subalit hindi niya ito matitiis lalo na ngayong matagal-tagal rin syang nawala at hindi niya ito nakakasama. Abangan sa susunod na kabanata ang pagbabalik ng dating si Andrea. magpapakita pa kaya sa kanya si Grea? Mahahanap pa kaya ni Grae si Andrea? O tuluyan na bang mauuwi sa panaginip ang pag-iibigan nila ng binata ngayong bumalik ang alaala ni Andrea. -??ℊℯ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD