??????? ????- ??? ??????
???????????? ?????? ?????
Bukas na ang gaganaping Engagement party ng nila ng anak ng kasosyo ng kanyang mga magulang. kahit sobrang labag iyon sa kalooban niya ay pinilit niya ang sarili na maging mahinahon lalo na ngayong makikita niya ang dating babaeng minahal niya kasama ang matanda na magiging byenan rin niya.
Damn! Kong may relasyon nga si Andrea at ang magigiing byenan niya ay posibleng magiging Step mom na niya ang dalagang minahal niya sa buong buhay niya.
"Shiiit! Usal niya habang malakas na hinampas ang manibela ng kanyang kotse. Kasulukuyan niyang binabaktas ang daan patungo sa opisina upang ayusin ang problemang nag aantay sa kanya.
"Gago ka kasi Grae you are worthless!" wari niya sa sarili habang pinipigil ang nagbabadyang damdamin na nadarama. gusto niyang sumigaw at magmura subalit huli na ang lahat.
Dahil sa kagaguhan niya ay naakit at naagaw ng iba ang babaeng mahal niya at gusto niyang makasama habang buhay.
"B-bakit Andrea! B-bakit mo nagawa sa akin to!" Himutok niyang sambit sa sarili pagka't sumidhing muli ang nararamdaman niyang kirot sa dibdib ng maalala ang ginawang pag iwan sa kanya nito. at ang masaklap pa ay nakuha nitong tanggapin ang perang pambayad kapalit ng pag'iwan sa kanya.
pagkarating sa opisina ay agad niyang hinarap ang angga trabaho niya. Bukas at makalawang araw ay magiging busy na sya pagka't aayusin na nila ng anak ng rea na iyon ang kanilang nalalapit na kasal.
Sunod-sunod ang pagpapawala niya ng malalim.na bunyong hininga pagka't ito na yata ang huling araw na malaya siya. Bukas bukas rinag iiba na ang ikot ng mundo kasama ang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala.
Sumalin siya ng alak at mabilis na nilagok iyon.
nagdadaog ang kanyang damdamin sa sama ng loob sa kanyang mga magulang ay dinagdagan pa iyon ni Andrea na hindi mawaglit sa isipan niya.
Pati na rin ang babaeng mapapangasawa.
"Grae you're drunk!?" Salubong ng kanyang ina sa maindoor ng makapasok siya. Nag'alala itong nakatitig sa kanya habang inalalayan sya ng yaya Lydia upang maka'upo sa sofa.
"No im not."tipid at malamig niyang tugon sa ina.
simula noong ipinagkasundo siya ng mga magulang ay bumukod siya ng condo. at bihira na oamang sya kong uuwi sa mismong tahanan nila.
But he suddenly look himself. Heto sya ngayon sa tahanan ng mga magulang. at wala na siyang magagawa sa lahat ng naging desisyon ng mga ito kundi ang sundin ang kagustuhan ng mga ito na pakasalan niya ang babaeng iyon.
"Grae. stop doing this okay?! Ilang araw ka ng ganyan at panay pa ang pag iinom mo. Look what you've done to your life Anak." balisang sambit ng kanyang ina. Bakas din sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kanya.
He took deep breath at muling tumayo. "I'm sorry Ma." he responded saka tuluyan ng umakyat sa kanyang silid.
Alas singko ng hapon ang usapan ng dalawang pamilya na magkikita sa isang exclusive resto.
Isang simplemg casual ang suot niya. Kabado siya habang naglalakad papasok sa loob ng resto na iyon kahit na kasama pa niya ang sariling ama.
Pagkarating sa loob ay halos uminit ang mukha niya ng makita ang pamilya ni Grae sa isang table na nasa loob niyon.
"Dad,why we're here?" mahina niyang sambit sa ama at kitang kita niya ang pagkagulat ng pamilya ni Grae ng makita siya.
Mainit ang pagtanggap ng mga ito sa ama niya habang si Grae naman ay halos ayaw kumurap sa pagkakatitig sa kanya. Kitang kita rin niya ang pagkabilog ng mga mata ng ina ni Grae ng makita sya nitong kasama ang Papa niya.
"Alam na niya ang nasa isip ng ginang basi sa mga titig na ipinukol nito sa kanya. Siguro ay iniisip nitong kumapit siya sa patalim upang umangat siya dahil sa pag-aakala nitong isa siyang hampas lupa na inaalipusta nito noon.
mga pekeng ngiti ang iginawad nito sa kanya. at sa harapan mismo ng kanyang ama ilang sandali pa'y iginiya sya nito sa isang bakanteng upuan.
Nababalisa siya habang kaharap si Grae sa mesa.
Mataman niyang tinitigan ang ama at sa isip niya'y hindi sya mapapakali sa kaniyang nalaman.
"S-si Grae?" S-siya ang lalaking P-pakakasalan ko"? Saisip niya. kong alam lamang niya na si Grae ang inirereto sa kanya ng Papa niya edi sanay hindi na sya pumunta.
"Kumpadre"..masayang bungad ng ama ni Grae sa papa niya kasabay niyon ang pagdaop palad ng dalawang haligi ng tahanan at isang matamis na ngiti naman ang iginawad ng ina ni Grae.
"So where's your daughter at para masimulan na natin ang dapat nating pag-uusapan." Wika ng ina ni Grae at lumingon-lingon pa upang hanapin siya.
"She's here." Casual na wika ng ama niya.
Please meet my only one daughter "Rea Devilla."
paglalahad ng ama niya kasabay pagkakatitig ng lahat sa kanya maging si Grae na nasa harapan niya.
"A-anak mo ang babaeng ito K-kumpadre?" Halos hindi makapaniwalang saad ng ginang at bakas sa pagmumukha nito ang pagkagulat. Nag aalangan pa itong ngumiti o madidismaya parin ba ito sa kaniya ngayong nalaman na nito ang katauhan niya.
"Of course Kumare." Limang buwan na nawala sa'kin itong anak ko at napunta siya sa taong hindi inakala na tutulungan siya. I was very thankful dahil ligtas at maayos ang anak ko kahit matagal siyamg nagkaroon ng amnesia. and she told me everything.. ang totoo ayaw niyang magpakasal sa- sa anak niyo kaya sya umalis ng bahay.
"Oh Grae, hindi mo man lang ba kakausapin ang magiging fiancee mo?" Baling ng dad niya sa binata.
Subalit kapwa natahimik silang dalawa at parang ipinako ang sarili sa Mismong upuan.
Ang lalaking una niyang minahal at nang iwan sa kaniya pala ang magiging asawa niya. hindi pa niya nakakalimutan ang salitang iginawad sa kanya ng ina nito. at hanggang ngayon ay nananatili parin itong nakatatak sa isip at puso niya.
Wala na siyang naging imik sa naging usapan ng kanilang mga magulang 3days to nalang e ikakasal na sila ni Grae at batid rin niyang labis ang pagsisisi ng ina ng binata sa ginawa nito sa kanya.
Subalit naging sarado pa ang isip at puso niya sa lahat ng mga nangyayari.
Ramdan niya ang saya ni Grae sa tuwing kasama niya ito.labis itong nagalak dahil sa wakas ay wala ng hahadlang sa kanilang dalawa. Subalit ngayong bumalik na nga ang lahat ng alaala niya ay ibang Andrea naman nakilala nito sa katauhan niya.
Ang dating Andrea na tahimik at walang emosyon.
sinusunod na lamang niya ang kagustuhan ng ama
subalit may iba pa syang plano bukod sa pagpakasal kay Grae.
"Babe bukas na ang Kasal natin. sa wakas magiging asawa na kita. mahal na mahal kita Andrea." Masiglang turan nito habang mahigpit nitong hinahawakan ang kamay niya.
wala siyang naging tugon sa binata. Ni hindi niya ito makuhang titigan sa mga mata.
bumabalik lamang sa isipan niya ang lahat ng nakaraan nila sa condo ni Grae. Ang mga masayang alaala ang init ng halikan at mga yakap nito bago siya iniwang mag'isa.
nasa park sila ngayon at utos ng papa niya na kilalanin muna si Grae. at ibuhos lahat ng atensyon niya sa binata bago sila humantong sa harap ng altar. kilalanin raw muna nila ang isat-isa upang gayon mas maging panatag ang kaooban nila marahil ay baka nga tuluyan pa silang mahulog sa isat-isa.
"Kilalanin?" pagak siyang napatawa sa tinuran ng ama. Palibhasa hindi nito alam ang tunay na nangyari at kong sino talaga si Grae sa buhay niya.
mapait ang ngiting iginawad niya sa ama at kasabay no'n ang iilang butil ng mga luha na kusang nalalalagan galing sa mga mata niya.
Pilit niya iyong ikinubli subalit huli na dahil nakita na iyon ng papa niya.
"Rea, may dapat ba akong malaman?" Wika nito na may halong pag-alala sa boses ng ama.
Agad siyang napayakap dito at tuluyan na nga bumagsak ang mga luha niya.
Ipinagtapat na niya ang lahat-lahat sa ama at ang sakit na nakatago sa puso niya dulot ng pag'iwan ni Grae sa kaniya.
Sa pagkakataong ito ay labis ramdam niya ang simpatiya ng ama. inalo nito ang kaniyang damdamin at pinapili siya sa magiging desisyon niya ngayong may karapatan naman siyang mamili.
"Its okay iha.. Now tell me anong balak mo gawin?"untag ng ama bagama't dismayado ito s pamilya ng pinakaglatiwalaan niya sa anak ay hindi parin maalis sa loob nito ang kagustuhan na si Grae ang mapapangasawa niya.
"What! No way!" malakas na sambit ni Grae habang kausap sa telepeno ang abogado ng mga Devilla.
"Umalis na kaninang umaga si Andrea at bumalik na ito sa states.binawi na rin ng ama ni Ms.Rea Devilla ang Fix marriage na kasunduan ng inyong pamilya. Mr.Grae Sarmiento." Casual na pahayag ng attorney.
"Shiit! she can't do this to me attorney! hindi niya ako pwedi iwan ng ganto sa ere!" irritable niyang tugon at nasapo na noo dahil sa naging desisyon ng kabilang panig.
I'm really Sorry about this Grae its all done." tanging nasambit ng attorny mula sa kabilang linya.
"B-bakit Andrea..?" Usal niya at mabilis na pinaandar ang kotse.
pupuntahan niya ito sa Airport. Baka sakaling maabutan pa niya ito. Hindi pweding mawala uli sa kaniya ang babaeng pinakamamahal niya. "Hindi!.
Ilang ulit pa niyang nahampas ang manibela dahil sa traffic. talagang iritable na siya at kahit ano mang paraan ay gagawin niya upang wag lamang makawala sa kaniya si Andrea.
Minsan na niya itong nasaktan. Alam niya iyon.
Ramdam niya ang paglayo nito sa kaniya at ang malamig na pakikitungo ng dalaga sa kaniya na tila ay wala silang nakaraan at hindi siya nito kilala.
"Kasalanan mo ito Grae! Kasalanan mo!"paninisi niya sa sarili.
Nagsisisi siya kong bakit siya naniwala sa mga pagbibintang ng ina niya kay Andrea. Kong bakit sya nagpadala sa mga masasakit na salita nito para sa dalaga.
Pagkaratin niya sa airport ay wala na siyang naabutan pa. late siya ng 10 minutes at ang eroplanong sinakyan ni Andrea ay nakalipad na patungong US.
Mas lalo siyang nanlumo sa tuluyang pag atras ni Andrea sa kasal nila. Sa pag iwan nito sakanya.
Buong araw at gabi niyang nilulunod sa alak ang sarili. Ayaw niyang umuwi sa tahanan nila. Ayaw niyang makasama ang inang naging dahila ng pagkawala ng babaeng mahal niya.
Mas mabuting umiwas nalang muna siya. pagkauwi niya galing sa kong saan ay sa condo siya natutulog.
alam niyangSa loob ng isang linggo ay puro paglalakwatsa sa kong saan-saan anv kaniyang naging trabaho.ni hindi na sya nag oopisina dahil nahihiya siyang pagtawanan ng mga trabahante na ang isang Grae Sarmiento ay tinakbuhan ng isang babae sa kasal nila.
Ngayon ay lunod muli siya sa alak. Katabi ang mga boteng walang laman at nakahandusay sa pader ng condo niya.
Alam niyang labis na nag-aalala ang pamilya niya subalit wala na siyang paki-alam. Kong mamamatay siya sa sanhi ng alcohol sa katawan niya ay tatanggapin niya.
"Grae! Anak..wag mong sirain ang sarili mo.
wag mo sisihin ang sarili mo sa lahat dahil ako. Ako ang may kasalanan ng lahat kaya please stop this Grae..." sumamo ng ina niya at kita rin niya ang mga luha nitong nagsilandasan dahil sa pagsisisi na mga nagawa.
Wala siyang naging tugon. Ayaw niyang magsalita sapat na ang mga bagay na ipinapakita niya upang malaman ng pamilya niya na hindi lamang siya lugmok dahil sa pagkawala ni Andrea. Kondi nais na niyang mawala sa mundo upang takasan ang mga mali niyang nagawa.
Paglipas ng isang buwan ay ibang Grae na ang kaniyang nakikita. ibang-iba sa dating Grae na pinagpapantasyan ng mga babae sa opisina noon.
kong dati ay sa condo siya nakatira ngayon naman ay nasa isang pribadong ospital na.
Naapektuhan ang kaniyang operasyon noong una dahil sa dami ng alcohol sa katawan niya.
"He need to refer sa isang malaking ospital kelagan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon." Wika ng doktor niya.
Subalit nagmamatigas siya. Kong tutuosin ay kaya naman ng pamliya niya kahit sa ibang bansa pa sya magpapagamot,
"You haved to Grae! Sa ayaw at sa gusto mo magpapagamot ka!" Maawtoridad na sambit ng ina niya.
Ilang linggo pa ang nakalipas at bumabalik na rin sa dati ang katawan niya.
nagkaayos narin sila ng ina niya at nangako ito na hinding'hindi na nito uulitin ang lahat.
"Sundan mo siya anak. You need to win her back." iyon ang tumatak sa isipan niya. ang kagustuhan ng ina at ng magulang nila na bumalik sa kaniya si Andrea at matuloy ang naudlot na kasalan nilang dalawa.
~1 WEEK LATER
Masakit man sa kalooban niya ngunit kelangan niyang tiisin ang pagsusumamo ng babaeng naka piring ang mga mata. nakatali naman sa bandang likuran ang dalawang kamay nito habang lulan sila sa loob ng isang puting van.
"Let me go! Parang awa nyo na pakawalan nyo ako!" Sigaw nito at patuloy parin sa pagpupumiglas habang nasa loob ng van.
Ni ayaw niya itong titigan. Gustong gusto na niya itong kalagan subalit pagkakataong ito ay mas nanaig ang takot niya na baka muli itong matakas mula sa kaniya.
"No! Hindi pwedi." Aniya sa sarili,hinayaan na lamang niya ito at binaling ang atensyon sa labas ng bintana. habang tinatahak ang daan patungo sa lugar kong saan niya ito dadalhin.
Pagkarating nila ay halos mangiyak-ngiyak na ito sa pagmamakaawa na pakawalan sya dahil sa pag-aakala nitong kinidnap ito kapalit ang malaking halaga.
"Please Let me go! Parang awa nyo na!" Sumamo nito. base sa boses nito ay alam na niyang umiiyak na ang babaeng kinidnap niya.
siya naman ay halos di'na mapigilan ang sarili na lapitan ang dalaga. Upang iparamdam lamang na safe ito sa kaniya.
Alas sais ng hapon at tamang-tama ang oras na kakalagaan na niya ito mula sa pagkakatali.
marahan niya itong isinandal sa kama at dahan-dahan niyang tinaggal ang mga tali sa kamay ng dalaga pati narin ang piring nito sa mga mata.
Ngayon ay handa na siyang tanggapin ang mga panunumbat nito sa kaniya. Agad syang sumandal sa pader. Ng makitang gising na ito at wala na ang taling nakagapos sa mga kamay ng dalaga.
"Missed me?" sarkastikong bungad niya sa kakagising lamang na si Andrea.
"G-grae!" I-ikaw? A-andito kaba para iligtas ako? S-salamat Grae!" Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Napasinghap na lamang siya dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Akala nito ay ililigtas siya subalit mali ito ng iniisip.
"H-halika kana Grae! Tumakas na tayo dito." Sambit nito at hinila pa sya.
"Sabi ko na nga ba at tatakasan mo ako eh.
Hindi ka pweding umalis Andrea. Hindi mo'ko pweding takasan." Aniya habang hinila pabalik ang dalaga at mahigpit nya itong ikinulong sa mga bisig niya.
"W-what do you M-mean?" sumirko ang mga kilay nito at tinitigan siya sa mga mata. "I-kaw ang mastermind sa lahat ng ito ganun ba?!" Pinaghahampas siya nito sa dibdib at nagpupumiglas nito mula sa mga bisig niya.
"Yeah ako nga. at simula ngayon hindi kana makakatakas pa sa'kin. Dahil sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sa'kin. Kaswal niyang tugon habang hinila si Andrea sa kama.
"A-anong gagawin mo sakin?! pagsisigaw nito.
"Wag ka ngang maingay, baka magising ang Papa mo sa kabilang kwarto pati na ang mga magulang ko dahil sa kakasigaw mo!" Asik niya.
Hindi nga pala alam ng dalaga na kasama niyang umalis ng bansa ang pamilya nilang dalawa at dito na rin sila magpapakasal.
may bahay rin sila sa america at hindi iyon alam ng dalaga kaya madali para sa kanya ang kidnapin ito upang makasama hanggat kailan niya gusto.
Inilibot ito ang mga mata at lumabas ng silid.
hinayaan na lamang niya ito at pagdaka'y sinundan sa sala.
"Oh Andrea, bat gising pa kayong dalawa ni Grae?"
Anang papa nito na kampanteng nakaupo sa sala kasama ang buong pamilya nila.
"Dad! You planned all of this?" Wari pa nito at mayamaya pa'y bumaling sa kaniya.
Subalit walang naging tugon ang ama niya at sa halip ay ngumiti lamang ito sa anak.
"Grae sige na ikaw na ang bahala sa anak ko.
total ikakasal na naman kayo bukas." Nakangiting saad ng ama nito sa kaniya at hinila na niya si Andrea pabalik sa kanilang silid.
Wala na itong nagawa pa kondi ang sumunod dahil wala na itong kawala pa sa kaniya.
"Grae, bakit mo ginagawa ito?" Pagkaraan ay baling sa kaniya ni Andrea habang nasa gilid ito ng kama. May malaking unan na nakaharang sa pagitan nila ngunit inalis niya iyon upang mas lalo siyang mapalapit sa dalaga.
"Because iloveyou andrea. This time i don't wanna lose you again. I'm sorry kong kinidnap kita." He whispered then he started hugged her from the back.
"Grae hindi-
"Hindi mo kayang magpakasal sa'kin? Andrea look. hindi na ito dahil sa fix marriage lang..mahal natin ang isat-isa kaya tayo magpapakasal babe.
Please do accept me again." mahinang sambit niya.
"Grae?" Tumititig ito sa mga mata niya.
"Bakit? dahil ayaw mo na sa'kin Andrea? Di' mo na ba ako mahal? Please tell me!" sumamo niya.
"I'm so sorry Grae." wari nito at agad na yumakap sa kanya. alam niya ang ibig sabihin nito.
Ang bawat pagpatak ng mga luha nito ay syang saksi ng pag-ibig nito sa kanya.
Ramdam niya ang ang bawat pintig ng puso nito.
bagamat hindi man nawawala ang kaba nito at takot sa kanilang nakaraan ay
buong puso niyang pinaparamdam na safe ito sa kanya at walang sino man ang hahadlang sa kanilang dalawa.
Ngayong kapwa na sila tanggap ng mga magulang nila ay wala ay dahilan upang mudlot ang kanilang pagpapakasal at pagsasama.
Ngayong araw ang kasal nila at buo puso siyang nagpapasalamat sa ama nito na tumulong sa kaniya upang mahanap si Andrea.
Abot langit ang mga nginit niya habang pinagmamasdan ang babaeng naglalakad pataungo sa kinaroroonan niya.
YOU MAY NOW KISSED THE BRIDE!
halos nabingi siya sa lakas ng t***k ng kaniyang puso habang hawak ang kamay ng babaeng dati ay pinangarap lang niya.
"This day magiging mrs.Sarmiento kana." Pilyo niyang saad sa asawa na walang iba kondi si Andrea.
isang matamis na ngiti naman ang isinukli nito sa kaniya bago niya inagkin ang mga labi nito at buong pusong pinagsaluhan ang bawat samdali na kanilang pagsasama.
--WAKAS--
Maraming salamat po sa pag-aabang sa kwentong ito.maraming salamat din po buong pusong pag suporta sa mga akda ko.avisalah!
-?????? ?????