Chapter 14 – Fractures and Flames

860 Words
Vincent’s POV The silence inside the car was deafening. Nasa passenger seat si Ysabelle, yakap ang sarili, habang ako naman ay tahimik na nakapako ang tingin sa daan. Ilang oras na rin kaming nagmamaneho mula Office pabalik ng Apartment ni Ysabelle, pero kahit gaano ka-ganda ang view sa labas, hindi nito kayang tabunan ang bigat na bumalot sa pagitan namin. "Vincent..." she finally broke the silence. Mahina, halos pabulong. "Thank you for not walking away." Hindi agad ako sumagot. Ang daming gustong sumabog sa dibdib ko. Galit. Lungkot. Gulat. Pero sa lahat ng emosyon, isa lang ang nangingibabaw — pagkabahala sa kanya. "I’m not walking away," I said, my voice low but firm. "Pero hindi ibig sabihin na madali 'to para sa’kin." Nilingon ko siya saglit. She looked fragile, pale. Halatang pagod sa emosyonal na bagyong pinagdadaanan naming dalawa. At mas lalo pa akong nasasaktan sa bawat patak ng luha sa gilid ng mata niya na pilit niyang pinupunasan. "Yza," I said habang pinapark ang sasakyan sa gilid ng daan. "I need to ask you something. At gusto ko ng totoo." Tumango siya. "Go ahead." "Did you know?" I asked. "Did you know na si Ernesto Aguirre, ang scammer na winasak ang negosyo ng pamilya ko... siya ang tatay mo?" Nanlaki ang mata niya. "No! Vincent, no! Kung alam ko lang, hindi na sana ako nagpakita sa kompanya mo. Hindi ako magsisinungaling sayo." Nakita ko ang katotohanan sa mga mata niya. She was scared, but she wasn’t lying. And somehow, that gave me a small sliver of peace. "Then bakit ngayon mo lang sinabi na buntis ka?" I asked. This time, ang tono ko ay hindi na malamig kundi puno na ng paghihinanakit. Napayuko siya. "I was scared. Hindi ko rin alam sa una, and nung nalaman ko, naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo, lalo na nang malaman kong ikaw ang CEO. At mas lalo pang naging mahirap nung unti-unti kong nalaman kung sino ka sa buhay ng papa ko." "Yza, sana kahit man lang sa parte ng bata, sinabi mo na agad." Tumulo ang luha niya pero hindi siya nagsalita. She knew I was right. Humugot ako ng malalim na hininga. "You know what's crazy? I should be angry. Galit na galit. Pero sa halip, all I can think about is… paano kita poprotektahan. Paano kita maaalagaan habang buntis ka." Napatingin siya sa akin. Gulat, lungkot, at pag-asa sa mga mata niya. "Vincent…" she whispered. "You still want to be involved?" "Of course," sagot ko agad. "That child... is part of me. Part of us. And I won’t let our past dictate our future." Ysabelle’s POV Hindi ko alam kung paano ako nabubuhay sa mga panahong ‘to. Ang dami kong kasalanan kay Vincent, alam ko yun. Pero sa kabila ng lahat, pinipili pa rin niya akong intindihin. At sa bawat pag-uunat ng kamay niya para sa akin, mas lalo akong bumabagsak sa guilt at pagmamahal. Pagkarating namin sa apartment, tahimik ko siyang inanyayahan pumasok. Si Sofie ay nasa trabaho pa kaya kami lang dalawa ang nasa unit. Tahimik naming hinarap ang isa’t isa sa kusina. Hawak ko ang tasa ng gatas, siya naman ay tahimik na nakaupo sa dining table. “Yza,” he said, breaking the silence. “What exactly happened with your father? Kailangan ko ng buong katotohanan.” Tumango ako. I owed him that. “After what happened to your family, si Papa ay lumipat sa ibang probinsya. Hindi ko alam ang buong detalye noon kasi bata pa ako, pero mula noon, naging mailap na siya. He kept secrets. Sinasabihan kami ni Mama na huwag na lang magtanong.” Huminga ako nang malalim. “Lumaki akong confused, Vincent. I knew may tinatago siya, pero hindi ko alam na ganon kabigat. Hanggang sa unti-unting nabaliw si Mama sa stress, sa pressure, sa mga demand letters, sa mga taong sinisingil kami. And one day… she just collapsed. Na-stroke.” Hindi ko na napigilang umiyak. “She died hating him. And I grew up... trying not to.” Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. “I’m sorry you had to go through that.” Napatingin ako sa kanya. “And I’m sorry that the man who destroyed your family... is also my father.” “Hindi ikaw si Ernesto,” sagot niya. “At hindi rin kasalanan ng baby natin ang kasalanan niya. We’re not them, Ysabelle.” “Pero paano kung bumalik siya? What if he comes back and destroys us too?” “Then we fight,” he said, gently placing a hand on my belly. “We fight together.” Meanwhile: Celeste’s POV Nakatayo ako sa hallway ng 28th floor ng Mondragon Tower, hawak ang phone at pilit kinakalmang sarili. “I want answers, now,” I hissed sa kabilang linya. “I heard Vincent Mondragon is seeing someone. A girl from Finance. Ysabelle Aguirre.” “Ma’am, I’ll do more digging, pero may naririnig akong buntis daw ‘yung babae.” “Buntis?” Kumunot ang noo ko. “That can’t be.” Ngumisi ako ng masama. "Well then… this just got interesting." End of Chapter 14
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD