Chapter 9 – Tangled Emotions

1061 Words
Ysabelle's POV “Yza, gising ka pa ba?” Naramdaman kong gumalaw ang kama. Si Sofie ‘yon, ramdam ko ang pag-aalala niya kahit pa madilim ang kwarto. “Hindi ako makatulog,” bulong ko habang nakatalukbong sa kumot. “Ang bigat sa dibdib, Sof.” “Iniisip mo pa rin ‘yung nangyari sa office?” “Hindi lang ‘yon…” Napalunok ako. “Si Vincent… he already knows na ako ‘yung babae. I saw it in his eyes.” “Sure ka?” Kumalabog ang kama habang umusog siya palapit. “Yung tingin na parang—‘ikaw nga’? Ganern?” Tumango ako kahit nakatalikod. “At binuhat niya pa ako. To the clinic. Gusto ko ngang matunaw na lang nung time na ‘yon. I mean, sino bang boss ang magdadala ng empleyado sa clinic nang personal?” “Yung boss na may something sa’yo,” sabi ni Sofie sabay soft punch sa braso ko. Napatawa ako ng bahagya, pero mabilis ding nawala ‘yon. “Hindi ito biro, Sof. I'm carrying his baby. And I’m not even sure how to tell him.” Tahimik kami ng ilang segundo. The air was heavy with fear and uncertainty. “Kung ayaw niyang panindigan, okay lang,” dagdag ko. “Tatanggapin ko. Basta masabi ko lang. Hindi ko kayang itago ‘to habang buhay.” “Pero paano kung galit siya? Paano kung…” “...Paano kung itakwil niya kami?” Napatitig ako sa kisame kahit madilim. That possibility? It scared the hell out of me. Sa Office – Three Days Later Mula nang bumalik ako sa trabaho, parang laging may mabigat sa dibdib ko. Hindi dahil sa trabaho. Kundi dahil sa mga mata ni Vincent na palaging tila sinusundan ako. Hindi na siya ‘yung cold, unreadable CEO na parang hindi ako kilala. Ngayon? May tension. Hindi ko lang alam kung anong klaseng tension. “Miss Aguirre, si Sir Vincent daw po ang mag-a-approve nitong financial summary,” sabi ni Mark, isa sa mga teammates ko. “Pwede mo bang dalhin sa office niya mamaya?” Napalunok ako. “Ako talaga?” “Eh sabi ni Miss Liza, ikaw daw ang humawak ng account na ‘to. Deadline na kasi.” Wala na akong choice. Vincent’s Office Hawak ko ang folder habang nakatayo sa harap ng office niya. Huminga ako nang malalim bago kumatok. “Come in,” malamig na boses niya, as usual. Pagpasok ko, nakaayos siya sa swivel chair niya, reading something on his screen. The moment he looked up — our eyes met. “Miss Aguirre,” sabi niya, slow and careful. “Have a seat.” Parang kinuryente ang katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa hiya, kaba, o simpleng presence niya. “Here’s the summary po,” sabi ko, inabot ang folder. “For your approval.” Tahimik siya habang binubuksan ang folder. His fingers grazed mine — parang sinadya, o baka naman imagination ko lang. “Thank you,” he said, but didn’t open it right away. “How are you feeling?” Napatingin ako. “Po?” “Nung nahimatay ka… are you okay now?” “Y-Yes po,” napayuko ako. “Sorry for the trouble. I didn’t mean—” “You don’t have to say sorry,” putol niya. “I’m glad I was there.” Glad I was there. Those words echoed in my head. Anong ibig sabihin nun? Tahimik ulit. Parang may gusto pa siyang sabihin, pero pinipigilan niya. “Is there anything else you’d like to tell me, Ysabelle?” Bigla akong napatigil. Ito na ba? Sasabihin ko na ba? Pero parang nanigas ang dila ko. My hand instinctively moved to my belly — tiny and almost invisible bump under my blouse. “W-Wala po. Yun lang po,” sabi ko sabay tayo. “Thank you po.” “Ysabelle—” tawag niya, pero huli na. Lumabas na ako ng office niya. At paglabas ko, bumungad si Celeste. She looked me from head to toe, then fake smile. “Wow. Busy ka lately with the boss, ha?” Walang kibo akong dumaan sa kanya. I don’t have the energy to deal with her. Not today. That Night – Sofie’s POV Pag-uwi ni Yza, bagsak agad siya sa kama. Tulala. “Girl, mukha kang sinampal ng limang reality check,” biro ko, pero alam kong hindi ito panahon para mag-joke. “He asked me kung may gusto akong sabihin,” bulong niya. “Oooh?” Nilapitan ko siya. “E anong sabi mo?” “Wala.” “Yza naman!” Napahiga ako sa kama. “This is your chance!” “I choked, Sof. Hindi ko kaya. He was looking at me like… like he already knows something pero gusto niyang hintayin akong umamin.” “Eh ‘di umamin ka na sana!” “Hindi ko alam kung ready na siya. O ako ang hindi pa ready.” Tahimik kami pareho. “Girl…” lumapit ako at niyakap siya. “Don’t wait too long. Alam mo ‘yan. Secret baby plots are fun in stories pero IRL? Nakakasakit sa damdamin.” Napatawa siya kahit papaano. “Hindi ko nga alam kung paano ko ‘to itatawid, eh.” Meanwhile – Vincent’s POV “She was holding her stomach.” Vincent leaned back on the couch in his penthouse, whiskey in hand. Ysabelle’s face kept replaying in his mind. Yung itsura niya nung araw na nahimatay siya. Yung paano siya sumandal sa dibdib niya nung binuhat niya papunta sa clinic. Yung tingin ng mata niya kanina — parang may gustong sabihin. Then the way she clutched her stomach unconsciously. Was it just coincidence? Or... “Vincent, gusto mo ng dinner?” tanong ni Celeste na biglang sumulpot. “I’m not hungry.” “You haven’t eaten anything since this morning. Are you okay?” Lumapit siya at umupo sa tabi niya. “You seem... distant lately.” “I’ve been thinking,” sagot niya. “About something important.” “Work?” tanong ni Celeste, may bahid ng selos sa boses. “No.” Then stood up and walked toward the window. Looking out at the city lights, he whispered to himself: “If she’s carrying my child… I need to know. I need to be sure.” End of Chapter 9
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD