GEN'S POV
UGH! Ang kirot.
Naiinis na hinubad ko ang 2 inches na stiletto at minasahe ang mga daliri kong namumula at may paltos pa.
First week ko pa lang bilang royal aide pero ayaw ng makisama ng mga paa ko. How on earth did I think na magiging tenured employee ako ng crown? Ugh. Isa pa naman sa requirement ang araw-araw na pag ssusuot ng heels.
I'm one of the girls that love their sneakers and flats to death over the treacherous thing called stiletto. But now I don't have a choice. Kailangan sanayin ko ang sarili ko sa pag susuot nito. Ilang paltos pa, mamananhid at masasanay din ako.Bakit kasi di pwedeng mag tsinelas pag nasa loob ng communications office eh?Asar.
"You'll get used to it."
Napa-angat ako mula sa pag kakayuko. Ang naka ngiting mukha ni Kenneth ang nakita ko. He's one of the cute senior royal aides working for Press Relations department. Plus, pinsan din siya ng ka-dorm namin ni Donna na si Maddie.
"Speaking from experience?" biro ko rito na sinukliaan niya nang malakas na tawa.
"No. Kahit gustohin ko di bagay sa kin and babagsak ang takong niyan," nakangising inangat nito ang kaliwang braso sabay flex. "Di kakayanin ang muscles ko."
May point siya sa muscle comment niya. Maganda naman talaga ang katawan nito. Based on his specs, I know he's one of those gym buffs but on a leaner side. Hindi iyong bato-bato 'ika nga.
May pagka mestizo ito at mga 5'8 ang height. Siya 'yung tipong boy next door ang dating. Ipinakilala eto sa ‘min ni Maddie ang isa sa mga bago naming roommate ni Donna. Magpinsan ang dalawa at ganang nauna si Kenneth sa palasyo, siya ang naging awtomatiko naming tour guide sa loob ng palasyo. He’s kind enough to lend us around the employees building at dahil sadyang mabait, naging ka-close ko na rin ito kahit paano.
"You can try Louboutin,mas matibay yun for sure."
"I'll try that. By the way, I have a bandaid on my table,let me get them para mailagay mo diyan sa paltos mo."
"Don't bother na may dala kong isang box," nakangiti kong sabi sa kanya at isinuot na ang sapatos ko. "It's a ladies must have."
Tahimik itong tumango pero biglang naagaw ng papalapit na mga kasamahan namin ang atensiyon naming dalawa. Isa sa mga ito si Olive ang kaibigan at roommate namin ni Donna.
“OMG! Have you seen Twitter?” Tanong nito sa tatlong kasama’t huminto sa tapat namin.
“Nope. What’s with Twitter ba?”
“It’s on fire,” Olive said then waved her hands in my direction.
I akwardly waved back but my mind was racing through her comment. Kinabahan ako lalo pa nang makita kong mapailing ang dalawa sa kasama ni Olive na agaya ko’y baguhan lang din sa trabaho.
“Damn. Not again,” Kenneth muttered while holding his phone.
Part ng trabaho namin sa palacio ay ang maging updated sa social media lalo na kung may kinalaman iyon sa royal family. Every sss post, i********: hashtags and tweets was carefully examined by our department. Kami rin ang responsible sa mga impormasyon na mababasa ng madla. To say that we’re updated 24/7 isa quite an undestatement.
“Why?”
Bilang sagot, inabot nito sa ‘kibn ang cellphone at maging ako’y muntik mapamura nang makita ang larawan sa screen.
"Prince Lazlo and Prince Lachlan were both spotted partying last night. That was posted ten minutes ago.”
"This is bad," dinig kong wika ni Olive.
"They're supposed to be in Switzerland,” kunot ang noong komento ko. Nag aaral pa kasi ang dalawang prinsipe sa Institut Le Rosse, the famous boarding school for Royals around the world.
"Yes. Pero mukhang na-bored na naman ang dalawa’t naisipang mag cutting,” ani Kenneth na ikinasipol ko.
“Hashtag bagot.”
"People keep tagging the official account of the Royal Family, look oh…” sabi ng isa sa mga kasama ni Olive and read those tweets aloud.
Naiiling na kinuha ni Kennethb ang telepono mula sa ‘kin.
"Number 1 trending hashtag for today #RebelsatRevel.”
"Weew!i like the hashtag though," puri ni Olive matapos marinig ang sinabi ng kasama.
Napangiti ako bilang piping pag sang-ayon. Ang witty nga ng nakaisip noon.
“Lagi ba silang ganito?” Hindi ko napigilan na itanong sa binata though may ideya nako but still, ilan bang eskandalo ng dalawa ang itinago ng hari’t reyna sa publiko? My guess is countless.
“You have no idea. Here comes the damage control team.”
Sinundan ko ang hinahayon ng mga mata nito and true enough I saw one of our bosses walking inside the office with his no-one-can-f**k-with-me face.
"Ginoo at Binibini," anito sabay pumalakpak.
Bigla kaming nagkatinginan ni Kenneth habang ang iba naming kasama sa communications room ay natigilan din at natuon ang atensiyon sa bagong dating.
"I want all of you at the control room 2 in 10 minutes. Chop,chop!" at tumalikod na ito.
"Emergency meeting," bulong ni Kenneth sa ‘kin na tinanguan ko lang.
Kanina lang ay normal ang maghapon anmin pero dahil sa scandal na hatid ng dalawang gwapo at ubod ng pasaway na mga prinsipe’y taranta ang buong Communications and Informations department. Hula ko maging ang ibang departamento sa palasyo’y apektado.
Royal bad boys through and through.
The king and queen must be furious right now or is it the crown prince since their grandparents was now on tour. Siguro’y salubong na naman ang kilay ni Prince Liam habang binasabasa ang ginawa ng kapatid at pinsan. Bigla akong nakaramdam ng kilig nang maalala ang mukha ng prinsipe pero agad ko ding pinalis ‘yon. This stupid crush that I have for him will be the death of me. Mahigit isang linggo na ang nakakalipas simula ng magkaharap kaming dalawa na ipinagpasalamat ko. Kapag kasi nariyang si Kamahalan, nawawala ako sa wisyo.
"Mukhang naka code yellow tayo. Let's go," pukaw ni Kenneth sa ‘kin.
Yellow code? Natigilan ako. Ah, tama nabasa ko yun last night. It means internal emergency. I need to memorize the other codes that we have here inside the palace, no brainer man ang iba, still I need to be familiarize with them para ‘di ako magmukhang engot.
"Sunod ako," maikling sabi ko kay Kenneth matapos sipatin ang relong pambisig. I still have time to visit the restroom and do my business.
Nang makita ko ang bulto ng matalik na kaibigan, sinenyasan ko ito’t mabilis na lumabas ng silid. Lakad-takbo ang ginawa ko, pasalamat na lang ako at walang tao sa hallway ng mga oras na iyon. I went straight to one of the cubicle and relived my body from all the caffeine and water I had ingested just to stay awake this morning. Sandali kong tiningnan at inayos ang sarili ko sa salamin at nag mamadaling lumabas.
I only have five minutes before the meeting starts. Same floor lang naman ang restroom at ang control room kaya di ako male-late. Ngunit bago pa ‘ko makaliko sa hallway ay natigilan ako. Few meters from where I was standing there's a couple kissing. Nope. Erase. The most appropriate word is making out.
Naka sandal sa dingding ang babaeng half human half boa yata dahil sa pagkaka pulupot nito sa lalakeng ang tingin naman sa lips ng girl ay bulalo. What's that word again? Yes,sinusupsop. Sorry 'bout that, kasalanan ‘to ng mama sa sss na nakita ko kanina.
Napalunok ako’t di ko naiwasang pamulahan sa nakikita. Para kasing uhaw na uhaw ang dalawa sa harapan ko. Nasapo ko ang bibig nang makita ang paggapang ng mga kamay ng lalake sa katawan ni ate girl na tila ba isa iyong lupain na kailangan niyang i-explore. Pero lalo akong na-eskandalo nang malakas na umungol ang babae habang itinataas ang legs nito payakap sa katawan ng guy. Oh well, can't blame her. Yummy naman kasi talaga ni kuya.
It’s like watching porn in the palace’s hallway.
Ew! Get a room, guys!
"Holy s**t!"
Nagulat ako sa tili ng babae na ngayon ay abala sa pag aayos ng mid skirt na bahagyang umangat dahil sa kaharutan nito. Hindi ko malaman kung saan ibabaling ang tingin. Tulalang nakatitig lang ako sa kanila, my brain was in a haze as I drink in the handsome man before me. His fingers raked his long raven like hair while muttering profanities under his breath.
Okay,this is not good. Pang may isang kamay ang pumitik sa harapan ko’t doon lag nag-register sa ‘kin ang lahat. What the F? It's Sophie Del Rio the daughter of the Ministry of Trade and Prince Lazlo in the flesh.
"I-i'm sorry," mabilis akong napayuko and I wish na sana lamunin ako ng lupa ora mismo.
Bakit parati akong napupunta sa di kaaya-ayang sitwasyon at ang masaklap pa laging kasangkot don ang royal princes? Una ang crown prince ngayon naman ay ang kapatid nito. Pero hindi ba dapat siya ang mahiya sa ‘kin? Hindi pa nga tapos ang issue nila ni Prince Lachlan may bago na naman. Hobby na yata talaga nito ang gumawa ng eskandalo para sa Royal Family.
"Sorry? don't you know tha—"
"Stop it, Sophie. You should go now," ‘di pinatapos ni Prince Lazlo ang anomang sasabihin ng babae.
"Okay. Call me, please?" narinig kong malambing na sagot ng babae. At mula sa pagkaka tungo’y nakita ko nangg bahagyang napaismid ang prinsipe.
"That…we will see," anito saka tuluyang humarap sa kin.
Ang tunog na lang ng heels ni Sophie ang naging sagot nito sa sinabi ni Prince Lazlo dahil nang mag –angat ako ng tingin wala na ito’t iniwan ako sa prinsipeng pinaglihi yata kay sa sama ng loob. Napalunok ako’t muling tumungo. Lahat na ata ng Saints na kilala ko ay natawag ko sinama ko pa si Lucifer well sabi naman niya sa Netflix mabait siya and I'm taking all the help I can get here.
"So what do we have here?"
His voice is deep and there's a hint of danger behind that .Aaminin ko na nanginig ako nang bongga sa boses na ‘yon. Madami na ‘kong nabasa about the second prince at lahat ng iyon ay isa lang ang sinasabi- he has a very bad temper.
Narinig ko ang mga yapak niya,hindi nga nag tagal ay huminto sa tapat ko ang pair ng black expensive Italian shoes. I gasped when big rough hand grabbed my right arm, I was forced to look up.
"You will not tell anyone what you saw here." Puno ng galit na sabi nito sa gilid ng kanang tenga ko.Dahil matangkad siya ay kailangan niya pang yumuko para mag pantay ang mga mukha namin.
“Intiende?”
Naguguluhang napatingin ako sa kanya at sinalubong siya ng tingin. Boy, now I know why woman go gaga for this man despite the fact that he’s whole being was giving you bad aura. This prince is one hot georgeous homo sapiens. Natunaw yata ang ovaries ko.
I know I'm not in a position to admire His Royal Highness' rugged beauty but damn I couldn't help it. Just like his older brother,he looks divine. Pareho sila ng kuya niya na mukhang hinugot mula sa pages ng Calvin Klein magazine. Dapat kasuhan tong mga Royal Princes na to ang ga-gwapo nagiging dahilan ng pagkatulala ng mga dalaga sa Filipinas. Napalunok ako’t ilang beses na kumurap.I need to speak, fast.
Come on, Gen. Paganahin mo ang dila mo.
"Y-your Highness, I do—"
"CARE TO EXPLAIN THIS LITTLE BROTHER??" Putol ng galit pero napaka seksing boses sa likod ni Prince Lazlo.
Binitawan naman agad ako ni Prince Lazlo at nakangising hinarap ang nag salita.
"Your Royal Highness.”
Fudge. Halos halikan ko na nag marmol na sahig nang yumuko ako. It’s offcial, never na kaming magtatagpo ni Kamahalan sa kaaya-ayang sitwasyon.
"Miss me, brother? I was just talking to…" the second prince trailed off. Hindi ko naiwasan ang mapasinghap nang muli nitong ilapit ang mukha sa tenga ko. “What's your name,doll?"
"G-gen,Your Highness," nauutal kong sabi na bahagyang sinalubong ang tingin nito pagkatapos ay piping nagdasal na lamunin na’ko ng lupa. Ora mismo.
"Yes. Gen. We're just discussing about a scheduled engagement," baling niya kay Prince Liam na ilang segundong pinag lipat-lipat ang tingin sa ‘ming dalawa ng kapatid.
"You and I need to talk. NOW." Maawtoridad nitong sabi sa kapatid.
He’s infiruaited, it’s evident on the edge of his tone and the way he regarded his brother. The crown prince will surely take no prisoner and I’m caught in the middle of the two royals who’s too proud to lose. Isang sulyap muna ang binigay nito sa gawi ko bago agad ding nag lakad papunta sa opposite side kung saan naroon opisina nito.
Muli muna ‘kong tinapunan ng tingin ni Prince Lazlo.Puno ng pag babanta ang mga mata nito.Yumuko lang ako bilang pag galang at piping pag sang ayon na nakuha ko ang mensahe niya. Agad din itong sumunod sa kapatid habang nasa likod nito ang royal guard at right hand of the crown prince.
Naiwan akong nakatulala.
Quotang quota na ko ngayong araw na to, Lord.