REBECCA “Okay lang ba talaga ang hitsura ko? Hindi ba masyadong awkward? Makapal ba ang makeup ko? Okay lang ba ang buhok ko? Do I am really look presentable?” hindi mapakaling sunod-sunod na tanong ko kay Dwayne. Tapos na akong mag-ayos ng sarili ko pero hindi pa rin ako mapakali. Ilang beses kong pinagkuskos ang mga kamay ko habang nakatingin sa whole-body mirror. “Wife, you are gorgeous. Don't be nervous, okay? They already met you so stop it.” Nasa likuran ko ito at kanina pa ako pinapanood na hindi mapakali habang nakaharap sa salamin. Napipilitang tumango naman ako. Tumayo siya at iginaya niya ako palabas ng kwarto namin. Totoo naman ang sinasabi niya na nagkilala ko na ang mga magulang niya but this is the first time we will dine with them. Maayos ang unang pagkikita namin nan

