AN: Sa lahat po ng mga nag-aabang pasensya na po talaga at bitin si author mag-update. Pagpasensyahan niyo na at kinukulang talaga sa oras. Kaya salamat pa rin sa inyo. ? ======================================== JESSY P.O.V Matapos akong hatakin ni Javier palayo sa asawa ko nag-iiyak ako dito sa loob ng kuwarto at hindi kumain. Habang nakahiga ako paulit-ulit na nagbabalik sa isip ko 'yung time na magkasayaw kaming dalawa. Sobrang saya ko dahil nakasama ko kahit sandali ang asawa ko, nasabi ko ang nilalaman ng puso ko.. "I love you, boss ko." sambit niya. "I love you too, boss ko." sagot ko naman na naiiyak pa. Nakangiting may luha sa mata ng makatulugan ko ang mga nasa isip na 'yon. Hanggang sa magising ako at makita ko na may pagkain ulit dito sa maliit na table. Kinain ko na l

