CHAPTER 5

1533 Words
AN: Lahat ng mga nakalagay dito mga kagustuhan ng malilikot na isip ko. Hahaha. Malikot kasi ako eh ----------------------------------------------------------------------------- Jessy P.O.V Halos hindi ako makatulog dahil sa iniisip ko ang kalagayan ni, Helga. Ano'ng oras na rin umalis 'yung limang lalaki at kahit hindi ko nakita kung ano ang nangyari, hindi naman ako tanga para hindi ko alam kung ano ang ginawa nila 'kay Helga. Hindi makatarungan naman 'yun, galing ka na nga sa laban tapos kapag natalo ka alin man sa dalawa ang piliin mo parehong mahirap. Limang lalaki sa isang babae? Sobra na sila sa parusa kawawa naman si Helga. Bumangon ako dahil hindi na talaga ako makatulog, napagtingin ko sa oras na nakasabig sa dingding alas singko palang ng madaling araw at malamang mga tulog pa ang kasama ko. Bumaba pa rin ako suot ang pajama at puting t-shirt. Madilim-dilim pa sa baba dahil patay ang ibang ilaw dahan-dahan akong bumaba sa hagdan dahil baka madulas ako, pero napahinto ako ng may maaninag ako banda sa mini bar isang anino ng lalaki dahil malaking tao ito at may suot na sumbrero. "Bakit bumaba ka?" tanong nito sa akin sa seryosong tono ng boses. Nakilala ko agad ito. Si Boss Ahraw, pero bakit siya nandito ng ganitong oras? Humugot muna ako ng paghinga bago sumagot. "Hindi ako makatulog." sagot ko lang at nagpatuloy na ako sa pagbaba. "Dito ka, samahan mo akong uminom." Mahinang bigkas niya sa akin na kinagulat ko. Nagulat man ako sa sinabi niya pero nakabawi rin ako agad. Hindi ako puwedeng tumanggi dahil simula ng mag-makaawa ako na isama niya alam kong sa kanya na nakasalalay ang buhay ko. Lumapit ako sa kinaroroonan niya umupo sa katabing upuan at dito malaya kong nabistahan ang kanyang mukha, tama nga ako na gwapo siya at kahit matapang ang kanyang personalidad hindi 'yon nakabawas sa kanyang taglay na ka-gwapuhan. Siguro mga nasa bente singko na siya o higit pa, hindi pa naman ganon siya katanda. May pamilya na kaya siya? "Mamaya sa sama ka sa akin," muling salita nito. Napalingon naman ako sa kanya at tiningnan ko siya na nagtatanong. "Saan naman tayo pupunta?" kaswal na tanong ko habang nagsasalin ng alak na iniinom nito, tiningnan pa ako nito ng lagukin ko ng walang alinlangan ang alak na iniinom niya. "Wala ka ng pamilya, tama? Walang dahilan para mag-alinlangan ka sa mga gagawin mo at ipagagawa sayo." litanya niya imbis na sagutin ang tanong ko. Napatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya at iniisip ko na siguro pina-background check na niya ako. "Lahat ng mga tao ko dito ay pag-aari ko kaya walang puwedeng sumaway sa lahat ng kagustuhan ko," pagpapatuloy niya at lumagok ng alak. Tahimik na pinapakinggan ko lang ang lahat ng sinasabi niya. "Pero hindi naman makatarungan ang parusa na binibigay niyo," seryoso na sabi ko. Hindi siya sumagot hindi ko alam kung galit siya o nag-iisip ng isasagot. "Sa dalawang pagpipilian mo, mas mainam na ang sarap. Dahil kung hirap ang pipiliin mo baka do'n palang mamatay ka na." sagot naman niya sabay lagok muli ng alak. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis pero hindi ko pinahalata. "Sarap?" pagak na natawa ako. "Paanong masasarapan kung limang lalaki ang gagalaw sa kanya?" naiinis na wika ko. "Kung sakaling mangyari sa akin 'yon mas pipiliin ko ang hirap 'kaysa ang babuyin lang ako ng kung sinu-sinong lalaki," inis na turan ko. Akala ko magagalit siya sa akin pero hindi siya sumasagot, ginagalaw lang niya paikot-ikot ang shot glass na hawak niya. Tahimik na kaming muli habang umiinom, nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa pananahimik namin. "Ilang taon kana?" maya'y tanong niya at basag nito sa katahimikan namin. "Seventeen, mag-eighteen palang nitong buwan na darating," simply na sagot ko, natahimik siya. Baka nagulat siya sa edad ko. "Tama pala ang impormasyon na binigay sa akin." salita niya at muli na kaming natahimik. Hanggang sa nagtitilaukan na ang mga manok sa kung saan man 'yon. "Sir! Nandiyan pala kayo," biglang may nagsalita sa likuran namin. Napalingon kami pareho sa nagsalita isa pala sa mga kasambahay dito, kakagising lang dahil nakapambahay pa siya. Pero hindi naman ito pinansin ni boss. "Sige na magbihis ka na at lalakad na tayo," muling salita nito. Tumayo naman ako at nagsimulang umakyat sa itaas. Hindi na ako naligo dahil medyo malamig at isa pa naligo naman ako bago natulog kagabi. Naghubad na ako ng panjama at t-shirt, dumampot lang ako ng maong na pantalon at itim na t-shirt. Pero ganun na lang ang gulat ko ng pumasok si boss kaya naman itinakip ko sa katawan ko ang damit na susuotin ko. "Huwag mo ng itago 'yan dahil marami na akong nakitang ganyan." salita lang niya. "Tatanggalin natin ang lahat ng mga gamit na nandito at papalitan natin ng mga bago," wika pa niya. Hindi na ako sumagot dahil hinihintay ko siyang lumabas dahil hindi ako makakapagbihis kung nandito siya. "Kung ano gusto mo, gawin mo. Baka pwedeng lumabas ka na dahil magbibihis na ako," seryoso na salita ko sa kanya. Pero umupo lang siya sa sopa at nakadipa ang dalawang kamay sa ibabaw ng sopa. Alam mo 'yung upong mayabang? Tapos naka-dekwatro, nakatingin lang siya sa akin at mukhang balak niya ako panoorin magbihis. Naiilang tuloy ako, nandito lang kasi ako sa labas ng sala nagbihis hindi ko naman sinara ang pinto dahil sa hindi ko naman inaasahan na papasok siya dito. Kaya ginawa ko inipit ko sa bra ko ang hinubad kong damit para makapagbihis, ganun rin ginawa ko sa pajama ko inipit ko ito sa undies ng sa ganun 'ay kahit paano may takip ang katawan ko. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya dahil hindi niya inaalis ang mata niya sa akin, wala naman akong nababakas na pagnanasa sa kanyang mga mata. Basta seryoso lang siyang nakatingin sa akin ng matapos na ako tumayo siya at napako ako sa kinatatayuan ko nang hubarin niya ang suot niyang coat na itim, sunod ang white polo nito na unti-unti niyang tinatanggal sa pagka-kabutones nito. Hindi ko alam pero parang natu-tuyuan ata ako ng laway, nahubad niya ang polo at tumambad sa akin ang maganda niyang katawan may mga muscle at halatang alaga sa gym. May tattoo siya kaliwang braso pero hindi naman malaki, napako ang mata ko sa flat niyang tiyan na may abs ang ganda lang ng itsura para tuloy siyang modelo sa harapan ko. Napatalikod na ako ng hubarin nito ang suot na pantalon, bakit dito siya nagbibihis? Ngayon ko lang napansin na may dala siyang paper bag damit pala ang laman nun. Naka-black suit siya na medyo hapit sa katawan, mas lalong naging kagalang-galang siyang tingnan. "Tapos kana?" tanong nito sa akin. Napasinghap naman ako sa tanong niya dahil sa sandaling malalim na pag-iisip. Sinuot niya ang itim na salamin na hawak niya na mas lalong nagpalutang nang taglay na gandang lalaki nito. "O-oo, sige na susunod na ako," sagot ko na biglang nataranta. Lumabas na siya at naiwan na ako, pumasok ako sa loob ng kwarto at sinilip ang itsura ko sa salamin baka kasi alanganin ang itsura ko kapag kasama ko siya. Ok na to 'di naman ako sanay mag-suot ng mga pormal na mga damit, plain t-shirt black na may printed at black skinny jeans, katerno ng sneakers na sapatos. Pansin ko na medyo namuti na ako agad kasi dati na akong maputi nasunog lang sa araw. Lumabas na ako ng kuwarto, pagbaba ko wala si boss baka nasa labas na siya. Napansin ko na parang may tao na sa kusina kasi may narinig akong nag-uusap, kaya sumilip ako doon. "Anong ibig sabihin nito? So paborito na siya agad ng boss natin, ano bang meron sa kanya eh, ang nene nga ng itsura niya." natigilan naman ako pagpasok ko sa loob dahil  narinig ko ang boses ni Danica. Nakatingin sa akin si Danica habang si Eveth nakaupo kumakain. Iniripan ako ni Danica, hindi ko nalang siya pinansin. "Eveth, alis muna ako." paalam ko 'kay Eveth na nakangiti. "Sige lang, date na ba 'yan?" malokong ngiti na sagot sa akin ni Eveth. "Hindi ah," natatawa kong sagot, nasulyapan ko pa si Danica na nakasimangot sa akin. Umalis na ako ramdam ko sa likod ko na masama ang tingin ni Danica. Paglabas ko nakita ko makintab na kotseng itim ang ganda at talagang mamahalin, hindi ko nga lang alam kong anong klaseng kotse ito. Bumukas ang unahang pinto ng kotse nakita ko na nakaupo na si boss sa driver seat. Tiningnan niya ako ng mabuti at parang nakasimangot siya kaya pumasok na ako sa loob. "Ang daming damit 'dun, bakit 'yan ang suot mo? Para kang bata," puna nito sa akin sa seryoso na tono. "Bakit naman? Bata pa naman ako ah?" pang-aasar ko sa kanya. Pero bigla akong kinabahan ng magbago ang kanyang itsura, salubong ang kilay at parang badtrip sa akin. "f**k! Huwag mo nga akung pinipilosopo ng sagot, seryoso ang sinasabi ko," nangigil na bigkas niya. Halata ko ang pagpipigil niya ng galit. Napakapit na lang ako bigla ng paandarin niya ang kotse ng mabilis. Akala ko hindi siya hihinto sa mabilis na pagpapatakbo dahil pakiramdam ko nakikipagkarera kami sa sobrang bilis ng kotse. Mabuti nga walang gaanong dumaraan na ibang sasakyan, sinulyapan ko siya seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Saan kaya kami pupunta? Bakit pakiramdam ko may masamang mangyayari? ++++++++ Black_Moon301
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD