Sumakay si Millie sa elevator dahil two floors down ang kinaroroonan ng archive room kung nasaan nag-ooffice ang iba pang empleyado ng kumpanya. At habang sakay ng elevator ay hindi niya maiwasang mag-isip kung ano ang pinag-usapan ng kanyang boss at ni Mr. Alfonso nang maiwan ang mga ito sa meeting room. Gayung siya pala ang pinaniwalaan ng kanyang boss. 'Well, hindi ko na siguro dapat pang problemahin iyon,' bulong niya sa isip habang bumubukas ang elevator. Napagtanto niya na mabait naman pala talaga ang kanyang boss at makatarungan din ito. Hindi ito basta-basta tumitingin sa estado ng isang tao. Imagine, isa lamang siyang hamak na baguhang assistant na nakabangga ang isang top client ng kumpanya ay siya ang pinanigan nito dahil siya ang nasa tama. Hindi niya namalayan na nakangiti

