Kumalabog ang dibdib ni Millie nang sinabi ng kaibigan niyang si Aira na tungkol sa boss niya ang importanteng sasabihin nito. Huwag naman sanang tama ang hinala niya na may kinalaman ito sa dati niyang trabaho. "Oo, Millie. Nung sinabi mo sa akin ang pangalan ng boss mo, naisip ko kaagad na pamilyar ito. Hindi ko na lang sinabi sa iyo dahil hindi pa naman ako sigurado. Pero alam mo naman ang role ko sa grupo, 'di ba? Ako ang assigned sa profiling," mahabang salaysay ng kaibigan niya sa kabilang linya. Napalunok siya habang nakikinig sa sinasabi ng kaibigan. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya ng sinabi na nito ang word na profiling. Tila tama ang kanyang kutob. Profiling ang trabaho ni Aira sa kanilang grupo ng mga scammers. Isa siya sa nagba-background check sa mga bibiktimahin nila

