Titig na titig sa magandang mukha ni Millie si Joaquin kaya naman lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso dahilan upang pamulahan siya ng mukha. Dagdag pa ang sobrang lapit nila sa isa't isa ng kanyang boss. "Etiquette of dating number 3, do not accept flowers from anyone except from me," seryosong saad nito sa kanya. "Ha? I mean, akala ko kasi sa iyo galing yung roses kanina," paliwanag niya sabay iwas ng tingin kay Joaquin. Ibinaling na lang niya ang mga mata sa magagandang bulaklak na nasa kanyang harapan at bahagyang humakbang palayo sa kanyang boss. Subalit sa kanyang paghakbang ay sinundan pa din siya nito. "Alright. You are forgiven now. Anyway, you didn't answer my question earlier. Did you like the flowers?" tanong nito habang titig na titig pa din sa kanya. "Oo naman. Pero

