Chapter 30: Selfie

1296 Words

Napakurap ng dalawang beses si Millie nang marinig ang sinabi ni Joaquin kasabay ng muling pagbilis ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang kandila na natutunaw sa ilalim ng nakakapasong titig ng abuhing mga mata nito. Gusto na niya sanang magbaba ng tingin ngunit hindi niya magawa. Hindi niya mawari kung bakit parang magneto ang mga mata nito na kahit na inuutos na ng kanyang isip na magbaba ng tingin ay nakipagtitigan pa siya dito habang sila ay umiindayog ng marahan sa saliw ng musika. Mabuti na lang ay natapos na ang tugtog. Noon niya nagawa ang magbaba ng tingin. At akto na sana siyang bibitaw kay Joaquin subalit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na ngayon ay nakahawak na sa kanyang likuran. Maya-maya ay lumapit si Henry sa kanila. "May

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD