nasasaktan ako ngayon, pakiramdam ko tinalikuran na ko ng mundo, di ko alam kung san ko sisimulan
di ko alam pano ako pa ko babagon sa lahat ng sakit na natatamasa ko ngayon! akalas nyo ba malaki na problema nyo? pwes hindi, kase feeling ko wala ng mas lalaki pa sa problema ko!
kinse ako ng mamulat ako sa kamunduhan, kamunduhang di ko naman ginustong kamulatan!
nagahasa ako, nagahasa ako ng tatlong lalaki, ang masaklap? kaibigan pa ng papa ko,
sa mundong to wala ka ng dapat pag katiwalaan kung hindi sarili mo, wala ka ng dapat asahan kung hindi sarili mo, sino bang mag aakala na sa edad kong kinse nakaranas na ko ng mga hindi dapat?
sa edad kong kinse kailangan ko ng mag trabaho para mabuhay!
asan ang magulang ko? ang mama ko nag tatrabaho bilang katulong, ang hayop kong ama? ayun nag papakasaya sa kandungan ng iba!
nakaka awa! nakaka awa na sa edad kong kinse wala kong ibang mahingian ng tulong kung hindi sarili ko,
nag mama kaawa ako eh, sabi ko tama na sabi ko ayoko pero nag patuloy pa din sila, parang mga walang naririnig!
takot na takot ako nun, yung mga taong dapat kinakapitan ko? ayun nasa malayong lugar,
hanggang sa nag rebelde na lang ako, inom dito inom dun, yosi dto yosi dun,
wala ng patutunguhan yung buhay ko, wala na pagod nko lumaban mag isa,
dumating pa nga sa puntong pati bawal na gamot natikman ko na bakit kamo? kase dun ako kumapit, dun ako kumapit para makaya ko lahat,
kase ang bigat bigat na eh, di ko na ata kaya!
sabi ko sa sarili ko ikaw na lang mg isa wala ka ng kasama, wala ng gagabay sayo kase wala ka din nmang kwenta!
puta ayoko na eh, ayoko na talga pero bakit hinabaol ako ng kahapon?
bakit sa tuwing pinipilit kong maging masaya nag papakita sila? silang mga parte ng kahapon ko?
wag kayong ma bibigla huh? nag bunga, ito yung resulta ng kahayupan nila!
ayoko! ayoko neto!! paano ko tatanggpin tong batang to kung ako mismo hindi matanggap na madumi ako? na tatlong lalaki ang pinag pasapasahan ako? paano ko tatanggapin na ganap na akong ina kung di ko man lang naranasan maging anak?
nakaka tawa letseng buhay tom, kailan ba to matatapos? kailan ba ko sasaya? kailan ko ba matatanggap na di na maitatama ang lahat?
kailan ko ba matatanggap di pa ko handa?
paki sagot naman lahat ng tanong ko
dahil di ko na kaya di ko na alam kung saan pa ko pupunta
- Akisha