“BAKIT SA PALAGAY mo mabenta ang smut?” ang tanong ni Victoria kay Roberto habang nasa Starfish Island sila nang umagang iyon. Sinusubukan niyang ilayo ang tingin sa matipuno nitong katawan ngunit nahihirapan siya. Hindi niya maiwalay nang matagal ang mga mata sa kaguwapuhan nito. Pakiramdam niya, habang tumatagal ay lalo siyang naaakit sa binata. Sinasabi niya sa sarili na magandang bagay iyon para sa isusulat niyang nobela ngunit alam din niya na hindi siya gaanong nagiging tapat sa kanyang sarili. Masyadong mainit ang sikat ng araw kaya naglulunoy sila sa tubig. Ang Starfish ang unang isla na binisita nila sa tatlong isla para sa kanilang Honda Bay adventure. Kasama nilang muli ang mga lalaki. Kanina ay nakadikit si Victoria kina Dream, Dawn at Belle ngunit waring may sariling isip an

