3 years. Sa tatlong taong magkasama kami, i've never seen him genuinely happy. His smile never reached his eyes since then. Hindi ko na yata matandaan kung kailan ko sya huling beses na nakitang tumatawa. Or if i ever saw him laughing. Parang hindi. Hindi ko sya nakitang masaya sa tuwing nasa paligid nya ako. "Mimi, why are you sad?" Nagulat ako ng maramdaman kong may humila sa laylayan ng T-shirt ko, naiwan na pala akong tulala dito sa may sala habang nakatingin parin sa saradong pinto na nilabasan ni marko. Nag pakawala ako ng isang malalim na buntong hininga para sana kahit papano man lang mabawasan ang sama ng loob ko at bigat ng nararamdaman ko. Yumuko ako para buhatin ang anak ko, tsaka ko sya hinalikan sa noo "Ha? Sinong sad? Bakit ako magiging sad kung may cute na baby sa harap k

