Nagpalipas muna ng isang linggo si Marko bago magpasyang sumunod sa canada. Siniguro nya munang tapos ang mga kailangang tapusin na trabaho dahil gusto nyang mag stay sa tabi ng asawa hanggang sa magising eto, gaano man katagal, araw araw din naman syang nagtatanong sa mga magulang ng asawa kung ano ang kasalukuyang kalagayan nito at ayon nga sa mga ito ay wala pading pinagbago. Habang abala sya sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin nya ay nag ring ang phone nya. And for some reason, bigla syang inatake ng kaba nang makita kung sino ang caller "Hello pa?" Sa halip na boses ng ama ng asawa ang marinig ay malakas na hagulhol ang sumalubong sakanyang pandinig. "Pa, what happen? Bakit umiiyak si mama" he asked, he is already shaking kahit na wala pa syang nakukuhang sagot. wag naman po sanan

