(Moana, you need to go back now)
"Mom! I asked for one month at pumayag na kayo, hindi ko naman tatakasan ang responsibilidad ko so please, just this once, payagan nyo naman ako" mangiyak ngiyak na pakiusap ko
(Anak, God knows how much i wanted to give you the freedom you wanted but your dad is in the hospital right now, his condition is getting worst because of too much stress from our company's bankruptcy, so the wedding should be held as soon as possible, bago pa tuluyang mahuli ang lahat at di na maiangat ang kompanyang pinaghirapang itayo ng lolo mo"
"What can i do? The company is more important than me, your own daughter" i said sarcastically "fine. I'll book a flight now and go back as soon as possible, tell that to dad and to the falcon family" i hang up the phone at di ko na hinintay ang sagot ni mommy, i was about to throw my phone in the sofa when i heard a footstep, it must be marko. May usapan kasi kami ngayon na mag momovie marathon dito sa bahay, and manang linda for sure is in the garden right now at this hour.
"Yes baby, i promise, i'll go back as soon as i get what i wanted. Hindi ako makakapayag na hindi man lang makaganti sa sakit na pinaranas nya saakin noon" ito nalang ang naiisip kong paraan para mas madali nya akong makalimutan, mas gugustuhin kong isumpa nya ako sa sobrang galit nya kaysa makita syang nagsisisi dahil di nya ako matutulungan, ayokong umalis at iwan syang umaasa at nasasaktan. This way, mas gugustuhin nya akong kalimutan. I laugh. A fake laugh "of course baby! I won't fall for that man again, he's too corny and boring"
"Nagbibiro ka lang diba?" Pumikit ako to calm my self at para pigilan ang luhang nagbabadya ng pumatak bago ko sya hinarap.
"M-marko" kunwaring gulat na sambit ko
"Yung sinabi mo, hindi totoo yon diba?"
"Okay, i think im busted, no need to pretend anymore" i smirk "i am not the same moana anymore marko, all this years? Talaga bang inisip mong babalik ako para sayo? C'mon my dear, are you dumb?"
"Stop joking. Hindi nakakatawa. Is this a prank or what?" Naguguluhang sabi nya pero bakas na sa mukha nya ang sakit.
"This is for real marko, at first, wala naman talaga akong balak na mag higanti, bumalik ako to reminisce in my hometown before getting married but i heard from my cousin that, you have been waiting for me, so i took the chance to make you feel what you made me feel back then"
"Congratulations to you then. Congrats for your upcoming wedding and congratulations for a job well done moana marie, naloko mo ako" he said then walk away. Doon ko palang hinayaan tumulo ng tuloy tuloy ang luha ko, napakasakit para saakin nito, gusto ko syang habulin at sabihing walang katotohanan ang lahat ng sinabi ko, pero para saan pa.
---
Today is saturday, so gaya ng dati, pupunta ako kila mady, kaya maaga palang gumagayak na ako, i am wearing a jeans and plain white shirt. Casual lang syempre, hindi ko naman kailangan pumorma pa diba?
"morning ma, pa"
"aalis kana nak?"
"yes pa, pero baka maaga din ako uuwi, mga 3 po siguro nandito na ako or maybe earlier"
"bakit naman anak? Ayaw mo bang makasama ng mas matagal ngayon si marko?"
"ma naman! Paki alam ko dun?"
"sus ang dalaga ko nagdedenay na" biro pa ni papa, Dahil kasi sa kadaldalan ni mady kaya wala akong maitago kila mama eh,
"O sige na, i have to go na po, bye!" kiniss ko muna sa cheeks sila mama bago ako umalis.
"Hatid na kita"
"No need pa, rest day mo today kaya dapat babe time muna kayo ni mama! Babush!" Sabi ko then umalis na ako
"Hi ate! 2 weeks kang di nagpunta dito ah, tara pasok na tayo" kabababa ko palang sa tricycle eh si mirko na agad bumungad saakin. Ang ten years old brother ng bestfriend ko
"Hoy. San ka nanaman galing na bata ka?"
"Dyan lang sa tabi tabi ate"
"Oh andito kana pala" marko said nung nadaanan namin sya sa may sala
"Ay wala pa, picture ko lang to, tuloy mo lang muna panonood mo" i said then raised an eyebrow
"Mabuti at pinayagan ka ng boyfriend mong pumunta dito"
"alam mo po mas ok yung hindi ka nalang magsasalita, just like before."
"bakit mas naiinlove ka sakin pag madaldal ako?"
"Ang aga nyo namang magbangayan. Pwede bang mamaya na yan?" I saw mirko frowning at para bang naririndi na sya saamin ng kuya nya
"Ganito lang talaga kami maglambingan"
"Whatever!" i rolled my eyes. Naiirita ako sa kinikilos nya ngayon. So maharot na sya ngayon? Yan ba ang turo sakanya ng moana na yun?!
"Crish! Andyan ka na pala. Tara! Dun nalang tayo sa room ko"
"Sure!" palapit na ako kay mady when i heard marko cleared his throat. Kaya napalingon ako ulit sakanya, What again?!
"dito nalang kayo, para mainspire ka habang nakikita ako, and malay nyo, makatulong pa ako sa kung ano mang gagawin nyo" he said, which is nakakapagtaka, kasi usually, ayaw nitong napapalapit sakin. Yung totoo bangag ba to?
"well thank you nalang kuya ha? Pero kaya na namin to kuya" Nakagat ko nalang yung lower lip ko dahil parang o.a yata yung pagkakasabi ko ng kuya
"nag mamagandang loob lang naman ako, kung ayaw nyo, ode wag"
"hindi mo bagay kuya, ang laki laki ng sungay mo para mag magandang loob" inirapan ko pa sya
"Ang mahalaga, gwapo ako."
"hahaha kuya. Nakakatawa yang joke mo"
"at sinong may sabing joke yon?"
"Balak nyo bang simulan ang world war III?" madyl raised an eyebrow
"kaya nga ate kanina pa yang mga yan" sabat pa ng naka busangot na si mirko
"oh, bakit nakatayo lang kayo dyan? Manang Celing! Halika muna at ipaghanda mo ng meryenda ang mga bata baka gutumin" napatingin kami kay tita at nakita ko kung pano nagulat si mady nung nakita nyang kasama ni tita si kenneth, ang so called boyfriend nya. Agad naman nyang nilapitan si kenneth at sabay silang pumunta sa kusina dahil tinawag sila ng mommy ni mady
"so pano ba yan miss. Valencia? Nandito ang boyfriend na kapatid ko. San ka pupulutin ngayon? Wag mong sabihing didikit ka sakanila at papanoorin silang maglambingan?" Napaka wrong timing naman kasi ni kenneth!
"Uuwi nalang ako!" tumalikod na ko para sana mag walk out but marko grab my hand at hinila ako papunta sa may garden, kung hindi lang ako nagbabalak mag move, tuwang tuwa na sana ako
"nagtataka ako, what's with the sudden changes? Bakit kuya na ang tawag mo sakin ngayon? At bakit mo ba ako tinatarayan? Nahawaan ka na ba ng kapatid ko?"
"mas magalang na po kasi ako ngayon kuya" i said without looking at him, ngayon ko lang napansin, ang gaganda pala ng mga rose na tanim ni tita "tsaka ikaw din naman nagbago ah! Hindi mo naman ako kinakausap dati kahit anong gawin kong pagpapapansin!" Inis na sabi ko tsaka padabog na umupo at nagbukas ng libro, may maliit kasing kubo dito na good for two person lang, dito kami madalas tumambay ni mads kapag mag ginagawa kaming school works
"do you still like me?" nagulantang ako sa tanong nya pero i tried to act normal
"no" sagot ko at nagkunwaring nakatutok sa libro ang atensyon ko, nag suot pa ako ng earphones para lang di nya na ako guluhin, pero napasinghap ako when he leaned closer, at tumingin din sa librong binabasa ko, his face now was just an inch closer to mine at dahil nga sa marupok pa ako! napatitig nalang ako sakanya.
"kung nahihirapan ka dyan, i can help you. Algebra is basic for me you know" Mayabang na sabi nya habang sa libro parin nakatingin, And damn! My heart is beating so fast! Kinuha nya yung libro sakin tapos inalis nya yung earphones ko
"Madali lang naman to" sabi nya then nag start ng mag explain, Well hindi naman ako bobo sa math, mas nakakapag review lang kasi talaga ako pag may kasama. Pero while looking at him now habang nagdidiscuss, parang nabobo ako bigla, wala kasi akong maintindihan! "baka naman matunaw ako nyan"
"Ang kapal ng mukha neto, Oo aaminin ko. Nagka crush ako sayo. Pero tapos na yon! Narealize ko lang kasi na bagay nga kayo ni moana. Pereho kayong good looking. At higit sa lahat mag kasing edad pa kayo" i didn't mean to sound bitterly pero bakit ganon pa ang lumabas sa bibig ko?
"Bagay kami ni moana?" ewan ko kung imagination ko lang pero i think i saw pain in his eyes.
"Y-yes
"Siguro iniiwasan mo ako dahil sa boyfriend mo ano?" Biglang pag iiba nya sa usapan
"Wala akong alam sa sinasabi mo!"
"Well? Diko naman sya masisisi kung magseselos sya, ang gwapo ko kaya" he said then grin
"masyado kang mayabang marko! I hate you"
"go on, hate me more, so you will love me more"
"ewan ko sayo! Dyan ka na nga" Sabi ko tapos iniwan ko na sya. Hindi ko matatagalan ang panunukso nya, baka bumigay tong malanding puso ko eh mahirap na. pagpasok ko sa loob eh gera din ang naabutan ko
"no thanks, hindi tatanggapin ang kagwapuhan ko dun eh!" Nakangising sabi ni kenneth
"ang kapal ng mukha mo!"
"hey. anong drama naman yan? Long distance relationship? Kailangan mag sigawan kayo?" napailing pa ko sakanila. whats with this day? Bakit ang hangin ng mga lalake?i
Hindi ako pinansin ni mady at dumiretso lang sya sa kusina, kaya sumunod nalang ako
"oh, anong nangyare sainyo ni kuya?"
"your brother is a great evil!" i hissed
"Yea, alam k yan, matagal na. But what happen?" umupo sya at nag offer sakin nung ice cream na kinuha nya sa ref.
"a-ah n-nothing, hindi ko lang talaga siguro sya makakasundo, naninibago kasi ako sa pagbabago nya" sabi ko at sumubo ng ice cream
"Di ko din alam kung anong nangyare sakanya, or maybe because family na ang turing nya sayo kaya pati ikaw inaasar nya gaya ng pang aasar nya samin" normal bang asarin nya ako gamit yung feelings ko sakanya?! Sira na ba ang ulo nya? "Huy! Wag mo namang pagbungtungan ng galit yang icecream!" nagulat ako nung sabihin ni madyl yun. Diko namalayang paulit ulit ko nalang palang dinudurog ng kutsara yung ice cream
"Ops. Sorry, may naalala lang ako"
"Kahit nga din ako naninibago kay kuya sa pinapakita nya sayo eh, aren't you happy? Suko ka na ba talaga sakanya?"
"Yeah, Anyway, Ano namang napagusapan nyo ni leonard?" pag iiba ko nalang sa usapan
"wala naman, nagkamustahan lang, tsaka aalis din daw kasi sila para ihatid yung pinsan nya sa airport that day"
"so si leoard lang talaga ang maiiwan dito?"
"yes"
"Nako beshyy, madagdagan nanaman ang mga mahigpit na magbabantay sayo"
"at sino naman yun?" nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni kenneth
"wala ka na don"
"malamang nandito ako eh"
"wag kang pilosopo pwede ba?!" mady said in anger. Owemgy! eto nanaman po sila
"kung magsalita ka naman parang ang tino mo ring sumagot!" galit nadin si kenneth, nagseselos ba sya?
"we're reffering to leonard here. So?"
"he's back now for good huh? Are you happy now madyl?" he said habang matalim ang tangin kay mady "ok, i take your silence as a yes" he said tapos tinalikuran na kami,
"aren't you going to follow him, sis, he looks really, really mad."
"why should i? Alam mo namang hindi ko ugaling maghabol hindi ba?" matigas na sabi nya.
"Yes, but maybe you can make an exception for him, boyfriend mp naman sya eh"
"thats exactly my reason crish, why should i go after him eh hindi ko naman nga sya real boyfriend right? Ni wala nga din dapat siyang karapatang mag walk out eh"
"mahihirapan ka talaga nyan, i mean kayong dalawa, hindi kayo magkakasundo dahil pareho kayong mataas ang pride, tingnan mo nga at yang napaka liit lang na away nyo wala pang magpapakumbaba para lang maayos yan. Hiyang hiya naman kasi ako sa pride nyong mas malaki pa kesa sa mga utak nyo"
"hey! Grabe ka naman, ang talino ko kaya kumpara dun sa unggoy na kenneth na yun! Kung bakit ba kasi magagalit sya kung makakasama ko na si leonard. Ano yon selos sya? Anong karapatan nya?!"
" wag kang assuming ka friend. Hindi porke nag walkout at nagalit selos na agad. Well, we both know here na gwapo at habulin yang PRETEND boyfriend mo kaya malamang kaya nagalit at nainis yun dahil hindi sanay na ipinagpapalit sila. Man's ego is bigger then their d**k"
"Walangya ka talaga." Natatawang sabi nya
"so ano? Nakapag isip ka na ba?" she sigh then noded "oh so bakit tatango tango ka lang dyan! Go na! Sundan mo na sya at ako na muna ang bahala dito sa ice cream!" sabi ko tapos pinagtulakan ko na sya palabas.
Habang kumakain ako, naisip kong magpatugtug muna ng Korean music, naiwan ko kasi sa garden yung earphone ko eh
"Pinapatugtug mo yan. Naiintindihan mo naman ba?" Parang kabuteng bigla nalang nanamang sumulpot si marko
"yeah, tinuruan kasi ako ng isang kaibigan from korea"
"talaga?" sabi nya tapos umupo sa tapat ko, dun sa inupuan ni mady kanina
"Stop ignoring me crish, we can be friends you know"
"dont talk to me, im busy"
"Moana loves eating ice cream too"
"walang nagtatanong"
"Ang swerte ng lalaking mamahalin mo kasi alam kong hindi ka gaya ng kapatid ko at ng ibang mga babae na mapaglaro at manloloko"
"Yes. Swerte talaga, ako lang naman ang malasdahilikawangminahalko"
"ha? What did u say?" sinadya ko kasing hinaan yung pang huling sinabi ko. Ayoko na kasing magmukhang tanga eh. Sobra sobra na kasi. Pagod na talaga ako
"wala, nevermind kuya"
"Hindi ako sanay marinig ang kuya sayo"
"mas matanda ka sakin ng apat na taon kaya dapat naman talagang kuya itawag ko sayo, unless mas prefer mong tawagin kitang ate"
"ang takaw mo pala, ang dami nyang ice cream kanina tapos ngayon paubos na, ni hindi mo man lang ako naisip alukin" nakangiwing sabi nya habang nakatingin sa ice cream
"kung magsalita ka naman parang close tayo"
"crish-"
"alam mo marko, ok lang naman sakin na sinusungitan mo ako eh, mas gusto pa ko pa nga yon eh, kaya pwede ba? itigil mo na yang pagiging kunyaring mabait mo sakin? Hindi talaga ako natutuwa" inis na sabi ko sakanya at mas lalo pakong nainis nung ngumiti lang sya "bakit ka ngumingiti dyan? Mukha ba akong nakikipag biruan sayo?
"nakalimutan mo kasi akong tawaging kuya eh"
"whatever!"
"Ang sungit mo naman! May dalaw ka ba?"
"Bakit ba nangingi alam ka? Dun ka na nga!"
"eh kung ayoko?"
"ode ako ang aalis, oh ayan hugasan mo" inirapan ko pa sya bago iniwan. Bahala nga sya sa buhay nya!
----