Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para matulog ng marinig kong nagsalita si Maam Bangky. "Buti dumating ka. Bantayan mo muna ang dalawang ito at pinatawag ako ng Principal." sabi ni Maam Bangky sa isang tao. Di ko alam kung sino. Tuloyan na akong nakatulog. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Nakakapagod din palang awayin at makipag-away. Haaay. Medyo masakit din pala ang gilid ng noo ko. Uggghhhh! May naramdaman akong kumiliti sa tenga ko. Tinabig ko ang kamay nito dahil istorbo sa pagtulog ko. Muling bumalik ang kamay niya ngunit sa ilong ko naman. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya. Tinapik ko ito saka minulat ang aking mata. Tumambad agad ang mukha ni Jeiko sa akin. Malapit ang mukha niya kaya natampal ko siya. Lumayo siya sakin at napahawak sa pisnge niyang natampal ko.

