Habang sumusubo ako ng pagkain ko ay ramdam ko ang mga matatalim na titig nila sakin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain dahil alam ko naman kung sino ang mga 'yun. Si Jewel lang naman at si Josh. Si Dewlon naman walang pakialam. Paano kasi kagabi ay pinalayas si Josh sa kwarto niya at doon natulog kayla Mama at Papa nila dahil ako na muna ang tutuloy pansamantala doon. Kaya ganyan nalang siya makatitig. Si Jewel naman ewan ko kung anong galit dahil hindi ko naman siya na aabala sa pagtira ko sa kanila. Siguro ay hindi siya komportable? "Isabay mo na Jun si Kirt sa school. Ako nalang magsasabay kayla Jewel at Joshua." sabi ni Ninang. "What? Why do I have to be always go to school with you Mom? Hindi ba't malayo ang school ni Josh sa school namin?" tanong ni Jewel. "Being rude

