Chapter 68: Hard To Get

3104 Words

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Ang dating sakin ay parang nagbibiro siya. Na parang sinabi niya lang ang mga katagang matagal ko ng gustong marinig galing sa kaniya para bumigay ulit ako pagkatapos paglalaruan. Tinulak ko siya para kalasin niya ang pagkakayakap sakin. Gusto kong ganon nalang kami. Gusto ko ang mga yakap niya. Ang init ng mga yakap niya pero hindi pwede. Punong-puno nako. Bumitaw rin siya sa pagyakap sakin at tinitigan ako. Umiwas ako ng tingin dahil sobrang naiilang ako. Baka manghina naman ako at magpakatanga sa kaniya at bumigay nanaman. "Ang akala mo ba ganon ganon nalang? Ganon nalang 'yun? Hahalikan mo ko? Tapos yayakapin?" nagtitimping sabi ko. Umiling-iling ako sabay tayo at tumayo din siya, "Bakit ngayon lang kasi?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD