Pag-uwi namin ay balik na sa dating gawi. Kaniya-kaniya na ulit ng buhay. Hindi ko alam pero medyo masaya naman ako sa birthday ko. "Kirt anak. Malapit na ang graduation niyo..." panimula ni Papa habang nasa hapagkainan kami. Tumango ako, "Oo nga pa." sagot ko. "Napag-usapan na natin to diba? Babalik tayo ng Manila. Kakausapin na namin ang Ninong at Ninang mo tungkol dito. Doon ko planong itayo ang negosyo namin ng Mama mo at doon kana din mag-cocollege." sabi ni Papa. Napalunok ako. May kung anong kumirot sa puso ko. Ayokong iwan ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Paano na si Kyona? Si Dreena? Si Migs? Si...Si Dewlon. Tumango nalang ako. Kailangan ko nalang tanggapin gaya ng pagtanggap ko dati na lilipat na kami ng Cebu. "Okay lang ba sayo? Kung ayaw mo anak ay hindi tayo tu

