Hanggang ngayon di ko parin ma-gets si Dewlon. Pilit kong iniintindi. Para siyang isang librong, english ang lenggwahe. Ang hirap basahin. Kalahati na ng buwan ng May at mas lalo akong napapalayo kay Dewlon. Kung noon, kinakausap niya ako kahit papaano naman kahit sinusungitan niya ko. Ngayon naman ni isang salita pinagkakait niya sakin. Halos di niya na nga buksan ang bintana niya. Like parang ayaw niya talaga akong makita. Huhuhu! Ano ba kasi talaga ang ginawa ko para maging ganito siya? Anong nangyari? Bakit bigla bigla nalang siyang nagbabago. Pagkatapos nung sabihin niyang wala akong chance na makapasok pa sa buhay niya. Wala naman akong ginagawang masama! Huhuhu! Napapadalas narin ang pagtambay ko sa clinic ni Zander. Nakakatuwa kasing makipagusap sa matatanda tapos mag-alaga

