"Salamat at sinamahan mo 'ko dito sa Mall at sa hindi mo pag-iwan sakin habang umiiyak ako kanina..." sabi ni Dreena. Tipid akong ngumiti, "Alam 'kong hindi naman matagal ang pinagsamahan natin, Dre. Pero naging mabuti kang kaibigan sa saglit na panahon. At alam ko, at naniniwala ako na hindi mo gustong saktan si Kyona." sabi ko sa kaniya. Tumungo siya at nag-umpisa na namang umiyak. Pinunasan niya ang luha niya gamit ang panyo niya. "S-salamat, Kirt. Hindi ko naman talaga gustong saktan si Kyona. Tinuri ko din siya bilang kapatid pero may mga bagay talaga na hindi ko pa dapat sabihin kaya mas lalong nasasaktan." sabi niya. Pinunasan ulit ni Dreena ang mukha niya gamit ang panyo niya. Hinawakan ko ang kamay ni Dreena ng mahigpit. "Kung ano man sana 'yang hindi mo pa dapat sabihin. San

