"Hindi ko parin maintindihan ang lahat, Dewlon. Marami pa 'kong tanong." sabi ko sa kaniya. "Bakit sayo pinapagawa 'yun ni Mr. Tianco kung pwede naman siya or sa secretary niya? Tsyaka ano ni Karline si Mr. Tianco?" sunod-sunod kong tanong. Pinanliitan niya ako ng mata, "Mr. Tianco is her grandpa and the reason why he wanted me to do it is none of your business." sagot niya at nagsimula ng maglakad. "You go back to your class, Eunice. Stop wasting your time on something that your not related at." sabi niya at nilampasan ako. Kung pwede lang sana Dewlon, eh! Pero binabagabag ako ng mga katanungan na gusto kong masagot. At ngayon saan siya pupunta? Tumakbo ako palapit sa kaniya, "San ka pupunta?" tanong ko. "Kailan ka pala aalis sa bahay ninyo? Kasama mo ba talaga sila sa iisang apartm

