Napatulala ako. Parang nawala lahat ng lakas sa katawan ko. Napaupo ako sa sobrang hina ko. Unti-unting lumalabas ang mga luhang gustong lumabas sa mga mata ko. May girlfriend na si Dewlon? Nagkabalikan na sila kaya siya nandito para sa kaniya? Ang sakit! Ang sakit isipin na nag-eeffort siya para sa iba at hindi sayo. Napagdesisyunan 'kong umalis na roon. Magmumukha lang akong tanga kung sasamahan ko pa siya dito sa school para gawin niya ang mga recquirements para sa girlfriend niya! Alam naman ni Dewlon na gusto ko siya! Alam ni Dewlon 'yun! Pero bakit di niya sinabi sakin!? Kahit papaano may karapatan naman siguro akong malaman? Patakbo akong lumabas sa opisina. Nakita pa ako nung feeling ka edad namin na babae na tumatakbo. Habang tumatakbo ako palabas ng building ay mas luma

