Chapter 46: Date Me, Kirt

4142 Words

"Kirt, ayos ka lang?" tanong ni Papa. Tumango tango ako, "Okay lang po ako..." malumanay na sagot ko. "Bye na, Ma... Pa..." walang ganang paalam ko sa kanila habang palabas ng bahay. Pakalabas ko ng gate nakita ko si Dewlon na naglalagay ng gas sa motor bike niya. Hindi ko siya papansinin! Siya ang dahilan kung bakit wala akong tulog kagabi! Gustong gusto ko talaga siyang tanungin tsyaka iklaro sa kaniya na walang kami ni Jeiko pero parang wala naman siyang pakialam. Nang malampasan ko siya ay nagulat ako ng may bumusina ng sobrang lakas. Akala ko si Dewlon dahil siya lang naman ang pwedeng gumawa nun pero pagkalingon ko ay laking gulat ko na si Jeiko pala na nakasakay sa motorbike din pero isa itong kulay yellow. Nanlaki ang mata ko, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ngumisi si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD