Monster 4

1425 Words
''Happy Birthday, Dre! mwuahh" masayang bati ni Mike at hinalikan ako sa pisngi. Yuck! Kadiri talaga to.  Umupo ako sa kama at pinunasan ang pisngi ko. Ang lamig naman ngayon.   ''18 ka na. Dalaga ka na!" sabi naman ni Harry.  -___- mga sintu-sinto ''Simpleng tsansing ka ah? Kadiri ka Dre'' ''Baliw! Uso kaya yan'' sabi ni Harry at biglang lumapit sa muka ko.  ''Happy Birthday. Mwuaah" sabay halik din sa pisngi ko.  ''Kadiri kayo! Mga bwisit '' aga aga sinisira na agad araw ko!  ''Anong uso? Uso halikan? Lalaki tayo mga Dre!" ''Ano naman? Hindi mo alam yung PDA?" hays. Ang aga aga talaga!  ''Alam ko no! Public Display of Affection. Bugok ka. Hindi yun ganun!" sabi ko at parehas silang binatukan.  ''Aray! Tanga, Paglambing na Di Awkward pwede yun sa kahit anong kasarian'' dami talaga alam neto ni Mike e.  ''Hindi mo ba napanuod sa youtube yon? Hindi ka kasi nag He-head n' shoulders eh. Makalumang tao"   ''Oo nga. Hindi ka kasi updated. Wala ka ngang f*******: eh, friendster pa gamit mo" pagsabat naman neto ni Harry. Alam ko na kung san pupunta' to.    ''Oo tapos ang alam mong computer game, counter strike" ''Ang gamit mong cellphone, 3310'' ''Ang paborito mong pelikula Petrang Kabayo, may Super Parental Guardians na kaya" ''Ang sinasayaw mo, Nobody ng Wonder Girls" -_- ''Paborito mong biscuit yung Marie'' ''Wala ka ring twitter '' sabi Harry ''WeChat'' "Kakao Talk'' ''Teka anong Kakao Talk? '' tanong ni Mike - _- ''Isa ka pa eh. Kapag nakasara yung pinto para papasukin ka, kailangan Kakao Talk ka'' banat ni Harry. Joke yun?  ''Havey yun, Dre!'' sabi ni Mike at tumawa ng malakas. Nag apir pa nga sila! Hays. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama. Maliligo na lang ako ''E yung THE RIGHT ZOO alam mo?'' rinig kong sabi ni Mike. ''Ano? '' ''Yung hindi baliko, The Right Zoo yun" pft. Corny putik.  ''HAHAHAHA HAVEY DRE"  -_- mga abnormal talaga   Kinuha ko yung twalyo bago lumingon sa kanila ''Eh yung SUNTOK alam nyo?" tanong ko.  ''Ikaw, Dre a? May baon ka ring joke a!" masayang sabi ni Mike. ''Sige. Ano yun? '' tas parehas silang excited na nakatingin sakin. ''Makukuha nyo yun pag di kayo tumigil" seryosong sabi ko. Nagtinginan sila saglit at binalik ang tingin sakin. ''Ha? Ano yun? Hindi ko gets '' ''Waley ka, Dre'' gusto kong ihampas yung tuwalya sa dalawa 'to e. ''Haaaay ewan! Makaligo na nga lang" bago pa ko magawa ng masama. Ewan ko ba bakit ang aga aga ang lakas ng tama ng dalawang 'to.   Ewan ko ba pero parang may kakaiba akong nararamdaman ngayong araw. Kanina pa 'ko giniginaw. Hays, siguro malamig lang talaga. Holy sh--   O.O  Tama ba ako ng pagkakita? Naging yelo yung tubig?! Pumikit ako ako at umiling. Imposible naman yun, Ryu! Baka inaantok ka pa   Dahan dahan kong idinilat ang mata ko. Oh ayan! Tubig naman e. Putik mukang namalikmata lang ako. Makaligo na nga. *** "Ano? Tara na!" sabi ko pagkatapos kong mag-asikaso. Paulit ulit naman kung dito lang kami kakain sa campus kaya sa labas na lang kami kakain. "Nice! Lezgow!" masayang sabi nila at naglakad na kami palabas ng Campus. Naglalakad kami papunta run sa isang kainan na lagi naming kinakainan ng may natanaw akong ibang estudyante sa labas ng M. Academy. Teka, si Cana yun a? Hay nako, tadhana, nakakahalata na ako a! Hahahah. Biro lang. Pero seryoso, sigurado akong si Cana 'yun. Pero iba na yung kasama nyang babae ngayon. At teka! Andun din yung CM na kausap nila kahapon. Magtititigan na naman ba sila? O____________O ''AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH '' napahawak ako sa bibig ko at gulat na gulat na makita yung nangyari. Oy pero panglalaking sigaw yung ginawa ko a? "Nakakagulat naman 'to! Anong nangyari sa'yo?" rinig kong sabi ni Harry *gulp* nakatingin na sila Cana sakin. Tae. Anong gagawin ko? ''Aaaaaaaaaaaaahhhhhh- aaang g-g-g-gaaling galing kong sumayaw galing kong gumalaw '' pilit na kanta ko at umiwas ng tingin. Putik sana hindi nila napansin. "Hoy, Dre. Ok ka lang ba?" napatingin ako kala Mike at pilit na ngumiti. Tae parang pinagpapawisan ako a? Ano ba 'tong mga nangyayari ngayong araw? ''Ah wala 'to!" sabi ko at tumingin sa lupa. Padaan na kami sa lugar nila. Shete naman o! Bakit ako nanginginig?   Wooh! Mabuti na lang at nakalagpas na kami sa kanila. Putik! Nakakatakot! Si Cana at yung babaeng kasama nya humiwalay sila sa katawan nila at parang lumabas yung kaluluwa nila. Yung babaeng kasama ni Cana naging isang babaeng pusa. Nagkaroon sya ng buntot at nagmukha syang pusa. Si Cana naman ay naging pula ang mga mata at nagkaroon ng pakpak na parang sa paniki. Napansin ko rin na nagkaroon sya ng mga kakaibang guhit sa mukha nya. Takte! Ano ba 'yung nakita ko? "AHHHHH!" napahinto ako saglit ng marinig na may sumigaw. Isang sigaw na parang nasasaktan. Putik! Gusto kong lumingon pero natatakot ako na baka paglingon ko, yung nakita ko pa rin kanina ang nakita ko. Putik. Ano ba 'to? ''Huy! Ayos ka lang ba?'' bigla akong natauhan sa pagtapik sakin ni Mike. Tumango lang ako at nagmadali ng maglakad papunta run sa kakainan namin. ''Wala ba kayong napansin kanina?'' tanong ko pagkaupo namin sa loob. Siguro naman hindi lang ako ang nakakita, hindi ba? ''Na?" tanong nila. Walang silang nakita? Ibig sabihin ako lang talaga yung nakapansin? Takte. Ibig sabihin, ako yung may problema. Hays. Nababaliw na ata ako! ''Sandali lang. Punta lang ako sa banyo'' sabi ko pagkadating namin sa loob nung kainan.  Ibig sabihin ako nga lang ang nakakita. Hindi! Imposible talaga! Hindi yun totoo. Nananaginip lang ako! Pagpasok ko sa CR, binuksan ko yung gripo. What the-- naging yelo nanaman yung tubig pagkahawak ko! Tae nababaliw na ata talaga ako e. *shakes head* Pagdilat ko, tubig na ulit yung lumalabas sa gripo. Tama! Tama! Imagination ko lang 'to. Wooo. Wala 'to! Pumikit ako at naghilamos. Wala lang 'to. Nababaliw lang ako ngayon.  '' Nakita mo'' ay putik! Napahawak ako sa dibdib ko ng makita sa salamin ang muka ni Cana. Yung Cana na normal hindi yung Cana na may pakpak ng paniki.   ''h-ha? A-anong s-si-sinabi mo?" Shete! Bakit ako kinakabahan? ''Alam kong nakita mo" anong gagawin ko? ''Ewan ko sa'yo. Hindi kita maintindihan!" kahit na halos gusto ko ng tumakbo palabas pinilit ko pa rin kumalma at normal na maglakad palabas ng CR. Bakit hindi ko napansin na dumating sya? At bakit nasa CR sya ng lalaki? Haynaku! ''Antagal mo naman. Umorder na kami '' umupo ako sa tabi nila. Takte parang ubos na yung energy ngayong araw. ''Oo nga. Bayaran mo nalang'' ''Huy!!" nagulat ako ng bigla akong tapikin ni Mike.  "HA? Oo. Sige sige" sabi ko. Asan na kaya si Cana? Sana lumabas na sya. Putik, nababaliw na talaga akooo Maya-maya dumating na rin yung order. Hays, baka gutom lang 'to. Ikakain ko na nga lang. Birthday ko ngayon kaya dapat masaya lang ako! ''Hi" muntikan ko ng maibuga yung kinakain ko ng lumapit si Cana sa lamesa namin at nakangiti sya! ''Uy! Ikaw yung taga Class S ng kabilang school diba?'' wag mo syang pansinin Harry! ''Ako nga" sabi nya at ngumiti. Kahit na ang ganda nya kapag nakangiti, pinilit ko pa ring umiwas ng tingin at tinuon ang mata ko sa pagkain. Bakit ba 'to nandito? Wala naman akong ginawang masama a? ''Ako nga pala si Mike. Sya naman si Harry. Tas sya si Ryu '' pakilala ni Mike. Hays! Bakit sinabi mo yung pangalan ko? ''Nice to meet you. Ako si Cana'' pilit kong nginunguya at nilulunok yung pagkain kahit na putik kinakabahan talaga ako sa nangyayari ngayon. ''Ahm. Pwede bang hiramin ko muna si Ryu. Magpapatulong lang. Ok lang ba?" dagdag nya. Bakit parang ang lambing ng tono nya? Takteeee. Wag kayong papayag! Tumingin ako kala Harry at sinesenyasan na wag pumayag. "Ako na lang gusto mo?" tanong ni Harry. Kinilabutan ako ng tumingin ako kay Cana para makita kung aalis na ba sya. ''Ayoko" walang emosyon na sabi nya. Syete natatakot na 'ko! ''Hoy Harry! Manahimik ka nga dyan si Ryu nga daw eh '' teka bakit hindi ko na lang sabihin na ayoko? Ayoko! Putik! Bakit hindi ako makapagsalita?  ''Ok. Huy Ryu! Patulong daw '' tumingin naman sakin si Harry. AYOKO!!!!!!  "A-" napalunok ako. Takte, ang sama ng tingin nya sakin. Naalala ko yung mukha nya kanina, baka mamaya pag di ako sumunod, huling birthday ko na to.. -______- ''S-sige '' putik. Ba't ba ko nauutal? E bakit hinde? Nakakatakot tong kaharap ko! ''Mauna na kami ah?'' ang ganda ng ngiti nya pero wala akong panahong isipin yan ngayon. Mas magandang isipin ay kung saan nya ako dadalhin at kung anong gagawin nya sakin. ''S-san tayo p-p-p-punta? ''  Tinignan nya lang ako ng masama *gulp   ''Sumunod ka lang sakin '' for the nth time *gulp*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD