Jeel's Point of View (Earlier) Ilang minuto lang, bumalik na rin ako sa quadrangle pagtapos kong libutin yung sa Class B. Muka namang walang magpapaiwan dito e, ano namang gagawin nila? E wala rin namang tao ang matitira sa kabilang eskwelahan. Siguro kung meron, baka magpaiwan din ako. Haha. Joke lang. "O! Tapos ka na rin?" malamang. "Si Ryu nalang" ang bagal talaga nun kahit kailan. Parang hindi lalaki. Tinignan ko si Jezra na katabi ni Dap at Cana. Ang ganda talaga ng babaeng 'to. Kelan kaya ko sasagutin neto? Hays, ok lang. Makakapag-antay naman ako e. "O nandito na pala kayong lahat" biglang dumating si Ryu na may bitbit na plastic bag. Itong lalaking 'to masyadong nagpapasikat. "Hindi ko yan binili" sabi nya at tumawa "Nakabukas lang yung cafeteria run malapit sa Class C

