Dumiretso na kami sa Hiragi. Tinanong nga nila kung okay lang ba ako, kasi nga hindi pa ako nagpapahinga baka napagod raw ako ng sobra. Sabi ko naman hindi. Ang masakit sakin, yung puso ko. Hayyyy. Sobrang namimiss ko na sya. "Asan na raw sila?" tanong ni Jez. "Ahhh. Teka, tatawagan ko" sabi ko at nilabas na ang phone ko. *Ringggg "UYYYYYYYY!" "Ayan na pala sila eh" binaba ko na ang cellphone ko ng makitang kumakaway ang dalawang kolokoy. "Magmovie marathon nalang ulit tayo" sabi ni Harry ng makarating kami sa dorm. "Movie marathon ka pa riyan e isa lang mapapanood natin" sagot ni Jeel. "Maka natin ka ah? Kayo lang oy! Dito naman kami nakatira eh kahit magmovie marathon kami ni Harry hanggang madaling araw, okay lang" nag-aaway na namang silang tatlo. "Edi di

